Pular para o conteúdo
Publicidade

Deus é amor

Por Bíblia Online

Deus é amor — esta é a declaração mais profunda da Bíblia sobre a natureza divina. Tudo que Deus faz nasce do amor. Quem permanece no amor permanece em Deus.

A natureza de Deus

Deus é amor. Quem permanece no amor, permanece em Deus e Deus nele. Ele nos amou primeiro com amor eterno.

Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos. Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.

Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

O amor de Deus revelado

Deus prova o seu amor em que Cristo morreu por nós quando ainda éramos pecadores. Seu amor é compassivo e eterno.

Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.

Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

Ngunit kayo, Panginoon,

ay Diyos

na nagmamalasakit at mahabagin.

Wagas ang pag-ibig nʼyo,

at hindi kayo madaling magalit.

Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong

walang hanggan, O Diyos!

Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo,

tulad ng pagkalinga ng inahing manok

sa kanyang mga inakay sa ilalim

ng kanyang pakpak.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig

ay mas mainam pa kaysa buhay.

Magpasalamat kayo sa Panginoon,

dahil siyaʼy mabuti.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Walang ibang Diyos na katulad ninyo!

Pinapatawad ninyo ang kasamaan

at kinakalimutan ang kasalanan

ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan.

Hindi kayo nananatiling galit

magpakailanman

dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.

Mga Pangwakas na Pagbati

Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

Seja o primeiro