Consolador
O Espírito Santo é o Consolador prometido por Jesus. Ele consola os aflitos, fortalece os fracos e nos assegura que nunca estaremos sós.
O Consolador prometido
Jesus prometeu: Eu rogarei ao Pai e Ele vos dará outro Consolador para que fique convosco para sempre.
At hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isa pang Patnubay na sasainyo magpakailanman.
"Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.
Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.
"Ipapadala ko sa inyo ang Patnubay mula sa Ama. Siya ang Espiritu ng katotohan na magpapatotoo kung sino talaga ako.
Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.
Consolo divino
Bendito seja o Deus de toda consolação. Ele nos consola em toda tribulação e enxuga toda lágrima de nossos olhos.
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.
Nawa ang Diyos na nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng pag-asa ay tulungan kayong mamuhay nang may pagkakaisa bilang mga alagad ni Kristo Hesus.
Kapag gulong-gulo ang isip ko,
inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.
Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,
at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.
Hindi na sila magugutom
o mauuhaw pang muli.
At hindi na rin mabibilad
o mapapaso sa sinag ng araw.
Sapagkat ang Korderong nasa trono
ang magiging pastol nila,
at silaʼy dadalhin sa mga bukal na nagbibigay-buhay.
At papahirin ng Diyos ang luha
sa kanilang mga mata."
"Ako ang nagpapalakas
at nagpapaligaya sa inyo.
Kaya bakit kayo matatakot
sa mga taong katulad ninyo
na mamamatay din lang
na parang damo?
Pinagpala ang mga naghihinagpis,
sapagkat aaliwin sila ng Diyos.