Publicidade

Oséias 11

Ang Pag-ibig ng Diyos sa Israel

1 "Minahal ko ang Israel noong

kabataan niya.

Itinuring ko siyang anak

at tinawag ko siya mula sa Ehipto.

2 Ngunit ngayon,

kahit na patuloy kong tinatawag

ang mga mamamayan ng Israel,

lalo pa silang lumayo sa akin.

Naghahandog sila

at nagsusunog ng mga insenso

sa diyos-diyosang si Baal.

3 Ako ang nag-alaga sa kanila.

Inakay ko sila at tinuruang lumakad,

ngunit hindi nila kinilala na ako

ang kumalinga sa kanila.

4 Pinatnubayan ko sila

nang buong pagmamahal,

tulad ng isang taong nag-aangat

ng pamatok sa baka upang mapakain ito.

5 "Ngunit dahil ayaw nilang bumalik

sa akin,

babalik sila sa Ehipto,

at paghaharian sila ng Asiria.

6 Lulusubin ng mga kalaban

ang kanilang mga lungsod

at sisirain ang mga tarangkahan

ng pintuan nito.

Wawakasan ng mga kaaway

ang lahat nilang balak.

7 Nagpasyang lumayo sa akin

ang aking mga mamamayan.

Kaya kahit na sama-sama pa sila

na dumulog sa akin

na Kataas-taasang Diyos,

hindi ko sila tutulungan.

8 "Mga taga-Israel, hindi ko magagawa

na itakwil kayo o pabayaan na lang.

Hindi ko magagawang lipulin kayo nang lubusan

gaya ng ginawa ko sa mga lungsod

ng Adma at Zeboim.

Hindi matatanggap ng aking kalooban

na gawin ko ito sa inyo.

Awang-awa ako sa inyo.

9 Hindi ko na ipadarama

ang matindi kong galit;

hindi ko na gigibain ang Israel,

dahil akoʼy Diyos at hindi tao.

Ako ang Banal na Diyos

na kasama ninyo.

Hindi ako paparito

sa inyo nang may galit.

10 Susunod kayo

sa akin na inyong Panginoon

kapag umatungal ako na parang leon.

Kapag umatungal na ako,

kayong mga anak ko ay uuwi

na nanginginig mula sa kanluran.

11 Takot kayong darating,

nanginginig na parang mga ibon

mula sa Ehipto

o parang mga kalapating

mula sa Asiria.

Ibabalik ko kayo sa inyong mga tahanan,"

sabi ng Panginoon.

Ang Kasalanan ng Israel at Juda

12 Sinabi pa ng Panginoon,

"Palagi akong pinagsisinungalingan

at niloloko ng mga taga-Israel.

Ang mga taga-Juda ay patuloy

na lumalayo sa akin,

ang Diyos na banal at tapat."

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-16_18-40-07-