Criação
A criação revela a glória de Deus. Céus, terra, mares e tudo o que existe testemunham o poder criador. No princípio Deus criou — e tudo era muito bom.
No princípio
No princípio criou Deus os céus e a terra. O Espírito de Deus pairava sobre as águas. E Deus disse: haja luz.
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig.
Pagkatapos, sinabi ng Diyos, "Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop na maaamo at maiilap, at sa lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa."
Kaya nilikha ng Diyos ang tao,
lalaki at babae
ayon sa wangis niya.
Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."
O poder criador
Pela palavra do Senhor foram feitos os céus. Tudo foi criado por Ele e para Ele — o visível e o invisível.
Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon,
ang langit ay nalikha;
sa kanyang hininga nagmula ang araw,
buwan at mga bituin.
Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok,
ang mundo, at ang sanlibutan,
kayoʼy nariyan na,
sapagkat kayoʼy Diyos
magpakailanman.
Halikayo, lumuhod tayo at sumamba
sa Panginoon na lumikha sa atin.
Napapatanaw ako sa mga bundok;
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at ng lupa.
Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,
na lumikha ng langit at lupa.
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,
kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Criador e Sustentador
O Deus eterno não se cansa nem se fatiga. Dele, por Ele e para Ele são todas as coisas — a Ele seja a glória.
Hindi nʼyo ba alam?
Hindi nʼyo ba narinig?
Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos
na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.
Hindi siya napapagod o nanghihina
at walang nakakaarok
ng kanyang pang-unawa.
"Nakakaawa ang taong nakikipagtalo
sa Diyos na lumikha sa kanya.
Ang katulad niyaʼy palayok lamang.
Ang putik bang ginagawang palayok
ay maaaring magsabi
sa magpapalayok
kung ano ang dapat niyang gawin?
O makakapagreklamo ba siyang
walang kakayahan ang magpapalayok?
O Makapangyarihang Panginoon, nilikha nʼyo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo. Walang anumang bagay na hindi nʼyo po magagawa.
Ang Diyos ang gumawa
ng kanyang sariling tirahan sa langit.
At siya ang gumawa ng kalawakan
sa itaas ng lupa.
Siya rin ang nag-iipon
ng tubig-dagat sa mga alapaap
at pinauulan ito sa lupa.
Ang pangalan niyaʼy Panginoon.
Sapagkat ang lahat ng bagay ay sa kanya nagmula,
at nabubuhay dahil sa kanyang kapangyarihan
at para sa kanyang kaluwalhatian.
Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.
Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya.
Nova criação
Se alguém está em Cristo, nova criatura é. O Criador faz novas todas as coisas — na natureza e na redenção.
Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.
Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.
Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay.
‘Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayoʼy nabubuhay at nakakakilos.’ Katulad din ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo ngaʼy mga anak niya.’
At narinig ko ang bawat nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat na umaawit:
"Ibigay sa nakaupo sa trono
at sa Kordero ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan
at kapangyarihan, magpakailanman!"