Awit na isinulat ni David.
1 Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
2 Pinagpapahinga niya ako
sa malagong damuhan,
inaakay niya ako patungo
sa tahimik na batisan.
3 Binibigyan niya ako
ng panibagong kalakasan.
Pinapatnubayan niya ako
sa tamang daan,
upang siyaʼy aking maparangalan.
4 Dumaan man ako sa madilim
na libis ng kamatayan,
hindi ako matatakot
dahil kayoʼy aking kasama.
Ang inyong pamalo23:4 pamalo: Ginagamit ng pastol upang itaboy ang mga mababangis na hayop. at tungkod
ang sa akiʼy umaaliw.
5 Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging
sa harap ng aking mga kaaway.
Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo.
At hindi nauubusan ng laman
ang aking inuman.
6 Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo
ay mapapasaakin
habang akoʼy nabubuhay.
At akoʼy maninirahan23:6 maninirahan: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, babalik.
sa inyong tahanan,23:6 sa inyong tahanan: Maaaring ang ibig sabihin, sa templo o sa tahanan ng Diyos sa langit.
aking Panginoon, magpakailanman.