Tomar uma decisão
Tomar decisões com sabedoria é um dos maiores desafios da vida. A Bíblia nos ensina a buscar a Deus em oração, na Palavra e no conselho, confiando que Ele dirige os nossos passos.
Buscar a Deus
Se algum de vós tem falta de sabedoria, peça a Deus. Ele dá generosamente e sem repreensão a todos os que pedem.
Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.
Magtiwala ka nang buong puso
sa Panginoon
at huwag kang manalig
sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Alalahanin mo ang Panginoon
sa lahat ng iyong ginagawa
at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Conselho e direção
Onde não há conselho os planos se frustam. Toda Escritura é útil para nos guiar nas decisões da vida.
Kung walang gumagabay,
babagsak ang bansa,
ngunit tiyak ang kaligtasan
kung maraming tagapayo.
Ang mga taoʼy nagpapalabunutan
subalit nasa Panginoon ang kapasyahan.
Ang taong makasarili
ay humihiwalay sa karamihan
at sumasalungat sa lahat
ng tamang kaisipan.
Ang taong hangal
ay hindi naghahangad na matuto;
ang gusto lang niya
ay masabi ang nasa isipan.
Ang paggawa ng kasamaan
at nakakahiyang mga bagay
ay makapagbibigay ng kahihiyan.
Ang salita ng taong marunong
ay nakapagbibigay ng karunungan sa iba;
ito ay katulad ng tubig na umaagos
mula sa malalim na batis.
Hindi mabuting kampihan
ang taong nagkasala
at hindi mabuting ipagkait
ang katarungan
sa taong walang kasalanan.
Ang sinasabi ng taong hangal
ang pinagsisimulan ng alitan
at magdadala sa kanya
sa kaguluhan.
Ang mga sinasabi ng hangal
ang magpapahamak sa kanya
at ang kanyang mga labi
ay bitag sa kanyang buhay.
Ang tsismis
ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin;
at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
Ang taong tamad magtrabaho,
pareho ng mapanirang tao.
Ang Panginoon ay katulad
ng toreng matibay,
kanlungan ng mga matuwid
sa oras ng panganib.
Ang akala ng taong mayaman
ay maipagtatanggol siya
ng kanyang kayamanan
tulad ng mga pader na nakapalibot
sa buong bayan.
Ang pagmamataas ng tao
ang magpapahamak sa kanya,
ngunit ang pagpapakumbaba
ang magpaparangal sa kanya.
Hangal at kahiya-hiya
ang taong sumasagot sa usapan
nang hindi muna nakikinig.
Sa taong may karamdaman,
tatag ng loob ang magbibigay kalakasan.
Kung mawawalan siya ng pag-asa,
wala nang makakatulong pa sa kanya.
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay,
upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
Pagdating nila sa hangganan ng Misia, gusto sana nilang pumunta sa Bitinia, ngunit hindi ipinahintulot ng Espiritu ni Hesus.
Doon sa Antioquia ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucio na taga-Cirene, Manaen (na kababata ni Herodes na pinuno ng Galilea), at si Saulo. Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, "Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, para sa natatanging gawaing inilaan ko sa kanila." Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay kina Bernabe at Saulo at saka sila pinaalis.
Confiar e seguir
Seja o que for que façais, fazei tudo para a glória de Deus. O sábio ouve a Deus antes de agir.
Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Samakatuwid, dahil napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos, talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin.
Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, "Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo."
Sumagot si Solomon, "Ipinakita nʼyo po ang inyong dakilang kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong dakilang kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon.
"Panginoon na aking Diyos, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit akoʼy musmos lang at walang kaalam-alam sa pamamahala. At ngayon narito po ako kasama ang pinili ninyong mga mamamayan, na hindi mabilang sa sobrang dami. Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan upang pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?"
Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon. Kaya sinabi ng Diyos sa kanya, "Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway, ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungang kapantay at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon.
Sinabi sa kanya ng asawa niya, "Ano, tapat ka pa rin ba sa iyong Diyos? Sumpain mo na siya at nang mamatay ka na!"
Sumagot si Job, "Nagsasalita ka ng walang kabuluhan. Mabubuting bagay lang ba ang tatanggapin natin mula sa Diyos at hindi ang masasamâ?" Sa kabila ng lahat ng nangyari kay Job ay hindi siya nagkasala kahit sa pananalita.