Publicidade

Arca de noé

Por Bíblia Online

A arca de Noé é história de salvação e fidelidade. Deus instruiu Noé a construir a arca para salvar sua família e os animais do dilúvio — exemplo supremo de obediência e fé.

Kaya sinabi niya kay Noe, "Lilipulin ko ang lahat ng tao. Dahil sa kanila, lumaganap ang kasamaan sa mundo. Lilipulin ko sila kasama ng mundo. Kaya ikaw Noe, gumawa ka ng barko mula sa matibay na kahoy, at gawan mo ito ng mga kuwarto. Pagkatapos, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas ng barko. Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas. Lagyan mo ng bubong ang barko, at lagyan mo ng agwat na kalahating metro ang dingding at ang bubong. Gawan mo ang barko ng tatlong palapag, at lagyan ng pintuan sa gilid.

Sinabi ng Panginoon kay Noe, "Pumasok ka sa barko kasama ang iyong buong pamilya. Sapagkat sa lahat ng tao sa henerasyong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid.

Pumasok siya sa barko kasama ang asawa niya, mga anak niyang lalaki at ang mga asawa nila upang hindi sila mamatay sa baha. Mga pares ng malinis at maruming hayop, ng mga ibon at ng lahat ng nilalang na gumagalaw sa lupa ay dumating kay Noe at pumasok sa barko, magkakapares na lalaki at babae, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. At pagkalipas ng pitong araw, bumaha nga sa daigdig.

Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang pinto ng barko.

Bumaha sa daigdig sa loob ng apatnapung araw. Habang tumataas ang tubig, inaangat naman nito ang barko mula sa lupa. Dumagsa ang tubig at pataas ito nang pataas, at lumulutang naman ang barko sa ibabaw nito.

Nalipol ang lahat ng nilalang sa ibabaw ng lupa: ang mga tao, mga hayop, mga nilalang na gumagalaw sa lupa, at mga ibon. Si Noe lang ang at ang mga kasama niya sa loob ng barko ang hindi namatay.

Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw, at sa ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.

Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko at pinakawalan ang isang uwak. At ang uwak na itoʼy pabalik-balik na lumilipad hanggang sa humupa ang tubig. Pinakawalan din ni Noe ang isang kalapati upang malaman niya kung bumaba na ang tubig, ngunit walang madapuan ang kalapati dahil natatakpan pa rin ng tubig ang buong mundo. Kaya bumalik na lamang ang kalapati kay Noe sa barko. Pinadapo ni Noe ang kalapati sa kamay niya at pinapasok sa barko. Pinalipas muna ni Noe ang pitong araw at muli niyang pinakawalan ang kalapati. Gabi na nang bumalik ang kalapati na may dalang sariwang dahon ng olibo sa kanyang tuka. Kaya nalaman ni Noe na bumaba na ang tubig. Pinalipas muli ni Noe ang pitong araw pa at muli niyang pinakawalan ang kalapati, ngunit hindi na ito bumalik.

Noong unang araw ng unang buwan tuluyan nang bumaba ang tubig. Si Noe ay 601 taóng gulang na noon. Binuksan niya ang takip ng barko at nakita niya na tuyo na ang lupa.

Sinabi ng Diyos kay Noe, "Lumabas ka na ng barko. Isama mo ang asawa mo at mga anak pati ang mga manugang mo. Palabasin mo rin ang lahat ng hayop upang dumami sila at mangalat sa buong mundo."

Sinabi pa ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya, "Itinatakda ko ngayon ang kasunduan ko sa inyo at sa mga lahi ninyo, at sa bawat nilalang na kasama ninyo sa barko: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiiilap, lahat ng kasama ninyong lumabas sa barko, at sa bawat nilalang sa lupa. Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig."

inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.

Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari kahit hindi pa niya nakikita. Kaya gumawa siya ng isang barko para mailigtas niya ang kanyang sarili at ang pamilya niya. At sa pananampalataya niya, hinatulan ang mga tao sa mundo, pero itinuring siyang matuwid ng Diyos.

na hindi sumunod sa Diyos noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ng Diyos ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig. Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya. Si Hesu-Kristo ay nasa langit na ngayon, sa kanan ng Diyos, at ipinasakop sa kanya ang lahat ng anghel at ang lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.

Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ng Anak ng Tao. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa araw na iyon, kung may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa. At kung may dalawang babaeng nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang isa.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-