Bom ânimo
Tende bom ânimo! Jesus repetiu estas palavras aos seus discípulos em meio às tempestades. No mundo tereis aflições, mas Ele já venceu o mundo — e nos dá coragem para enfrentar tudo.
"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."
Sinabi sa kanila ni Josue, "Huwag kayong matakot o kayaʼy panghinaan ng loob. Magpakatatag kayo at magpakatapang. Ito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kalaban ninyo."
Huwag kang mangamba,
sapagkat kasama mo ako;
huwag kang malungkot,
sapagkat ako ang iyong Diyos.
Palalakasin kita at tutulungan.
Aalalayan kita sa pamamagitan
ng kamay kong nagliligtas.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.
Nang humingi ako ng tulong,
akoʼy inyong sinagot.
Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.
Ang Panginoon ang aking ilaw
at Tagapagligtas.
Sino ang aking katatakutan?
Siya ang nagtatanggol sa akin
kaya wala akong dapat katakutan.
Ngunit agad na nagsalita si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."
Takot na takot silang lahat sa nakita nila.
Ngunit nagsalita agad si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."
Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."
Kaya panatag ang aming kalooban, kahit na alam naming habang nabubuhay pa tayo sa ating katawan ay wala pa tayo sa tahanan ng Panginoon.
Kinabukasan, na siyang ikadalawampuʼt tatlong araw ng ikapitong buwan, pinauwi ni Solomon ang mga tao. Umuwi silang may kagalakan dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon kay David at kay Solomon, at sa mga mamamayan niyang Israelita.
"Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa hari ng Asiria o sa marami niyang sundalo. Sapagkat higit na makapangyarihan ang sumasaatin kaysa sa kanya.
Kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loob
sa panahon ng kahirapan,
kay liit naman ng iyong lakas!
Kaya mga kaibigan, tibayan ninyo ang inyong loob, dahil nananalig ako sa Diyos na matutupad ang kanyang sinabi sa akin.
Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.
Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,
Ang kaligtasan ng mga matuwid
ay mula sa Panginoon.
Siya ang tanggulan nila
sa panahon ng kaguluhan.
Nananabik akong makita kayo dahil nais kong ibahagi sa inyo ang espirituwal na kaloob na magpapatatag sa inyong pananampalataya. Ang ibig kong sabihin, magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng isaʼt isa.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw.
Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.
Dahil dito, mga kapatid, napasigla kami ng inyong pananampalataya sa kabila ng mga paghihirap at pagdurusa namin.
Sumagot ang mga tao, "Wala sa isipan naming tumalikod sa Panginoon at maglingkod sa ibang mga diyos. Ang Panginoon na ating Diyos mismo ang naglabas sa atin at sa mga ninuno natin sa pagkaalipin doon sa Ehipto. Nakita rin natin ang mga himalang ginawa niya. Iningatan niya tayo sa paglalakbay natin sa mga bansang dinadaanan natin.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.