Deus
Deus é a realidade suprema do universo — o criador, sustentador e redentor de tudo o que existe. Conhecê-lo é a essência da vida eterna e o maior privilégio da existência humana.
Quem é Deus
Não há santo como o Senhor. Tu és grande e fazes maravilhas — só tu és Deus. Sua majestade transcende toda compreensão.
"Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon;
wala kayong katulad;
walang Batong kanlungan
na tulad mo aming Diyos.
"Tunay na napakadakila ninyo, Makapangyarihang Panginoon. Wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.
Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay.
Panginoon, kayo ang aking Diyos!
Pupurihin kita at pararangalan
ang iyong pangalan,
sapagkat wagas ang iyong katapatan,
ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga,
mga gawang binalak mo
noong unang panahon.
Sinabi ng Panginoon,
"Ang aking kaisipan ay hindi katulad
ng inyong kaisipan,
at aking kapamaraanan ay hindi katulad
ng inyong kapamaraanan,
pahayag ng Panginoon."
Deus é amor
Deus é amor. Quem permanece no amor permanece em Deus e Deus nele. Nós amamos porque Ele nos amou primeiro.
Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.
Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita?
Wala pang taong nakakita sa Diyos. Ngunit kung nag-iibigan tayo, ang Diyos ay sumasaatin at nagiging ganap ang kanyang pag-ibig sa atin.
Sapagkat kasama ninyo
ang Panginoon
na inyong Diyos.
Siya ay isang mandirigmang
magliligtas sa inyo.
Siyaʼy magagalak sa inyo,
at sa kanyang pag-ibig kayoʼy
kanyang panunumbalikin.
Sa kanyang kagalakan
ay kanyang aawitan."
Buscar a Deus
Buscareis o Senhor e o encontrareis quando o buscardes de todo o coração. Provai e vede que o Senhor é bom.
Ngunit kung hahanapin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, makikita ninyo siya, kung hahanapin ninyo siya nang buong puso.
Subukan ninyo at inyong makikita,
kung gaano kabuti ang Panginoon.
Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!
Sinabi ko sa Panginoon,
"Kayo ang aking Panginoon.
Lahat ng kabutihang nakamtan ko
ay mula sa inyo."
Walang sinuman sa langit
ang kailangan ko
kundi kayo lamang.
At walang anuman sa mundo
ang hinahangad ko
maliban sa inyo.
Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.
Dahil kayo ang aking matibay
na batong kanlungan,
pangunahan nʼyo ako at patnubayan
nang kayo ay aking maparangalan.
Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin
ay magkakaroon ng buhay,
at pagpapalain siya ng Panginoon.
Viver com Deus
Sê forte e corajoso, porque o Senhor teu Deus é contigo. Em Deus encontramos a razão de existir.
Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."
Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.
Magalak kayong palagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!
"Bumangon ka, Jerusalem,
at magliwanag katulad ng araw,
sapagkat dumating na ang kaligtasan mo.
Liliwanagan ka
ng kaluwalhatian ng Panginoon.
Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Diyos.
Ako ang nagpapalakas sa iyo
at nagsasabing huwag kang matatakot
dahil tutulungan kita.
Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Diyos ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.