Publicidade

Dependência

Por Bíblia Online

A dependência de Deus é o caminho da verdadeira liberdade. Sem Cristo, nada podemos fazer. Mas em Deus encontramos sustento, direção e força para todo desafio.

Sem Ele nada podemos

Sem mim nada podeis fazer. O cristão que se desconecta da videira seca — mas o que permanece dá muito fruto.

"Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.

O Diyos, ingatan nʼyo po ako,

dahil sa inyo ako nanganganlong.

Panginoon palagi ko kayong iniisip,

at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.

Kung wala ang tulong ng Panginoon

sa pagtayo ng bahay,

walang kabuluhan ang pagtatayo nito.

Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,

walang kabuluhan ang pagbabantay dito.

Nasakop nila ang lupain,

hindi dahil sa kanilang mga armas.

Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,

kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

pagpapala at kakayahan,

dahil mahal nʼyo sila.

Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa."

Depender do Senhor

Confia no Senhor de todo o coração e não te estribes no teu próprio entendimento. Em todos os caminhos o reconhece.

Magtiwala ka nang buong puso

sa Panginoon

at huwag kang manalig

sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon

sa lahat ng iyong ginagawa

at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Ang tao ang nagpaplano,

ngunit nasa Panginoon

ang kaganapan nito.

Marami tayong mga pinaplano,

ngunit ang kalooban pa rin

ng Panginoon ang masusunod.

Ang pagpapala ng Panginoon

ay nagpapayaman

at hindi niya ito dinadagdagan

ng anumang kalungkutan.

Manghina man ang aking

katawan at isipan,

kayo, O Diyos, ang aking kalakasan.

Kayo lang ang kailangan ko

magpakailanman.

O Panginoong Diyos ng mga Hukbo,

ibalik nʼyo sa amin ang mabuting kalagayan!

Ipakita sa amin ang inyong kabutihan

upang kami ay maligtas.

Napapatanaw ako sa mga bundok;

saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?

Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,

na gumawa ng langit at ng lupa.

Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.

Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.

Nang sabihin kong parang

mamamatay na ako,

ang inyong pag-ibig at awa, Panginoon,

ang tumulong sa akin.

Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,

at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

Ang Panginoon ang aking pastol,

hindi ako magkukulang ng anuman.

Pinagpapahinga niya ako

sa malagong damuhan,

inaakay niya ako patungo

sa tahimik na batisan.

Contentamento e confiança

Aprendi a viver contente em toda situação. A dependência de Deus nos livra da ansiedade e nos firma na paz.

Hindi ko sinasabi ito dahil nanghihingi ako ng tulong sa inyo. Sapagkat natutunan kong maging kontento anuman ang kalagayan ko.

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.

Ako ang nagpapalakas sa iyo

at nagsasabing huwag kang matatakot

dahil tutulungan kita.

Pinalalakas niya ang mga napapagod

at ang mga nanghihina.

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa.

Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Kaya huwag ninyong alalahanin ang mangyayari bukas; bukas nʼyo na lamang harapin ang mga nakatakdang kabalisahan nito. Sapat na ang mga kabalisahan ng bawat araw."

"Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-