Publicidade

Buscar a Deus

Por Bíblia Online

Buscar a Deus é o chamado mais urgente da Bíblia. Buscai primeiro o Reino de Deus. Os que buscam de todo coração encontram — porque Ele se deixa encontrar pelos que o procuram.

Buscai ao Senhor

Buscai ao Senhor enquanto se pode achar. Buscai e achareis. O Senhor recompensa os que o buscam com diligência.

Lumapit na kayo sa Panginoon

at tumawag sa kanya

habang naririyan pa siya

para tulungan kayo.

Lumapit na kayo sa Panginoon

at tumawag sa kanya

habang naririyan pa siya

para tulungan kayo.

Parusa at Kaligtasan

"Ipinakilala ko ang aking sarili

sa mga taong hindi nagtatanong

tungkol sa akin.

Natagpuan nila ako

kahit na hindi nila ako hinahanap.

Ipinakilala ko ang aking sarili

sa bansang hindi tumatawag sa akin.

Sinabi ko sa kanila,

Narito ako, narito ako.

Pinalalakas niya ang mga napapagod

at ang mga nanghihina.

Kahit ang mga kabataan ay napapagod,

nanlulupaypay at nabubuwal,

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Magtiwala kayo sa Panginoon,

at sa kanyang kalakasan.

Palagi kayong dumulog sa kanya.

Magtiwala kayo sa Panginoon,

at sa kanyang kalakasan.

Palagi kayong dumulog sa kanya.

"At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Diyos ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.

at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.

Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, "Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang Panginoon sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Ngunit kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo.

Ang Mga Pagbabagong Ginawa ni Asa

Pinuspos ng Espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded. Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, "Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang Panginoon sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Ngunit kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo. Sa mahabang panahon, namuhay ang mga Israelita na walang tunay na Diyos, walang paring nagtuturo sa kanila, at walang kautusan. Ngunit sa kanilang paghihirap, dumulog sila sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, at tinulungan niya sila. Nang panahong iyon, mapanganib ang maglakbay dahil nagkakagulo ang mga tao. Naglalaban-laban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Diyos sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan. Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan."

Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.

Pagkatapos, ipinatipon niya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Benjamin, at ang mga mamamayan mula sa Efraim, Manases, at Simeon na nakatirang kasama nila. Maraming lumipat sa Juda mula sa Israel nang makita nilang si Asa ay sinasamahan ng Panginoon na kanyang Diyos.

Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa. At sa oras na iyon, naghandog sila sa Panginoon ng mga hayop na kanilang nasamsam sa labanan, pitong daang baka at pitong libong tupa at kambing. Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa. Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae. Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta. Nagsaya ang lahat ng taga-Juda dahil nangako sila nang buong puso. Dumulog sila sa Panginoon nang taimtim sa kanilang puso, at tinulungan niya sila. At binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang mga kalaban kahit saan.

Inalis din ni Haring Asa ang kanyang lolang si Maaca sa pagkareyna nito dahil gumawa ito ng karumal-dumal na mga posteng imahen ni Ashera. Ipinaputol ni Asa ang poste, ipinasibak ito, at ipinasunog sa Lambak ng Kidron. Kahit hindi niya inalis ang mga sambahan sa matataas na lugar sa Israel, naging matapat pa rin si Asa sa Panginoon sa buong buhay niya. Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at iba pang mga bagay na inihandog niya at ng kanyang ama.

Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang sa ikatatlumpuʼt limang taon ng paghahari ni Asa.

De todo o coração

Buscar-me-eis e me achareis quando me buscardes de todo o coração. O Senhor é bom para os que o buscam.

Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.

Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo.

"Hindi baʼt makapangyarihan ang aking mga salita?" sabi ng Panginoon. "Itoʼy katulad ng apoy na nakakasunog o ng martilyong nakakadurog ng bato.

Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.

Mapalad ang taong sumusunod

sa mga katuruan ng Diyos,

at buong pusong hinahanap

ang kanyang kalooban.

Mapalad ang taong sumusunod

sa mga katuruan ng Diyos,

at buong pusong hinahanap

ang kanyang kalooban.

Buong puso akong lumalapit sa inyo;

kaya akoʼy tulungan ninyo

na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan,

palakasin ninyo ako

ayon sa inyong pangako.

