Publicidade

Beleza

Por Bíblia Online

A verdadeira beleza vem de dentro. A Bíblia ensina que o encanto é enganoso e a formosura é vã, mas a mulher que teme ao Senhor — essa sim merece louvor.

Ang pagiging kaakit-akit

ay makapandaraya,

at ang kagandahan

ay kumukupas.

Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon

ay dapat purihin.

Huwag ninyong pagkaabalahan ang panlabas na kagandahan na mula sa pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga gintong alahas, at mamahaling mga kasuotan. Sa halip, ang inyong kagandahan ay dapat magmula sa kalooban – ang kagandahang hindi kumukupas, na bunga ng maamo at mahinahong espiritu, na siyang mahalaga sa paningin ng Diyos.

Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso."

Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. Sa halip, ang dapat makita sa kanila ay mabubuting gawa, sapagkat ito ang nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

O irog ko,

ang lahat sa iyoʼy maganda.

Walang maipipintas sa iyo.

Kaya nilikha ng Diyos ang tao,

lalaki at babae

ayon sa wangis niya.

Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.

Ang Darating na Kaluwalhatian ng Zion

"Bumangon ka, Jerusalem,

at magliwanag katulad ng araw,

sapagkat dumating na ang kaligtasan mo.

Liliwanagan ka

ng kaluwalhatian ng Panginoon.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng ating Diyos

ay mananatili magpakailanman."

Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.

Ang Katuruan tungkol sa Pagkabalisa

"Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-