Crianças
As crianças ocupam lugar especial no coração de Deus. A Bíblia instrui a educá-las, protegê-las e ensiná-las nos caminhos do Senhor desde cedo — formando gerações que temem a Deus.
Herança do Senhor
Os filhos são herança do Senhor. Eles são presentes de Deus — cada criança é um milagre e uma responsabilidade sagrada.
Ang mga anak ay pagpapala
at gantimpalang mula sa Panginoon.
Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki
ay maging katulad sila ng tanim
na tumutubong matibay,
at sana ang aming mga anak na babae
ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Paano mapapanatili ng isang kabataan
na dalisay ang kanyang buhay?
Sa pamamagitan ng pamumuhay niya
ayon sa inyong salita.
Paano mapapanatili ng isang kabataan
na dalisay ang kanyang buhay?
Sa pamamagitan ng pamumuhay niya
ayon sa inyong salita.
Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin.
Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo
ng pagkatakot sa Panginoon.
Instruir as crianças
Instrui a criança no caminho em que deve andar. A educação cristã é mandamento repetido através de toda a Escritura.
Ituro sa bata ang daang
dapat niyang sundan,
at kahit sa kanyang pagtanda
ay hindi niya ito kalilimutan.
Ituro sa bata ang daang
dapat niyang sundan,
at kahit sa kanyang pagtanda
ay hindi niya ito kalilimutan.
Ituro sa bata ang daang
dapat niyang sundan,
at kahit sa kanyang pagtanda
ay hindi niya ito kalilimutan.
Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,
ngunit magiging matuwid sila
kung didisiplinahin.
Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,
ngunit magiging matuwid sila
kung didisiplinahin.
Ang mapagmahal na magulang
ay nagdidisiplina ng kanyang anak.
Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak
itutuwid mo ang kanyang ugali.
Ang matalinong anak ay nakikinig
sa pangaral ng kanyang ama,
ngunit ang mapangkutyang anak
ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
Anak, huwag mong kalilimutan
ang mga itinuturo ko sa iyo.
Ingatan mo sa iyong puso
ang mga iniuutos ko,
sapagkat ito ang magpapahaba
at magpapaunlad ng iyong buhay.
Anak, huwag mong kalilimutan
ang mga itinuturo ko sa iyo.
Ingatan mo sa iyong puso
ang mga iniuutos ko,
Sapagkat itinutuwid ng Panginoon
ang ugali ng kanyang mga minamahal,
katulad ng ginagawa ng isang ama
sa kanyang anak na kinalulugdan.
Tinuruan ako ni ama.
Sinabi niya sa akin,
"Anak, ingatan mo sa iyong puso
ang mga itinuturo ko.
Sundin mo ang mga utos ko
at mabubuhay ka nang matagal.
Pagsikapan mong magkaroon
ng karunungan at pang-unawa.
Huwag mong kalilimutan
ang mga sinasabi ko
at huwag kang hihiwalay dito.
Disciplinar com amor
A vara e a repreensão dão sabedoria. A disciplina produz o fruto pacífico da justiça nos que são exercitados por ela.
Ang pagpalo at pagsaway sa bata
upang siyaʼy ituwid
ay magtuturo sa kanya ng karunungan,
ngunit kung siya ay pababayaan,
ipapahiya niya ang kanyang ina.
Huwag kang magpapabaya
sa pagdidisiplina sa iyong anak.
Makinig ka sa iyong ama
na pinanggalingan ng iyong buhay,
at huwag mong hamakin ang iyong ina
kapag siya ay matanda na.
Pagsikapan mong mapasaiyo
ang katotohanan, karunungan,
magandang pag-uugali at pang-unawa.
At huwag mo itong ipagpapalit
sa anumang bagay.
Sinumang nagmamalupit
sa kanyang ama
o di kayaʼy nagpapalayas
sa kanyang ina
ay isang anak na sumisira
sa kanyang pangalan
at nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.
Mas mabuti pa ang mahirap
na namumuhay nang matuwid
kaysa sa hangal na sinungaling.
Ang taong matuwid
ay walang kapintasan.
Mapalad ang mga anak niya
kung siya ang kanilang tinutularan.
Ang mga ginagawa ng isang kabataan
ay nagpapakita ng kanyang
tunay na pag-uugali,
kung siya ba ay matuwid o hindi.
Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan
at kalungkutan sa kanyang
mga magulang.
Karangalan ng mga loloʼt lola
ang kanilang mga apo,
gayon din naman, karangalan ng mga anak
ang kanilang mga magulang.
Karangalan ng mga loloʼt lola
ang kanilang mga apo,
gayon din naman, karangalan ng mga anak
ang kanilang mga magulang.
Hindi pinapansin ng taong hangal
ang pagtutuwid ng kanyang ama,
ngunit ang taong marunong,
sumusunod sa mga paalala sa kanya.
Ang anak na marunong
ay ligaya ng magulang,
ngunit ang anak na hangal
ay hinahamak ang magulang.
Ang anak na may pang-unawa
ay sumusunod sa kautusan,
ngunit ang anak na sa
matatakaw nakikipagkaibigan
ang magulang niyaʼy binibigyan
ng kahihiyan.
