1 Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Micas na taga-Moreset patungkol sa Samaria at Jerusalem1:1 sa Samaria at Jerusalem: Ang Samaria ay kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Ang Jerusalem ay kabisera ng Juda at kumakatawan sa buong kaharian ng Juda. noong mga panahong naghahari sa Juda sina Jotam, Ahaz, at Hezekias.
Sinabi ni Micas:
2 "Makinig kayong mabuti,
lahat kayong mga mamamayan
sa buong mundo.1:2 mga mamamayan sa buong mundo: O mga Israelita na nasa Israel.
Sapagkat sasaksi
ang Makapangyarihang Panginoon
laban sa inyo mula
sa kanyang banal na Templo.1:2 banal na Templo: Maaaring ang kanyang templo sa Jerusalem o ang kanyang tahanan sa langit.
Ang Hatol Laban sa Israel at Juda
3 "Makinig kayo!
Lalabas ang Panginoon
mula sa kanyang tahanan.
Bababa siya at lalakad
sa matataas na bahagi ng mundo.
4 Ang mga bundok na kanyang malalakaran
ay matutunaw na parang mga kandila
na nadikit sa apoy,
at magiging lubak-lubak ang mga patag
na parang dinaanan ng tubig na umagos
mula sa matatarik na lugar.
5 Mangyayari ang lahat ng ito
dahil sa mga kasalanan
ng mga mamamayan
ng Israel at Juda.1:5 Israel at Juda: Sa Hebreo, Jacob at Israel.
Ang mga taga-Samaria
ang nag-udyok sa ibang
mga mamamayan ng Israel
upang magkasala.
At ang mga taga-Jerusalem naman
ang nag-udyok sa ibang
mga mamamayan ng Juda
upang sumamba sa mga diyos-diyosan.
6 "Kaya gigibain ko ang Samaria
at tataniman na lang ito ng mga ubas.
Pagugulungin ko ang mga bato nito
papunta sa kapatagan
hanggang sa makita
ang mga pundasyon nito.
7 Lahat ng diyos-diyosan nito
ay madudurog,
at ang upa ng mga babaeng bayaran
sa templo1:7 upa … sa templo: Sa templong ito, nakikipagtalik ang mga lalaki sa mga babaeng bayaran bilang bahagi ng kanilang pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ang bayad sa mga babae ay ginagamit sa mga gawain sa templo. nito ay masusunog.
Wawasakin ko ang mga imahen nito.
Sapagkat galing sa upa
ng mga babaeng bayaran
ang mga handog na naipon,
at muling gagamitin bilang upa
para sa ibang babaeng bayaran."
Pagtangis at Pagluluksa
8 Dahil sa pagkawasak ng Samaria,
iiyak ako at hahagulgol.
Maglalakad ako
nang nakapaa at nakahubad.
Aalulong ako tulad ng asong-gubat
at tataghoy akong tulad ng kuwago.
9 Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria
ay parang sugat na hindi na gagaling,
at mangyayari din ito sa Juda
hanggang sa Jerusalem
na siyang kabisera na lungsod1:9 kabisera na lungsod: Sa literal, pintuan.
ng aking mga kababayan.
10 Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat.
Huwag kayong tatangis
kahit isang patak man lang.
Sa Bet-leafra1:10 Bet-leafra: Ang lugar na ito at ang iba pang lugar na nabanggit sa talata 11-15|MIC 1:11-15 ay maaaring sakop ng Juda. kayo maglupasay sa abo.
11 Mga mamamayan ng Shafir,
bibihagin kayo
at dadalhing nakahubad,
kaya mapapahiya kayo.
Ang mga mamamayan ng Zaanan
ay matatakot lumabas sa kanilang bayan.
Ang mga taga-Bet-ezel
ay hindi rin makakatulong sa inyo
dahil sila rin ay umiiyak.
12 Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali,
naghihintay sila ng saklolo,
sapagkat dumating na ang kapahamakang
mula sa Panginoon
at umabot na hanggang
sa bungad ng Jerusalem.
13 Mga mamamayan ng Laquis,
isingkaw ninyo ang mga kabayo
sa karwahe
at tumakas kayo.
Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa
ng mga taga-Israel,
at dahil sa inyoʼy nagkasala rin
ang mga taga-Zion.
14 Kaya, kayong mga mamamayan ng Juda,
magpadala kayo
ng mga regalong pamamaalam
sa Moreset-gat.
Lilinlangin ng bayan ng Aczib
ang mga hari ng Israel.
15 Kayong mga mamamayan ng Maresa,
padadalhan kayo ng Panginoon1:15 Panginoon: Sa Hebreo, ko.
ng kalabang sasakop sa inyo.
Mga taga-Juda,1:15 Juda: Sa Hebreo, Israel. Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang bansa ng Juda. ang inyong mga pinuno
ay magtatago sa Adulam.
16 Kukunin sa inyo
ang pinakamamahal
ninyong mga anak1:16 mga anak: Maaari ring ang tinutukoy nito ay ang mga bayan ng Juda na nabanggit sa talata 11-15|MIC 1:11-15.
at dadalhin sa ibang bayan,
kaya magluluksa kayo para sa kanila
at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan
sa pamamagitan ng pagpapakalbo
na parang ulo ng agila.1:16 agila: O buwitre.