amor de Deus
O amor de Deus é a maior realidade do universo. Ele nos amou com amor eterno, incondicional e sacrificial — e nada no mundo pode nos separar desse amor.
Amor eterno
Deus amou o mundo de tal maneira que deu o seu Filho. Seu amor é de eternidade a eternidade — nunca falha.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi:
"Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan.
Sa aking kagandahang-loob,
pinalapit ko kayo sa akin.
Magpasalamat kayo sa Panginoon,
dahil siyaʼy mabuti.
Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Ang Panginoon ay mahabagin
at matulungin,
hindi madaling magalit
at sagana sa pagmamahal.
Ngunit kayo, Panginoon,
ay Diyos
na nagmamalasakit at mahabagin.
Wagas ang pag-ibig nʼyo,
at hindi kayo madaling magalit.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
Natureza do amor divino
Deus é amor. O amor é paciente, benigno. O amor do Pai nos adota como filhos e nos transforma à sua imagem.
Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya. Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo.
Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.
Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya. Sa kabilang banda, masasabi ko ring bago ang utos na ito dahil lumilipas na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. At ang katotohanang itoʼy nasaksihan sa buhay ni Kristo at maging sa inyo.
Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,
Expressões do amor de Deus
O Senhor nos ama com alegria e canta sobre nós. Queni a mim vem, amará; e quem me ama, o Pai o amará.
Sapagkat kasama ninyo
ang Panginoon
na inyong Diyos.
Siya ay isang mandirigmang
magliligtas sa inyo.
Siyaʼy magagalak sa inyo,
at sa kanyang pag-ibig kayoʼy
kanyang panunumbalikin.
Sa kanyang kagalakan
ay kanyang aawitan."
Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin;
makikita ako ng mga naghahanap sa akin.
Ibibigay ko ang ibang mga tao
bilang kapalit mo,
dahil ikaw ay marangal
at mahalaga sa aking paningin,
at dahil mahal kita.
Sa loob ng inyong Templo, O Diyos,
iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.
Patuloy nʼyong ibigin
ang mga kumikilala sa inyo,
at bigyan nʼyo ng katarungan
ang mga namumuhay nang matuwid.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)
Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang makita sa inyo ang pag-ibig ng Diyos at katatagan ni Kristo.