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid
sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
dahil itoʼy makapagbibigay
sa iyo ng karangalan
katulad ng koronang gawa sa bulaklak
at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.
"Kaya ngayon mga anak, pakinggan ninyo ako.
Mapalad ang mga sumusunod
sa pamamaraan ko.
Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid ko
sa inyong pag-uugali
upang maging marunong kayo,
at huwag ninyo itong kalilimutan.
Obediência e promessa
Filhos, obedecei a vossos pais no Senhor. Honra a teu pai e tua mãe para que viva muito tempo sobre a terra.
Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
Kaya tularan ninyo ang Diyos dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.
Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.
Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
Sundin ninyo ang kanyang mga utos at tuntuning ibinigay ko sa inyo ngayon upang walang masamang mangyari sa inyo at sa inyong salinlahi, at para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa habang panahon.
Sundin ninyo ang lahat ng tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo, para laging maging mabuti ang kalagayan ninyo at ng lahi ninyo, dahil mabuti at tama ang pagsunod sa mga ito sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos.
Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi ni Moises sa buong Israel, "Itanim ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng sinasabi ko sa inyo sa araw na ito. Ituro rin ninyo ito sa inyong mga anak para matupad nilang mabuti ang lahat ng sinasabi sa mga utos na ito. Hindi lang karaniwang salita ang mga utos na ito; magbibigay ito sa inyo ng buhay. Kung susundin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal sa lupain na aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan."
Crianças e o reino
Deixai vir a mim as crianças. Jesus honrou as crianças como modelo de fé e humildade para todo o seu povo.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?"
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit. At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.
"Tiyakin ninyong hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [
Nang oras ding iyon, sinabi ni Hesus, "Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, at ipinaalam mo sa mga taong tulad ng bata sa kaalaman.
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,
sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
May mga taong nagdala ng kanilang maliliit na anak kay Hesus para patungan niya ng kamay at pagpalain. Ngunit pinagbawalan sila ng mga alagad. Nang makita ni Hesus ang nangyari, nagalit siya at sinabi sa mga alagad niya, "Hayaan nʼyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag nʼyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila, "Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin."
Patuloy na lumaki si Hesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Diyos at ng mga tao.
Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, "Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?"
Sumagot si Pedro, "Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo."
Sinabi ni Hesus, "Alagaan mo ang aking mga batang tupa."
Identidade e crescimento
Somos filhos de Deus pelo Espírito de adoção. Crescer em Cristo é amadurecer em fé, obediência e amor ao próximo.
Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos.
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos.
Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.
Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya.
Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya.
Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.
Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
Sumusulat ako sa inyo, mga anak,
sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan
alang-alang sa kanyang pangalan.
Mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan.
Kailangan ding mahusay siyang mamahala sa pamilya niya; iginagalang at sinusunod ng mga anak niya.
Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.
Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya:
"Anak, huwag mong isawalang-bahala
ang pagtutuwid ng Panginoon,
at huwag kang panghinaan ng loob
kapag sinasaway ka niya.
Sapagkat itinutuwid ng Panginoon
ang mga minamahal niya,
at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak."
Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin.
Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.
Sumagot sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya."
Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.
Transmitir a fé
Contaremos à geração vindoura os louvores do Senhor. O legado de fé é o maior presente que damos aos nossos filhos.
Ang iyong mga anak
ay tuturuan ng Panginoon
at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.
Ang iyong mga anak
ay tuturuan ng Panginoon
at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.
Ang mga buháy lamang
ang makakapuri sa inyo
katulad ng ginagawa ko ngayon.
Ang bawat henerasyon
ay magpapahayag
sa susunod na henerasyon
tungkol sa inyong katapatan.
"Makakalimutan ba ng isang ina
ang sanggol na kanyang pinasuso?
Hindi ba niya pagmamalasakitan
ang anak na galing sa kanyang sinapupunan?
Bagamaʼt makakalimutan niya,
hindi kita makakalimutan!
Tingnan ninyo!
Iniukit ko ang pangalan mo
sa aking mga palad.
Palagi kong iniisip
ang iyong mga nasirang pader.
Habang pinag-iisipan ko ang kalagayan namin, ipinatawag ko ang mga pinuno, mga opisyal at ang mga mamamayan, at sinabi ko sa kanila, "Huwag kayong matakot sa mga kalaban. Alalahanin natin ang makapangyarihan at kamangha-manghang Panginoon. Makipaglaban tayo upang mailigtas natin ang ating mga kamag-anak, mga anak, mga asawa, pati ang ating mga bahay."
Noong mga panahong naglilingkod si Samuel sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ni Eli, madalang nang makipag-usap ang Panginoon, at kakaunti na rin ang mga pangitain.
Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.
Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.
Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;
sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon
ang kapangyarihan ng Panginoon
at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.
Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan kay Jacob;
ginawa niya itong batas ng Israel.
Iniutos niya sa ating mga ninuno
na ituro ito sa kanilang mga anak,
upang itoʼy malaman din
ng susunod na henerasyon
at ituturo rin nila sa kanilang mga anak.
Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Diyos
at hindi nila makakalimutan
ang kanyang mga ginawa,
at susundin nila ang kanyang mga utos.