Família de Deus
A família de Deus transcende laços de sangue. Em Cristo, somos adotados como filhos, irmãos uns dos outros e membros de uma família eterna — a Igreja.
Adotados por Deus
Recebemos o espírito de adoção pelo qual clamamos: Abba, Pai! Se filhos, também herdeiros — herdeiros de Deus e co-herdeiros com Cristo.
At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos. Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian.
Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa gayoʼy maging anak tayo ng Diyos. At dahil mga anak na tayo ngayon ng Diyos, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng "Ama". Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Diyos, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.
Mga Anak ng Diyos sa Pananampalataya
Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya. Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na.
noong una paʼy itinalaga na niya tayo na maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban, nang sa gayoʼy purihin natin ang Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.
Ang Pag-ibig ni Kristo
Kapag naiisip ko ang mga ito, lumuluhod ako at nananalangin sa Ama, ang manlilikha ng lahat ng nasa langit at nasa lupa.
Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.
A comunidade de fé
Não abandonem a congregação. Somos um corpo em Cristo, membros uns dos outros, chamados a amar e a servir.
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya.
ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Kristo, at magkakaugnay tayo sa isaʼt isa.
Kaya kung nasasaktan ang isang bahagi ng katawan, ang ibang bahagi ay nasasaktan din. At kung ang isang bahagi ay pinararangalan, ang ibang bahagi ay natutuwa rin.
Kaya kayong mga Hentil ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan na itinayo sa pundasyong inilatag ng mga apostol at mga propeta, kung saan si Kristo Hesus ang batong panulok. Sa pamamagitan ni Kristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. At dahil kayoʼy nakay Kristo, bahagi na rin kayo nitong gusaling itinatayo, kung saan nananahan ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu.
Quem é minha família?
Jesus disse: quem faz a vontade de Deus, esse é meu irmão e irmã. A família de Deus inclui todos os que creem.
Sumagot si Hesus, "Sino ang aking ina at mga kapatid?"
Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya at sinabi, "Ang mga ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid."
Ang alipin ay hindi kabilang sa isang pamilya sa habang panahon, ngunit ang anak ay kabilang magpakailanman.
Sinabi ni Hesus sa kanila, "Kung ang Diyos nga ang inyong Ama, mamahalin sana ninyo ako, dahil nanggaling ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi sinugo ako ng Diyos.
Payo Patungkol sa mga Balo, Matatanda at mga Alipin
Huwag mong pagsasabihan nang marahas ang matatandang lalaki, sa halip kausapin mo sila na parang iyong ama. Ituring mo ang mga kabataang lalaki na parang mga kapatid, at ang matatandang babae na parang iyong ina. Pakitunguhan mo nang may malinis na puso ang mga nakababatang babae na parang kapatid mo na rin.
Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos. Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo.
Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.