Compreensão
A verdadeira compreensão vem de Deus. Os caminhos do Senhor são mais altos que os nossos. Mas Ele nos convida a buscar entendimento — e promete iluminar quem o busca de coração.
A sabedoria de Deus
Os meus pensamentos não são os vossos pensamentos. A incompreensibilidade de Deus nos leva à humildade e adoração.
"Kung gaano kalayo ang langit sa lupa,
ganoon din kalayo ang aking pamamaraan
at pag-iisip kaysa sa inyo.
"Nakakaawa ang taong nakikipagtalo
sa Diyos na lumikha sa kanya.
Ang katulad niyaʼy palayok lamang.
Ang putik bang ginagawang palayok
ay maaaring magsabi
sa magpapalayok
kung ano ang dapat niyang gawin?
O makakapagreklamo ba siyang
walang kakayahan ang magpapalayok?
Hindi nʼyo ba alam?
Hindi nʼyo ba narinig?
Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos
na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.
Hindi siya napapagod o nanghihina
at walang nakakaarok
ng kanyang pang-unawa.
Panginoon, kayoʼy makapangyarihan
at karapat-dapat na purihin.
Ang inyong kadakilaan
ay hindi kayang unawain.
Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok,
ang mundo, at ang sanlibutan,
kayoʼy nariyan na,
sapagkat kayoʼy Diyos
magpakailanman.
Ang isang libong taon sa amin
ay parang isang araw lang
na lumipas sa inyo,
o parang ilang oras lang sa gabi.
Napakadakila ng kabutihan ng Diyos!
Napakalalim ng kanyang karunungan
at kaalaman!
Hindi natin kayang unawain
ang kanyang mga pasya at pamamaraan!
Buscar entendimento
Clama a mim e responder-te-ei. A sabedoria é a coisa principal — busque o entendimento com todo o coração.
‘Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.’
Pinakamahalaga sa lahat
ang karunungan at pang-unawa.
Sikapin mong magkaroon nito
kahit na maubos pa ang lahat
ng kayamanan mo.
Ang mapagpasensya
ay mas higit ang karunungan,
ngunit ang madaling magalit
ay nagpapakita ng kahangalan.
Marami tayong mga pinaplano,
ngunit ang kalooban pa rin
ng Panginoon ang masusunod.
Inaakala ng tao na tama
ang lahat ng kanyang ginagawa,
ngunit sinisiyasat ng Panginoon
kung ano ang nasa puso.
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, upang lalo pa ninyo siyang makilala.
Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Diyos at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.
Iluminação divina
A entrada da tua Palavra dá luz e entendimento. Deus revela verdades ocultas e transforma nossa visão da realidade.
Ang pagpapahayag ng inyong mga salita
ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao
at karunungan sa mga kulang
sa kaalaman.
Sinabi ng Panginoon sa akin,
"Ituturo ko sa iyo ang daan
na dapat mong lakaran.
Papayuhan kita habang binabantayan.
Kung paanong hindi mo nalalaman
ang direksyon ng hangin
o kung paano lumalaki ang sanggol
sa sinapupunan ng kanyang ina,
hindi mo rin maiintindihan
ang gawa ng Diyos,
ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakaranas sa paghahari ng Diyos, malibang ipanganak siyang muli."
Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."
Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, "Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat."
Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na. At dahil kayoʼy kay Kristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos sa kanya.
Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat upang malaman kung galing ito sa Diyos o hindi. Panghawakan ninyo ang mabuti, at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.
Kahit na namumuhay kami rito sa mundo, hindi kami nakikipaglaban sa mga kumokontra sa katotohanan nang ayon sa pamamaraan ng mundo.
Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.
Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, "Akoʼy tinutukso ng Diyos," sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman.