Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 12

Ang Diyos na Ating Ama

1 Samakatuwid, dahil napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos, talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos. 3 Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.

Itinutuwid ng Diyos ang Kanyang mga Anak

4 Kung tutuusin, wala pa namang pinapatay sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kasalanan. 5 Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya:

"Anak, huwag mong isawalang-bahala

ang pagtutuwid ng Panginoon,

at huwag kang panghinaan ng loob

kapag sinasaway ka niya.

6 Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang mga minamahal niya,

at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak."12:6 Kaw. 3:11-12. Ito ay hango sa saling Septuagint.

7 Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? 8 Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. 9 Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin. 10 Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. 11 Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.

12 Kaya palakasin ninyo ang inyong sarili at patibayin ang inyong loob. 13 Tuwirin ninyo ang landas na dadaanan ninyo upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na parang napilayan ang pananampalataya, ay hindi matisod kundi lumakas.

Mga Babala at Bilin

14 Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. 15 Ingatan ninyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Diyos. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. 16 Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng seksuwal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni , na hindi pinahalagahan ang mga espirituwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan. 17 At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya.

Ang Bundok ng Takot at ang Bundok ng Kagalakan

18 Ang paglapit nʼyo sa Diyos ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila, ang Bundok ng na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. 19 Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila 20 dahil hindi nila makayanan ang utos na ito: "Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay."12:20 Exo. 19:12. 21 Tunay na kakila-kilabot ang tanawing iyon, kaya maging si ay nagsabi, "Nanginginig ako sa takot!"12:21 Tingnan sa Deu. 9:19.

22 Hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Diyos, dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng , ang lungsod ng Diyos na buháy, ang  na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan. 23 Lumapit kayo sa pagtitipon12:23 pagtitipon: Sa literal, iglesya. ng mga itinuturing na mga panganay ng Diyos, na ang mga pangalan nila ay nakasulat sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na siyang hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong itinuring na matuwid ng Diyos at ginawa na niyang ganap. 24 Lumapit kayo kay Hesus na siyang tagapamagitan natin sa Diyos sa bagong kasunduan. Ang kasunduang itoʼy pinagtibay ng kanyang dugo na higit na mabuti kaysa sa dugo ni na humihingi ng katarungan.

25 Kaya mag-ingat kayo at huwag tanggihan ang Diyos na nagsasalita sa atin. Ang mga tao noon na hindi nakinig sa mga propeta rito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa. Paano kaya tayo makakaligtas kung hindi natin pakikinggan ang nagsasalita mula sa langit? 26 Yumanig noon ang lupa nang magsalita ang Diyos. At ngayon ay nangako siya, "Minsan ko pang yayanigin ang mundo, pati na rin ang langit."12:26 Hageo 2:6. 27 Ang katagang "minsan pa" ay nagpapahiwatig na aalisin ng Diyos ang lahat ng nilikha niyang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na hindi nayayanig.

28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, 29 dahil kapag nagparusa ang ating Diyos, itoʼy parang apoy na nakakatupok.12:29 Deu. 4:24.

Pessoa
H6215
Esaú
ΗσαυĒsauעֵשָֽׂוesau
Esaú, filho de Isaque e gêmeo de Jacó, vendeu ao irmão o direito de primogenitura por um prato de comida e foi o pai dos edomitas (Gênesis 25:30).
Significado: “Peludo”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Sinai
Hoje: Jebel Musa
ΣινᾶSinaסִינַיsinay
O Monte Sinai é o monte onde o Senhor falou com Moisés e lhe deu as duas tábuas do testemunho, tábuas de pedra escritas pelo dedo de Deus (Êxodo 31:18).
28,54° N, 33,97° L
Citado em 30 versículosTb.: Sinai, monte Sinai
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Sião
Hoje: Monte Sião, Jerusalém
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Monte Sião é o monte onde habita o Senhor dos Exércitos. De Jerusalém e desse monte sairão sobreviventes (2 Reis 19:31).
31,77° N, 35,23° L
Citado em 25 versículosTb.: Sião
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Pessoa
H1893
Abel
ἍβελAbelהָבַלhevel
Abel foi pastor de ovelhas e morreu no campo, morto por seu irmão Caim. O Senhor olhara com agrado para a oferta que Abel trouxe das primeiras crias do rebanho (Gênesis 4:8).
Significado: “Névoa da manhã”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Hebreo 13
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.