Amor de casal
O amor de casal é celebrado na Bíblia como dom sagrado. O Cântico dos Cânticos exalta a beleza do amor conjugal — íntimo, exclusivo e forte como a morte.
Iukit mo ang pangalan ko
sa puso mo
upang patunayan na ako
lamang ang mahal mo.
At ako lamang ang yayakapin
ng mga bisig mo.
Makapangyarihan ang pag-ibig
gaya ng kamatayan;
maging ang pagnanasa
ay hindi mapipigilan.
Ang pag-ibig ay parang lumiliyab
at lumalagablab na apoy.
Kahit laksa-laksang tubig,
hindi ito mapipigilan.
Sinumang magtangkang bilhin ito
kahit ng lahat niyang yaman
ay baka malagay lamang sa kahihiyan.
Ang mga Kapatid na Lalaki ng Babae
Ang puso koʼy nabihag mo,
o irog ko na aking magiging kabiyak.
Ang puso koʼy nabihag mo
sa isang sulyap ng iyong mga mata
at sa isang hiyas ng iyong kuwintas.
Paliguan mo ako ng iyong mga halik.
Sapagkat mas matamis pa
kaysa alak ang iyong pag-ibig.
Kay sarap amuyin ng iyong pabango,
at ang ganda ng pangalan mo,
kaya hindi kataka-takang
ang mga dalagaʼy napapaibig sa iyo.
Napakaganda mo, aking giliw.
Mga mata moʼy kasimpungay
ng mga mata ng kalapati.
Babae
Kay kisig mo, mahal ko.
Napakaganda mong pagmasdan!
Ang damuhang luntian ang ating higaan.
Lalaki
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."
Mula sa tadyang na kinuha ng Panginoong Diyos sa lalaki, gumawa siya ng isang babae, at dinala ito sa lalaki.
Sinabi ng lalaki,
"Narito na ang isang tulad ko!
Buto na kinuha sa aking mga buto,
at laman na kinuha sa aking laman.
Tatawagin siyang ‘babae,’
dahil kinuha siya mula sa lalaki."
Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.
Kung nakapag-asawa ka,
nakatanggap ka ng kabutihan,
at ito ang nagpapakita na mabuti
ang Panginoon sa iyo.
Pagpalain sana ang iyong asawa.
Maging maligaya ka sa kanya,
na napangasawa mo noong kayoʼy
mga bata pa.
Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.
Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,
at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.
Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay?
Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?
Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong nasusuklam sa sariling katawan, sa halip, pinapakain niya ito at inaalagaan. Ganito rin ang ginagawa ni Kristo sa kanyang iglesya,
Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.
At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa.
Mas mabuti ang may kasama
kaysa mag-isa;
mas marami silang magagawa.
Kapag nadapa ang isa sa kanila
maitatayo siya ng kanyang kasama.
Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,
dahil walang tutulong sa kanya.
Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi
at pareho kayong maiinitan.
Pero kung nag-iisa ka,
papaano ka maiinitan?
Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,
subalit mahirap kang talunin
kung may kasama ka.
Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,
mahirap itong malagot.
Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.
Kung bagong kasal ang isang lalaki, huwag ninyo siyang isasama sa labanan o bibigyan ng anumang tungkulin sa bayan sa loob ng isang taon, para manatili muna siya sa kanyang bahay at mabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa.