Confiar no Senhor
Confiar no Senhor é a base de toda vida espiritual. A confiança em Deus nos livra do medo, nos dá paz e nos posiciona para receber as promessas divinas.
Confiar de todo coração
Confia no Senhor de todo o coração. Não te apoies em teu próprio entendimento — em todos os caminhos o reconheça.
Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Ang sinumang nananahan
sa piling ng Kataas-taasang Diyos
na Makapangyarihan
ay kakalingain niya.
Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,
"Siya ang kumakalinga
at nagtatanggol sa akin.
Siya ang aking Diyos
at sa kanya ako nagtitiwala."
Tiyak na ililigtas ka niya
sa bitag ng masasama
at sa mga nakamamatay na salot.
Iingatan ka niya
gaya ng pag-iingat ng inahin
sa kanyang mga inakay
sa pamamagitan ng kanyang pakpak.
Ang kanyang katapatan
ang iyong magiging pananggalang
at tanggulan.
Ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,
sa halip ay nananatili, magpakailanman.
Kung paanong ang mga bundok
ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,
ang Panginoon ay nasa paligid din
ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.
Hindi siya matatakot sa masamang balita,
dahil matatag siya at buong pusong
nagtitiwala sa Panginoon.
Magtiwala ka sa Panginoon
at gumawa ng mabuti.
Sa gayon ay mananahan ka
nang ligtas sa lupaing ito.
Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,
at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang lahat ng iyong ginagawa;
magtiwala ka sa kanya
at tutulungan ka niya.
Ihahayag niya nang malinaw
na ikaw ay matuwid at makatarungan,
kasinliwanag ng sinag ng araw
sa katanghaliang tapat.
Sa inyo nagtitiwala
ang nakakakilala sa inyo,
dahil hindi nʼyo itinatakwil
ang mga lumalapit sa inyo.
Segurança em Deus
Bem-aventurado o homem que confia no Senhor. Ele é como árvore plantada junto às águas — não temerá quando vier o calor.
"Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala
at lubos na umaasa sa Panginoon.
Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog
na ang mga ugat ay umaabot sa tubig.
Ang punongkahoy na itoʼy hindi natatakot,
dumating man ang tag-init
o mahabang tag-araw.
Palaging sariwa ang mga dahon nito
at walang tigil ang pamumunga.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,
dahil siya ang ating Batong
kanlungan magpakailanman.
Kayo, O Diyos,
ang aking kaligtasan.
Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot.
Kayo, Panginoon,
ang sa akiʼy nagbibigay ng lakas
at kayo rin ang aking awitin.
Tunay ngang kayo
ang nagligtas sa akin."
O Panginoon ng mga Hukbo,
mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.
May mga umaasa sa kanilang mga kabayo
at karwaheng pandigma,
ngunit kami ay umaasa
sa Panginoon naming Diyos.
Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak,
ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.
Mas mabuti pang manalig sa Panginoon,
kaysa magtiwala sa tao.
Mas mabuting pang manalig sa Panginoon,
kaysa magtiwala sa mga pinuno.
Não confiar no homem
Não temas — em ti confiarei. Melhor é confiar no Senhor do que confiar no homem ou nos príncipes.
Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo
dahil sa inyong mga salita at pangako.
Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Ano baʼng magagawa ng isang
hamak na tao sa akin? Wala!
Panginoon, naniniwala po ako
na akoʼy inyong mahal.
Nagagalak ang puso ko
dahil sa pagliligtas ninyo.
Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon.
Sinasabi kong,
"Kayo ang aking Diyos!"
Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,
at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,
o sumasamba sa mga diyos-diyosan.
Pinalakas ni Hesus ang Loob ng Kanyang mga Alagad
Sinabi pa ni Hesus, "Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa akin.