Alma
A alma é a parte mais íntima do ser humano — sede da vida, dos afetos e do encontro com Deus. A Bíblia convida a cuidar da alma com zelo e a aquietá-la diante do Senhor.
A alma diante de Deus
Bendize ao Senhor, ó minha alma! A alma suspira por Deus como a corça suspira pelas águas — com sede de eternidade.
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
O Diyos, kayo ang aking Diyos.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang
buong pusoʼt kaluluwa,
tulad ng lupang tigang sa ulan.
Bakit nga ba ako nalulungkot
at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
Sa Diyos lang ako may kapahingahan;
Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.
Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
Dahil akoʼy iniligtas nʼyo,
sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog
at umaawit ng papuri sa inyo.
Ang kautusan ng Panginoon
ay walang kamalian.
Itoʼy nagbibigay sa atin
ng bagong kalakasan.
Ang mga turo ng Panginoon
ay mapagkakatiwalaan,
at nagbibigay karunungan
sa mga kulang sa kaalaman.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Panginoon, iligtas nʼyo ako
sa mga mandaraya at sinungaling.
Cuidar da alma
Que aproveita ao homem ganhar o mundo inteiro e perder a sua alma? Buscar a Deus de toda alma é o caminho da vida.
Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
Sumagot si Hesus, " ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.
Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.
Ngunit huwag nʼyong kalimutang tuparin ang mga utos at katuruan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon. Ibigin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos, mamuhay kayo ayon sa kalooban niya, tuparin ang mga utos niya, maging matapat sa kanya at paglingkuran nʼyo siya nang buong pusoʼt kaluluwa."
"Malapit na akong mamatay. Nalalaman nʼyo sa buong puso ninyoʼt kaluluwa na tinupad ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala, kahit isa na hindi niya tinupad.
Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.
Ito pa ang sinabi ng Panginoon:
"Tumayo kayo sa mga kanto at magmasid kayo nang mabuti.
Magtanong kayo kung alin ang dati
at mabuting daan, at doon kayo dumaan.
At makakamtan ninyo ang kapayapaan.
Ngunit sinabi ninyo, ‘Hindi kami dadaan doon.’
Ang matatamis na salita
ay parang pulot-pukyutan,
nakakapagpasaya at nakakapagpasigla
ng katawan.
Mahal kong kaibigan, idinadalangin kong sanaʼy malusog ang iyong katawan at nasa mabuti kang kalagayan na tulad ng iyong buhay espirituwal na nasa mabuting kalagayan.