Esperança
A esperança cristã não é desejo vago — é certeza inabalável fundamentada nas promessas de Deus. Ela é âncora da alma, firme e segura, que penetra até o interior do véu.
Esperança viva
Bendito seja Deus que nos gerou de novo para uma esperança viva, mediante a ressurreição de Jesus Cristo.
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.
Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan nang buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.
Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan nang buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.
Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
Esperança que não decepciona
A esperança não decepciona, pois o amor de Deus é derramado em nossos corações pelo Espírito Santo.
At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ibinuhos sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.
Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Dahil sa pananampalataya natin sa kanya, tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos at nagagalak tayo dahil sa ating pag-asang makakabahagi tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.
At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.
Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa.
Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito? Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.
Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
A fé é a certeza
A fé é a certeza do que se espera. Mantenhamos firme a confissão da esperança, pois fiel é o que prometeu.
Ang pananampalataya ay ang katiyakang matatanggap natin ang mga bagay na ating inaasahan. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.
Ang pananampalataya ay ang katiyakang matatanggap natin ang mga bagay na ating inaasahan. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.
Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat.
Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat.
Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos;
Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan upang maunawaan ninyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga hinirang.
Nais ng Diyos na ihayag sa kanila ang masagana at kamangha-mangha niyang planong para din sa mga Hentil. At ito ang lihim na plano: Si Kristo ay sumasainyo at ito ang batayan ng pag-asa na inyong makakamtan ang napakabuting kalagayan sa hinaharap.
Sapagkat nabalitaan namin ang pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus at ang pag-ibig nʼyo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos, ang pananalig at pag-ibig na nagmumula sa pag-asang may nakalaan sa inyo sa langit. Ang pag-asang itoʼy una ninyong narinig nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita.
Esperança e confiança
Eu sei os planos que tenho para vocês — planos de paz e esperança. Deus é a fonte de toda esperança.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.
Magpakatatag kayo
at lakasan ninyo ang inyong loob,
kayong mga umaasa sa Panginoon.
Bakit nga ba ako nalulungkot
at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
Bakit nga ba ako nalulungkot
at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
Kayo ang kanlungan
at pananggalang ko;
sa inyong mga salitaʼy umaasa ako.
Kayo ang kanlungan
at pananggalang ko;
sa inyong mga salitaʼy umaasa ako.
Napapagod na ako sa paghihintay
ng inyong pagliligtas sa akin,
ngunit umaasa pa rin ako
sa inyong mga salita.
Mapalad ang tao na ang tulong
ay nagmumula sa Diyos ni Jacob,
na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon,
na kanyang Diyos.
Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala.
Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako
at pagtawanan ng aking mga kaaway
dahil sa aking pagkatalo.
Ang sinumang nagtitiwala sa inyo
ay hindi malalagay sa kahihiyan,
ngunit mapapahiya ang mga traydor.
Esperança eterna
Somos salvos na esperança. Aquele que prometeu é fiel. A esperança está guardada nos céus para os que creem.
upang sa kanyang kagandahang-loob ay maituring tayong matuwid at makamtan natin ang buhay na walang hanggan na ating inaasahan.
At ito ang dahilan kung bakit nagsisikap at nagtitiyaga tayo sa pagtuturo sa mga tao, dahil umaasa tayo sa Diyos na buháy na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na ng mga mananampalataya.
Siya lang ang walang kamatayan, at nananahan sa di-malapit-lapitang liwanag. Hindi siya nakita o maaaring makita ninuman. Sa kanya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen.
Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.
Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang mangyayari sa mga namatay na, nang sa gayoʼy hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik.
At dahil sa pag-asa naming ito, malakas ang aming loob na ipahayag ang salita ng Diyos.
At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Expressões de esperança
Vinde a mim todos os que estais cansados. A esperança adia a dor e floresce na presença do Senhor.
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon
ay sumasaakin.
Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita
sa mga dukha.
Sinugo niya ako para aliwin
ang mga sugatang-puso,
at para ipahayag sa mga bihag
at mga bilanggo na silaʼy malaya na.
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon
ay muling magkakaroon ng lakas.
Lilipad silang gaya ng isang agila.
Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.
Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Kaya sinabi ko sa aking sarili, "Ang Panginoon ang lahat para sa akin,
kaya sa kanya ako nagtitiwala."
Subalit para sa akin,
magtitiwala ako
sa Panginoon na aking Diyos.
Maghihintay ako sa kanya
na magliligtas sa akin,
at tiyak na ako ay kanyang diringgin.
Ang hangaring naantala
ay nakapanghihina,
ngunit ang hangaring natupad
ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
Ang hangaring naantala
ay nakapanghihina,
ngunit ang hangaring natupad
ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
Firmeza na esperança
Esperai no Senhor! O cavalo é vaidade para a segurança, mas o Senhor guarda os que nele esperam.
Panginoon, sumaamin nawa
ang inyong matapat na pag-ibig.
Ang aming pag-asa ay nasa inyo.
Panginoon, sumaamin nawa
ang inyong matapat na pag-ibig.
Ang aming pag-asa ay nasa inyo.
Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon.
Siya ang tumutulong at nagtatanggol sa atin.
Ang mga kabayo ay hindi maaasahan
na maipanalo ang digmaan;
hindi sila makapagliligtas sa kabila
ng kanilang kalakasan.
Ngunit binabantayan ng Panginoon
ang mga may takot sa kanya,
sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.
Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan,
at sa panahon ng taggutom,
silaʼy kanyang inaalalayan.
Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,
at umaasa sa inyong mga salita.
Sa Diyos ko lang matatamo
ang kapahingahan
dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.
O Diyos na aming Tagapagligtas,
tinugon nʼyo ang aming mga dalangin
sa pamamagitan ng inyong kamangha-manghang
pagliligtas sa amin.
Kayo ang pag-asa ng tao sa lahat ng lupain
at maging ng manlalayag sa malawak na dagat.
At ngayon, Panginoon, ano pa ang aasahan ko?
Kayo lang ang tanging pag-asa ko.
Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.
Kayo ang lagi kong inaasahan.
Tuwing umaga, O Panginoon
naririnig ninyo ang aking panalangin.
Bawat umaga, akoʼy humihiling
at umaasa sa inyong kasagutan.
Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan,
at ang pag-asa ng mga mahihirap
ay hindi na mawawala kailanman.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.
Panginoon palagi ko kayong iniisip,
at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag.