Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 63

Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.

1 O Diyos, kayo ang aking Diyos.

Hinahanap-hanap ko kayo.

Nananabik ako sa inyo nang

buong pusoʼt kaluluwa,

tulad ng lupang tigang sa ulan.

2 Nakita ko ang presensya ninyo

doon sa Templo,

nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan

at kaluwalhatian.

3 Akoʼy magpupuri sa inyo,

sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig

ay mas mainam pa kaysa buhay.

4 Pasasalamatan ko kayo

habang akoʼy nabubuhay.

Itataas ko ang aking mga kamay

sa paglapit sa inyo.

5 Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog

sa malinamnam na handaan.

At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.63:5 awit ng kagalakan: Sa literal, sumisigaw sa kagalakan.

6 Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.

Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.

7 Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit63:7 aawit: Tingnan ang talababa sa talata 5|PSA 63:5. ako,

habang akoʼy nasa inyong kalinga.63:7 habang … kalinga: Sa literal, sa lilim ng inyong pakpak.

8 Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako

ng inyong kanang kamay

upang hindi ako mapahamak.

9 Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay

ay mapupunta sa lugar ng mga patay.

10 Mamamatay sila sa labanan

at ang kanilang mga bangkay

ay kakainin ng mga asong-gubat.

11 Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.

Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.

Ngunit ang lahat ng sinungaling

ay patatahimikin ng Diyos!

Veja também