Pular para o conteúdo
Publicidade

Hoseas 7

1 Nais ko sanang pagalingin

ang bansang Israel,7:1 Israel: Sa Hebreo, Efraim at Samaria; buong kaharian ng Israel.

subalit napakalaki

ng kanilang pagkakasala

at nabubunyag ang kanilang

masasamang gawa.

Silaʼy mga mandaraya;

pinapasok ng magnanakaw

ang mga tahanan,

nagnanakaw sa daan

ang mga kawatan.

2 Hindi nila napagtanto

na naaalala ko

ang lahat ng kasamaang

ginawa nila.

Nilulunod na sila

ng kanilang kasalanan;

at ang lahat

ng itoʼy aking namamasdan.

3 "Napapasaya nila

ang kanilang hari at mga pinuno

sa kanilang kasamaan

at kasinungalingan.

4 Lahat silaʼy mga taksil.7:4 taksil: O nangangalunya. Maaari rin na ang ibig sabihin nito ay sumasamba sila sa mga diyos-diyosan.

Para silang maiinit na pugon

na hindi na kailangang paningasin ng panadero

mula sa oras ng pagmamasa

hanggang sa umalsa ang harina.

5 Nang dumating ang kaarawan ng7:5 kaarawan: O araw ng pagkokorona.

ng kanilang7:5 kanilang: Ito ang nasa Targum. Sa Hebreo, ating. hari,

nilasing nila ang mga opisyal nito.

At pati ang hari ay nakipag-inuman

sa kanyang mga mapanghusgang

mga opisyal.

6 At habang papalapit sila sa hari

at sa kanyang mga opisyal upang patayin,

nagniningas ang kanilang galit

na parang mainit na pugon.

Bago pa man sila sumalakay,

magdamag nilang tinitimpi

ang kanilang galit,

kaya kinaumagahan

para na itong nagniningas na apoy.

7 Galit na galit silang lahat

tulad ng nagniningas na pugon.

Kaya pinatay nila

ang kanilang mga pinuno.

Bumagsak lahat ang kanilang mga hari,

ngunit wala ni isa man sa kanila

ang humingi ng tulong sa akin.

8 "Nakikisalamuha ang Israel7:8 Israel: Sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talata 11|HOS 7:11. Tingnan ang talababa sa 4:17.

sa ibang mga bansa.

Nasira tuloy siya,

tulad ng tinapay na hindi nabaliktad.7:8 hindi nabaliktad: Ang ibig sabihin ay sunog ang isang panig at hilaw naman ang kabila.

9 Inuubos ng mga taga-ibang bansa

ang kanilang kakayahan,

ngunit hindi nila ito namamalayan;

katulad sila ng isang taong pumuputi

na ang buhok

ngunit hindi niya ito napapansin.

10 Ang pagmamataas ng Israel

ay nagpapatunay

na dapat silang parusahan.

Subalit kahit nangyayari

ang lahat ng ito sa kanila,

hindi pa rin sila nagbalik-loob

at lumapit sa akin

na kanilang Panginoon.

11 "Tulad sila ng kalapating

madaling lokohin

at walang pang-unawa.

Humingi sila ng tulong

sa Ehipto at Asiria.

12 Subalit habang paparoon sila,

pipigilan7:12 pipigilan: O lilipulin o ipapabihag. ko sila na parang ibon

na nahuli sa lambat

at hinila pababa.

Parurusahan ko sila

ayon sa aking sinabi

sa kanilang pagtitipon.

13 Nakakaawa sila

dahil lumayo sila sa akin.

Lilipulin ko sila

dahil naghimagsik sila sa akin.

Gusto ko sana silang iligtas,

ngunit nagsalita sila

ng kasinungalingan

tungkol sa akin.

14 Hindi bukal sa kanilang puso

ang pagtawag nila sa akin,

ngunit umiiyak sila sa kanilang higaan.

Sinasaktan nila ang kanilang sarili7:14 sinasaktan … sarili: Sa Hebreo, nagtitipon sila.

habang sumasamo

sa mga diyos-diyosan

para sa pagkaing butil at inumin,

at akoʼy kanilang tinalikuran.

15 Dinisiplina ko sila

upang silaʼy maging matatag,

ngunit nagbalak pa rin sila

ng masama laban sa akin.

16 Lumapit sila sa mga bagay

na walang kabuluhan.7:16 mga bagay na walang kabuluhan: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac, ngunit hindi malinaw sa Hebreo. Maaaring ang "mga bagay na walang kabuluhan" ay mga diyos-diyosan.

Para silang panang baluktot

na walang pakinabang.

Mamamatay sa digmaan

ang kanilang mga pinuno

dahil wala silang galang

kapag nagsasalita.

At dahil dito,

kukutyain sila ng mga taga-Ehipto.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também