Publicidade

Oséias 14

Pagpapala ang Dala ng Pagsisisi

1 Sinabi ni Hoseas:

"Mga taga-Israel,

magbalik-loob na kayo

sa Panginoon

na inyong Diyos.

Napahamak kayo

dahil sa inyong kasalanan.

2 Magbalik-loob na kayo

sa Panginoon

at sabihin ninyo sa kanya,

‘Patawarin nʼyo po kami

sa aming mga kasalanan.

Tanggapin nʼyo po kami ayon

sa inyong kabutihan

upang makapaghandog kami

sa inyo ng pagpupuri.

3 Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria

at hindi na rin kami aasa

sa mga kabayong pandigma.

Hindi na rin namin tatawagin

na aming Diyos

ang mga diyos-diyosang ginawa namin.

Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami

na parang mga ulila.’ "

4 Sinabi ng Panginoon,

"Pagagalingin ko ang aking

mga mamamayan

mula sa kanilang pagkamasuwayin

at taos-puso ko silang mamahalin.

Sapagkat nawala na

ang galit ko sa kanila.

5 Pagpapalain ko ang mga taga-Israel;

akoʼy magiging parang hamog sa kanila

na nagbibigay

ng tubig sa mga halaman.

Sila ay lalago tulad

ng liryong namumulaklak.

Sila ay magiging matatag tulad

ng puno ng sedro

sa Lebanon na malalim ang ugat.

6 Sila ay dadami

na parang mga sangang

nagkakadahon nang mayabong.

Silaʼy magiging tanyag

tulad ng magandang puno ng olibo

at ng mabangong puno ng sedro

ng Lebanon.

7 Muli silang maninirahan

na kinakalinga ko.

Sila ay uunlad na parang

trigong yumayabong

o ubas na namumulaklak.

At magiging tanyag sila

na gaya ng alak ng Lebanon.

8 "Mga taga-Israel, lumayo na kayo

sa mga diyos-diyosan.

Ako ang tutugon sa inyong mga dalangin

at ako ang kakalinga sa inyo.

Ipagtatanggol ko kayo;

akoʼy magiging tulad

ng mayabong na puno ng sipres,

na magbibigay ng lilim.

Ako ang nagpapaunlad sa inyo."

9 Nawaʼy malaman at maintindihan

ng may pang-unawa

ang mga nakasulat dito.

Tama ang mga pamamaraan

ng Panginoon

at sinusunod ito ng mga matuwid,

ngunit nagiging katitisuran ito

sa mga suwail.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_06-50-08-