Publicidade

Batismo

Por Bíblia Online

O batismo é mandamento de Jesus e proclamação pública de fé. É símbolo de morte para o pecado, sepultamento com Cristo e ressurreição para uma vida nova no Espírito.

O mandamento de Jesus

Ide e fazei discípulos, batizando-os em nome do Pai, do Filho e do Espírito Santo. O batismo é porta de entrada na comunidade cristã.

Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."

Lumapit sa kanila si Hesus at sinabi, "Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo."

Ang Pagbabautismo kay Hesus

Mula sa Galilea, pinuntahan ni Hesus si Juan sa Ilog Jordan para magpabautismo.

Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao. Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.

Ang Pagbautismo at Pagtukso kay Hesus

Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan. Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.

Morrer e ressuscitar

Fomos sepultados com Cristo pelo batismo na morte para que andemos em novidade de vida. O batismo é renascimento pelo Espírito.

Hindi ba ninyo alam na noong binautismuhan tayo kay Kristo Hesus, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang kamatayan? Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.

Hindi ba ninyo alam na noong binautismuhan tayo kay Kristo Hesus, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang kamatayan?

Siyempre hindi! Wala nang kapangyarihan ang kasalanan sa atin kaya hindi na tayo dapat magpatuloy sa pagkakasala. Hindi ba ninyo alam na noong binautismuhan tayo kay Kristo Hesus, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang kamatayan? Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkakaroon ng panibagong buhay.

At kung nakasama tayo sa kanyang kamatayan, tiyak na mabubuhay tayong muli tulad ng muli niyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Kristo upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo alipinin pa ng kasalanan. Sapagkat ang taong patay na ay malaya na sa kasalanan.

Inilibing kayong kasama ni Kristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Kristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Diyos na bumuhay sa kanya.

Mga Anak ng Diyos sa Pananampalataya

Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu.

iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng Banal na Espiritu upang tayoʼy ipanganak muli at magkaroon ng bagong buhay.

Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya.

Batismo e Espírito

Arrependei-vos e cada um seja batizado. O batismo no Espírito Santo é poder para vida e testemunho.

Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.

Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.

Marami ang naniwala sa kanyang mensahe at nagpabautismo agad sila. Sa araw na iyon, mga tatlong libong tao ang nadagdag sa kanila.

Ngunit nang mangaral si Felipe sa kanila ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Hesu-Kristo, sumampalataya sila. Kaya maraming lalaki at babae ang nagpabautismo. Pati si Simon ay sumampalataya rin at nagpabautismo. Mula noon, palagi na siyang sumasama kay Felipe kahit saan ito pumunta. Napapahanga siya sa mga tanda at kamangha-manghang bagay na ginagawa ni Felipe.

Habang patuloy silang naglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko kay Felipe, "Tingnan mo, may tubig dito! May dahilan pa ba upang hindi ako mabautismuhan?" [ Sumagot si Felipe, "Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso." Sinabi ng eunuko, "Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos."] Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

"Wala nang makakahadlang sa kanila upang bautismuhan sila sa tubig sapagkat tulad natin, natanggap na nila ang Banal na Espiritu." At iniutos ni Pedro na bautismuhan sila sa pangalan ni Hesu-Kristo. Pagkatapos noon, pinakiusapan nila si Pedro na manatili pa roon ng ilang araw.

"Wala nang makakahadlang sa kanila upang bautismuhan sila sa tubig sapagkat tulad natin, natanggap na nila ang Banal na Espiritu."

Sinabi ni Pablo sa kanila, "Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Hesus."

Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus. At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.

Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Hesus.

At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Diyos.

Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ "

Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit ilang araw lamang mula ngayon ay babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu."

Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig."

Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.

Ang Pagbabautismo kay Hesus

Isang araw, nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, nagpabautismo rin si Hesus. At habang nananalangin si Hesus, bumukas ang langit, at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya."

Um batismo

Em um Espírito fomos todos batizados em um só corpo. O batismo é um só, assim como um só é o Senhor e uma só é a fé.

Tayong lahat, Hudyo man o Hentil, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu para maging isang katawan. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.

Tayong lahat, Hudyo man o Hentil, alipin o malaya ay nabautismuhan sa iisang Espiritu para maging isang katawan. At iisang Espiritu rin ang tinanggap nating lahat.

Bakit, nahahati ba si Kristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo? Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gayo. Kaya walang makapagsasabing binautismuhan kayo sa pangalan ko. (Binautismuhan ko rin pala si Estefanas at ang kanyang pamilya. Maliban sa kanila, wala na akong natatandaang binautismuhan ko.) Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.

Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Diyos na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, Kapag nakita mong bumaba ang Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Noong unaʼy hindi ko rin kilala kung sino siya, ngunit ang Diyos na nag-utos sa akin na magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, Kapag nakita mong bumaba ang Espiritu at nanatili sa isang tao, ang taong iyon ang magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-