Publicidade

Aprender

Por Bíblia Online

Aprender é vocação do discípulo. Jesus disse: aprendei de mim. A Bíblia convida a aprender com humildade, perseverança e disposição — sentados aos pés do Mestre.

Aprender de Jesus

Tomai sobre vós o meu jugo e aprendei de mim. O Espírito Santo nos ensinará todas as coisas e nos recordará tudo.

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko."

Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."

Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.

Sumagot si Hesus, "Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.

Tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritung ipinagkaloob sa inyo ni Kristo ay nananatili sa inyo, at hindi na kayo kailangang turuan pa ng iba, sapagkat siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay pawang katotohanan, at walang kasinungalingan. At tulad ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Kristo.

Ensino e sabedoria

O temor do Senhor é o princípio do saber. A disciplina do Senhor forma o caráter e abre caminhos de entendimento.

Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

Ngunit sa hangal, walang halaga

ang karunungan

at ayaw niyang maturuan.

Anak, huwag mong mamasamain

kapag itinutuwid ka ng Panginoon.

Huwag mong kasuklaman

ang kanyang pagsaway.

Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang ugali ng kanyang mga minamahal,

katulad ng ginagawa ng isang ama

sa kanyang anak na kinalulugdan.

Tinuruan na kita ng karunungan,

kung paano mamuhay sa katuwiran.

Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid

sa kanyang pag-uugali

ay nagnanais ng karunungan,

ngunit ang taong ayaw tumanggap

ay hangal.

Dapat ninyong maisip na gaya ng pagdidisiplina ng ama sa kanyang anak, ang Panginoon na inyong Diyos ay dumidisiplina rin sa inyo.

Comunidade de aprendizado

Ensinem e aconselhem-se mutuamente. A igreja é escola de Cristo — onde todos ensinam e todos aprendem juntos.

Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.

Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

Araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, patuloy silang nagtuturo at nangangaral ng Magandang Balita na si Hesus ang Mesias.

Alam din ninyong wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikakabuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay.

Ipamuhay ninyo ang lahat ng natutunan ninyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Paggawa ng Mabuti Para sa Ebanghelyo

Ngunit ikaw, Tito, ituro mo ang naaayon sa tamang katuruan.

Ouvir e praticar

Ensina-me a fazer a tua vontade. Guia-me pela tua verdade. O verdadeiro aprendiz pratica o que ouviu do Mestre.

Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban,

dahil kayo ang aking Diyos.

Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu

sa landas na walang kapahamakan.

Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,

ang tamang pamumuhay,

ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.

Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,

dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.

Kayo ang lagi kong inaasahan.

Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,

kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan

ang mga makasalanan.

Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.

Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Sinabi ng Panginoon sa akin,

"Ituturo ko sa iyo ang daan

na dapat mong lakaran.

Papayuhan kita habang binabantayan.

Buong puso kitang hinahanap-hanap

sa tuwing gabi at pati sa umaga.

Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,

matututo silang mamuhay nang matuwid.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-