Mamumuhay akong may kalayaan,

dahil pinagsisikapan kong sundin

ang inyong mga tuntunin.

Magtiwala kayo sa Panginoon,

at sa kanyang kalakasan.

Palagi kayong dumulog sa kanya.

Magtiwala kayo sa Panginoon,

at sa kanyang kalakasan.

Palagi kayong dumulog sa kanya.

Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso

na lumapit sa inyo,

kaya narito ako,

lumalapit sa inyo.

O Diyos, kayo ang aking Diyos.

Hinahanap-hanap ko kayo.

Nananabik ako sa inyo nang

buong pusoʼt kaluluwa,

tulad ng lupang tigang sa ulan.

Buscar e encontrar

Pedi e dar-se-vos-á. O Senhor está perto de todos os que o invocam em verdade. Quem o busca não ficará insatisfeito.

Humingi, Humanap, Kumatok

"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo.

"Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Diyos, at bibigyan niya kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

"Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo sa Diyos, at bibigyan niya kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo, at pagbubuksan kayo.

Sa halip, pagsikapan muna ninyong gawin kung ano ang mahalaga sa kaharian ng Diyos at lahat ng mga pangangailangan ninyo ay ipagkakaloob niya.

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw."

Sa inyo nagtitiwala

ang nakakakilala sa inyo,

dahil hindi nʼyo itinatakwil

ang mga lumalapit sa inyo.

Sa inyo nagtitiwala

ang nakakakilala sa inyo,

dahil hindi nʼyo itinatakwil

ang mga lumalapit sa inyo.

Akoʼy nanalangin sa Panginoon

at akoʼy kanyang sinagot.

Pinalaya niya ako sa lahat

ng aking takot.

Kahit mga leon ay kukulangin

sa pagkain at magugutom,

ngunit hindi kukulangin

ng mabubuting bagay

ang mga nagtitiwala sa Panginoon.

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,

at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon

ang lahat ng tao,

kung may nakakaunawa ng katotohanan

at naghahanap sa kanya.

Panginoon, akoʼy inyong siniyasat

at kilalang-kilala.

Alam ninyo lahat, maging ang pag-upo at pagtayo ko;

Malayo man kayoʼy batid ninyo

ang aking iniisip.

Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,

ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.

Iyan ang mga taong makakalapit

at sasamba sa Diyos ni Jacob.

Força na busca

Buscai o bem e não o mal. Sede fortalecidos no Senhor. A busca por Deus traz renovação e plenitude de vida.

Ito ang sinasabi ng Panginoon sa Israel:

"Dumulog kayo sa akin

at mabubuhay kayo.

Ito ang sinasabi ng Panginoon sa Israel:

"Dumulog kayo sa akin

at mabubuhay kayo.

Gawin na lamang ninyo ang mabuti

at huwag ang masama para mabuhay kayo,

at sasamahan kayo

ng Panginoong Diyos

ng mga Hukbo,

gaya nang inyong sinasabi.

Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu

Mga Kagamitang Pandigma na Kaloob ng Diyos

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.

Nawaʼy palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, upang matagalan at matiis ninyo ang lahat ng bagay nang may kagalakan.

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.

Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.

Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig."

Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo."

Agad na lumukob sa kanya ang Espiritu ng Panginoon at niluray niya ang leon gamit ang kanyang mga kamay na tulad lang ng pagluray sa batang kambing. Ngunit hindi niya ito sinabi sa mga magulang niya.

Nanalangin si Samson, "O Makapangyarihang Panginoon, alalahanin nʼyo po ako. Kung maaari, ibalik nʼyo po ang lakas ko kahit minsan pa upang makaganti po ako sa mga Filisteo sa pagdukot nila sa mga mata ko."

Mas mabuti pang manalig sa Panginoon,

kaysa magtiwala sa tao.

Mas mabuting pang manalig sa Panginoon,

kaysa magtiwala sa mga pinuno.

Kung nakapag-asawa ka,

nakatanggap ka ng kabutihan,

at ito ang nagpapakita na mabuti

ang Panginoon sa iyo.

Sapagkat kung marunong ka,

mapapabuti ang iyong kinabukasan

at mapapasaiyo ang iyong

mga hinahangad.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-