Dificuldades
As dificuldades são parte da vida, mas Deus é refúgio certo em todo tempo de angústia. A Bíblia promete que nenhuma adversidade pode separar os filhos de Deus do seu amor.
Deus é refúgio
Deus é nosso refúgio e fortaleza, socorro bem presente nas angústias. Nada poderá nos separar do amor de Cristo.
Ang Diyos ang ating kanlungan
at kalakasan.
Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo
sa oras ng kagipitan.
Kaya huwag tayong matatakot
kahit lumindol man,
at gumuho ang mga bundok
at bumagsak sa karagatan.
Humampas man at umugong
ang mga alon na naglalakihan,
at mayanig ang kabundukan.
Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon,
"Siya ang kumakalinga
at nagtatanggol sa akin.
Siya ang aking Diyos
at sa kanya ako nagtitiwala."
Kayong mga mamamayan ng Diyos,
magtiwala kayo sa kanya
sa lahat ng oras!
Sabihin sa kanya ang lahat
ng inyong suliranin,
dahil siya ang ating kanlungan.
Panginoon, kayo ang kanlungan
ng mga inaapi,
at kublihan sa panahon ng kahirapan.
Sa inyo nagtitiwala
ang nakakakilala sa inyo,
dahil hindi nʼyo itinatakwil
ang mga lumalapit sa inyo.
Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo
ang nagngangalit na dagat,
pinatatahimik ninyo
ang mga malalaking alon.
Ngunit Panginoong nasa langit,
higit kayong makapangyarihan
kaysa sa mga nagngangalit na alon.
Pinatigil niya ang malakas na hangin
at kumalma ang dagat.
Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:
"Alang-alang sa iyo,
palaging nasa panganib
ang aming buhay;
para kaming mga tupang kakatayin."
Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Provisão nas dificuldades
O Senhor provê mesmo nos tempos mais difíceis. Ele sustentou Elias, protegeu Israel e cuida dos seus com fidelidade eterna.
Hindi nauubos ang harina sa banga at hindi rin nauubos ang langis sa tapayan, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.
Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila
at kung gabi namaʼy apoy
upang magbigay sa kanila ng liwanag.
Ang mga taoʼy humingi ng makakain,
at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo,
at binusog niya sila ng pagkaing
mula sa langit.
Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig.
Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.
Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na,
ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan
na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon
o ang kanyang mga anak
ay namalimos ng pagkain.
Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon
ang mga taong matuwid.
At tatanggap sila ng gantimpalang
pangwalang hanggan.
Sa panahon ng kahirapan
hindi sila malalagay sa kahihiyan.
Kahit na taggutom,
magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.
Sapagkat binigyan kita
ng tubig na pamatid-uhaw
at babasa sa iyong lupang tigang.
Ibibigay ko ang aking Espiritu
sa iyong lahi
at pagpapalain ko sila.
Ikaw ang takbuhan ng mga dukha
at ng mga nangangailangan
sa panahon ng kahirapan.
Ikaw ang kanlungan sa panahon ng bagyo
at lilim sa panahon ng tag-init.
Sapagkat ang paglusob
ng mga malulupit na tao
ay parang bagyong humahampas sa pader,
at parang kubol kapag araw na magsisilbing lilim sa init at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.
Kapag dumaan ka sa tubig,
akoʼy kasama mo.
Kapag tatawid ka sa mga ilog,
hindi ka malulunod.
Kapag dumaan ka sa apoy,
hindi ka masusunog;
at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.
Força nas provas
Em tudo somos atribulados, mas não esmagados. O Senhor é bom e é fortaleza no dia da angústia — Ele conhce os seus.
Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok.
Ang Panginoon ay mabuti;
matibay siyang kanlungan
sa oras ng kagipitan,
at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.
Ibinabalot niya ang ulan
sa makakapal na ulap,
ngunit hindi ito napupunit
gaano man kabigat.
Tinatakpan niya ng makapal na ulap
ang bilog na buwan.
Nilagyan niya ng hangganan
ang langit at dagat
na parang hangganan din
ng liwanag at dilim.
Iingatan ka niya
kung sisiraan ka ng iba,
at wala kang katatakutan
kung dumating man
ang kapahamakan.
Sumagot si Hesus, "Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya." Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat.
Namangha ang mga alagad niya at sinabi, "Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!"
Kung ganito dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang, na buhay ngayon ngunit bukas ay itatapon sa apoy, kayo pa kaya? Tiyak na bibihisan niya kayo nang higit pa sa mga ito. Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Kayaʼt huwag kayong mag-alala at magsabi, ‘Ano ang kakainin namin?’ o ‘Ano ang iinumin namin?’, o ‘Ano ang susuotin namin?’
Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway. At walang anumang makapipinsala sa inyo.