Publicidade

Coragem

Por Bíblia Online

A coragem cristã não é ausência de medo — é confiança em Deus maior que todo temor. Sê forte e corajoso! é o chamado repetido do Senhor aos seus filhos.

Sê forte e corajoso

O Senhor é a minha luz e a minha salvação — de quem terei medo? Com coragem enfrentamos o mundo, porque Deus está conosco.

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."

Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."

Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob."

Sinabi rin ni David sa anak niyang si Solomon, "Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Diyos, ang aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa Templo ng Panginoon.

Coragem em Cristo

Não vos deu Deus espírito de covardia. Sede fortes na fé! O perfeito amor lança fora todo medo.

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.

Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.

Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging tanda ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Diyos.

Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos.

Não temas

Não temas, porque Eu sou contigo. Quando tiver medo, em ti confiarei. Deus é nosso escudo e fortaleza.

Huwag kang mangamba,

sapagkat kasama mo ako;

huwag kang malungkot,

sapagkat ako ang iyong Diyos.

Palalakasin kita at tutulungan.

Aalalayan kita sa pamamagitan

ng kamay kong nagliligtas.

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.

Ako ang nagpapalakas sa iyo

at nagsasabing huwag kang matatakot

dahil tutulungan kita.

Huwag kang matatakot

sapagkat kasama mo ako.

Titipunin ko ang iyong mga lahi

mula sa silangan hanggang sa kanluran.

"Huwag kang matakot

dahil hindi ka mapapahiya.

Malilimutan mo na ang kahihiyan

ng iyong kabataan

at hindi mo na maaalala

ang pangungutya dala

ng iyong pagkabalo.

Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.

O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.

Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Ang Panginoon ang aking ilaw

at Tagapagligtas.

Sino ang aking katatakutan?

Siya ang nagtatanggol sa akin

kaya wala akong dapat katakutan.

Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Magtiwala kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at huwag mawalan ng pag-asa.

Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!

Magpakatatag kayo

at lakasan ninyo ang inyong loob,

kayong mga umaasa sa Panginoon.

Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

Conforto e encorajamento

O Deus de toda consolação nos consola em todas as tribulações. Coragem não falta a quem descansa em Deus.

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Nasa amin ang kayamanang ito, ngunit tulad lang kami ng palayok na pinaglagyan nito upang maipakita ang hindi mapapantayang kapangyarihan ay mula sa Diyos, hindi sa amin. Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok. Sa aming paghihirap, patuloy na nakikibahagi ang aming katawan sa kamatayan ni Hesus, upang sa pamamagitan nito ay makita rin ang buhay ni Hesus sa aming katawan. Sapagkat habang kamiʼy buhay pa, palagi kaming nasa bingit ng kamatayan dahil sa paglilingkod namin kay Hesus, upang sa pamamagitan ng aming katawang namamatay, makita rin ang buhay niya.

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin,

"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,

kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?"

Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti? Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya "huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan."

"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila.

Ngunit nagsalita agad si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-