Dar
Dar é princípio do Reino de Deus. Jesus deu tudo — até a própria vida. A Bíblia nos ensina que é mais bem-aventurado dar do que receber, e que Deus ama ao que dá com alegria.
Dar com alegria
Deus ama ao que dá com alegria. Dai e dar-se-vos-á. O generoso prospera e quem abençoa será abençoado.
Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan.
At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa.
Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba.
Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.
Sapagkat kung kusang-loob ang inyong pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang anumang makayanan ninyo. Hindi niya kayo pinagbibigay nang hindi ninyo kaya.
Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."
Princípios de generosidade
Honra ao Senhor com as tuas primícias. Não negues o bem a quem o merece. A alma generosa prosperará.
Parangalan mo ang Panginoon
sa pamamagitan
ng paghahandog sa kanya
ng mga unang bunga ng iyong ani.
Huwag mong pagkaitan ng tulong
ang mga nangangailangan nito
kung may kakayanan
kang tumulong sa kanila.
Ang taong mapagbigay
ay magtatagumpay sa buhay;
ang taong tumutulong
ay tiyak na tutulungan.
Madaling makikipagkita
sa iyo ang dakilang tao
kapag may dala kang regalo
para sa kanya.
Ang taong tamad
ay laging naghahangad na makatanggap,
ngunit ang taong matuwid
ay nagbibigay nang walang alinlangan.
Humatol ka nang walang kinikilingan,
at ipagtanggol ang karapatan
ng mga mahihirap at nangangailangan.
Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. "Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.
O ensino de Jesus
Quando deres esmola, não toque a trombeta. A generosidade do coração importa mais que a grandeza do donativo.
"Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.
Sa halip, kung magbibigay kayo ng limos, huwag ninyong ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng inyong kanang kamay, upang maging lihim ang pagbibigay ninyo. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo."
Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.
Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."
Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong pag-aari ay huwag mo na itong bawiin pa.
Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,
at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.
Ang taong masama ay nangungutang
pero hindi nagbabayad,
ngunit ang taong matuwid
ay naaawa at nagbibigay ng sagana.
"Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.
Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."
At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.