Amor próprio
O amor próprio saudável reconhece o valor que Deus nos deu. Fomos criados à imagem de Deus, maravilhosamente formados. Aceitar-se é honrar o Criador.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
O Diyos, hindi ko lubos maunawaan
ang mga iniisip ninyo;
itoʼy sadyang napakarami.
Kung itoʼy aking bibilangin,
mas marami pa kaysa sa buhangin.
Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.
Kapag akoʼy tumitingala
sa langit na inyong nilikha,
at aking pinagmamasdan ang buwan
at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,
akoʼy napapatanong,
"Ano ba ang tao upang inyong alalahanin?
Sino nga ba siya upang inyong kalingain?"
Ginawa ninyong mas mababa
kaysa sa mga anghel
ang kanyang kalagayan.
Ngunit kinoronahan nʼyo siya
ng kaluwalhatian at karangalan.
Tinutulungan niya ang mga dukha
at nangangailangan sa kanilang kagipitan.
At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao
mula sa kanyang mga mamamayan.
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso."
Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.
Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit nga ang bilang ng buhok ninyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.
Paglilingkod sa mga Mananampalataya kay Kristo
Sapagkat dahil sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong pahalagahan nang higit sa nararapat ang inyong sarili. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa inyo.