Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 19

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Ipinapakita ng kalangitan

ang kaluwalhatian ng Diyos!

Inihahayag ng kalawakan

ang gawa ng kanyang mga kamay.

2 Araw-araw, sinasabi ng kalangitan

ang tungkol dito,

gabi-gabi, ipinaaalam ng kalawakan

ang tungkol sa kanyang kapangyarihan.

3 Kahit walang salita o tinig

na mula sa kanilaʼy naririnig,

4 napapakinggan pa rin sa buong daigdig

ang kanilang salitaʼt tinig.

Doon sa kalangitan,

iginawa ng Diyos ang araw ng tirahan.

5 Tuwing umagaʼy sumisikat ito

katulad ng isang lalaking ikakasal

na masayang lumalabas

ng kanyang tahanan.

O kayaʼy isang manlalarong kampeon

na sabik na sabik sumabak sa takbuhan.

6 Itoʼy sumisikat sa silangan,

at lumulubog sa kanluran;

walang di mahahagip ng init

nitong taglay.

7 Ang kautusan ng Panginoon

ay walang kamalian.

Itoʼy nagbibigay sa atin

ng bagong kalakasan.

Ang mga turo ng Panginoon

ay mapagkakatiwalaan,

at nagbibigay karunungan

sa mga kulang sa kaalaman.

8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama

at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan.

Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw

at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.

9 Ang pagkatakot sa Panginoon

ay nagpapadalisay ng puso;

mananatili ito magpakailanman.

Ang mga utos ng Panginoon

ay matuwid

at makatarungan.

10 Ang mga itoʼy higit pa kaysa ginto

kahit pa sa purong ginto,

at mas matamis pa

kaysa sa pulot-pukyutan.

11 Ang inyong mga utos,

ay nagbibigay babala sa akin

na inyong lingkod.

May dakilang gantimpala

kapag itoʼy aking sinusunod.

12 Hindi namin napapansin

ang aming mga kamalian.

Kaya linisin po ninyo ako

sa mga kasalanang hindi ko nalalaman.

13 Ilayo rin ninyo ako

sa kasalanang sadya kong ginagawa.

Huwag po ninyong payagan

na alipinin ako nito.

At mamumuhay ako

nang walang kapintasan,

lubos na lalaya

sa maraming kasalanan.

14 Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon

ang aking iniisip at sinasabi.

Kayo,

ang aking batong kanlungan

at tagapagligtas!

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.