Pular para o conteúdo
Publicidade

Família

Por Bíblia Online

A família é a primeira instituição criada por Deus. Ele a projetou para ser escola de amor, fé e formação de caráter. A Bíblia honra a família e nos ensina a cuidar dela.

Eu e minha casa

Eu e minha casa serviremos ao Senhor. A família que serve a Deus juntos permanece unida e fortalecida em todas as circunstâncias.

Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."

Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."

Sumagot sila, "Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus at maliligtas ka at ang iyong pamilya."

Samahan sana tayo ng Panginoon na ating Diyos tulad ng pagsama niya sa ating mga ninuno. Huwag sana niya tayong itaboy o pabayaan.

Criar os filhos

Instrui a criança no caminho em que deve andar. O lar é a primeira escola de fé e obediência.

Ituro sa bata ang daang

dapat niyang sundan,

at kahit sa kanyang pagtanda

ay hindi niya ito kalilimutan.

Ituro sa bata ang daang

dapat niyang sundan,

at kahit sa kanyang pagtanda

ay hindi niya ito kalilimutan.

Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao

Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid

sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,

dahil itoʼy makapagbibigay

sa iyo ng karangalan

katulad ng koronang gawa sa bulaklak

at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

Babala Laban sa Pakikiapid

Anak, sundin mo ang itinuturo

at iniuutos ng iyong mga magulang.

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako,

Honrar e amar

Honra teu pai e tua mãe. A família funciona com perdão, paciência e amor incondicional entre todos os seus membros.

Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.

Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.

igalang mo ang iyong mga magulang, at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."

Ang Katuruan tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa

Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang mga bagay na ito, umalis siya sa Galilea at pumunta sa lalawigan ng Judea sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. Maraming tao ang sumunod sa kanya at pinagaling niya sila sa kanilang mga sakit.

May mga Pariseong pumunta sa kanya para subukin siya. Kaya nagtanong sila, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?"

Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae? At sinabi pa niya, Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Nagtanong uli ang mga Pariseo, "Ngunit bakit sinabi ni Moises na pinapayagang hiwalayan ng lalaki ang asawa niya, bastaʼt bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay?"

Sumagot si Hesus sa kanila, "Ipinahintulot ito ni Moises sa inyo dahil sa katigasan ng ulo ninyo. Ngunit hindi iyan ang layunin ng Diyos mula sa simula. Kaya sinasabi ko sa inyo, kung hiwalayan ng lalaki ang asawa niya sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, at pagkatapos ay mag-asawa ng iba, nagkasala siya ng pangangalunya. [ At ang nag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.]"

Sinabi ng mga alagad ni Hesus, "Kung ganyan po pala ang panuntunan sa pag-aasawa, mabuti pang huwag na lang mag-asawa."

Sumagot si Hesus, "Hindi matatanggap ng lahat ang katuruang ito, maliban na lang sa mga taong pinagkalooban nito. May ibaʼt ibang dahilan kung bakit may mga taong hindi nag-aasawa. Mayroong ipinanganak na may kapansanan; ang iba namaʼy sinadyang kapunin ng ibang tao; at ang ibaʼy pinili nilang hindi mag-asawa alang-alang sa kaharian ng Langit. Ang sinumang may kayang tumanggap sa aral na ito, dapat niya itong tanggapin."

Si Hesus at ang Maliliit na Bata

May mga taong nagdala ng maliliit na bata kay Hesus para ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at ipanalangin. Ngunit sinaway sila ng mga alagad ni Hesus.

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit." Ipinatong nga niya ang kanyang kamay sa mga bata at pinagpala niya sila, at pagkatapos nitoʼy umalis siya.

Ang Lalaking Mayaman at ang Kaharian ng Diyos

May isang lalaki naman na lumapit kay Hesus at nagtanong, "Guro, ano po ang mabuti kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?"

Sumagot si Hesus, "Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Diyos. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos niya."

"Alin po sa mga ito?" tanong ng lalaki.

Sumagot si Hesus, "Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, igalang mo ang iyong mga magulang, at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."

Sinabi ng lalaki, "Sinusunod ko po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang kulang sa akin?"

Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

Nang marinig iyon ng binata, umalis siyang malungkot, dahil napakayaman niya.

Kaya sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, napakahirap para sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Langit. Mas madali pang makapasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos."

Nabigla ang mga alagad nang marinig nila ito, kaya nagtanong sila, "Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?"

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."

Nagsalita si Pedro, "Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat para sumunod sa inyo. Ano po ang mapapala namin?"

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, darating ang araw na babaguhin ng Diyos ang mundo, at ang Anak ng Tao ay uupo sa kanyang dakilang trono. At kayong mga alagad ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel. At ang sinumang iniwan ang kanyang bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin ay tatanggap ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan. Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita?

Cuidar da família

Quem não cuida dos seus negou a fé. A família é responsabilidade sagrada — prover, proteger e abençoar é mandamento divino.

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Ngunit kung may mga anak o apo siya, matuto muna dapat silang gampanan ang tungkulin nila sa kanilang sambahayan at matutong tumanaw ng utang na loob sa kanilang magulang. Sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.

Ang Pagkakawatak-watak sa Iglesya

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon

ay walang hanggan

sa sinumang may takot sa kanya;

ang matuwid niyang gawa

ay wala ring katapusan.

Ang magkakamit nitoʼy ang tapat

sa kasunduan,

at tapat na sumusunod

sa kanyang kautusan.

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon

ay walang hanggan

sa sinumang may takot sa kanya;

ang matuwid niyang gawa

ay wala ring katapusan.

Ang magkakamit nitoʼy ang tapat

sa kasunduan,

at tapat na sumusunod

sa kanyang kautusan.

Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos

na namumuhay nang may pagkakaisa.

Unidade familiar

A coroa dos velhos são os filhos dos filhos. O casamento, os filhos e a comunhão familiar são bênçãos de Deus.

Karangalan ng mga loloʼt lola

ang kanilang mga apo,

gayon din naman, karangalan ng mga anak

ang kanilang mga magulang.

Karangalan ng mga loloʼt lola

ang kanilang mga apo,

gayon din naman, karangalan ng mga anak

ang kanilang mga magulang.

Ang kaibigan ay nagmamahal

sa lahat ng panahon,

at nagkakaroon tayo ng kapatid

para sa kagipitan ay tumulong.

May mga kaibigang nagdudulot

ng kapahamakan

ngunit may kaibigan mas malapít pa

kaysa sa kapatid.

Huwag mong talikuran

ang iyong kaibigan

o ang kaibigan ng iyong pamilya.

Kapag may sakunang nangyari,

huwag kang pupunta

sa bahay ng iyong kapatid;

mas nakakatulong pa

ang malapit na kapitbahay

kaysa kapatid na nasa malayo.

Ikalabing-apat na Kawikaan

Anak, kung may dunong ang iyong puso,

ang puso koʼy magagalak din.

Matutuwa ang iyong mga magulang

kung matuwid ka at matalino.

Narito ang mga kawikaan ni Solomon:

Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang,

ngunit ang anak na hangal

ay nagbibigay ng kalungkutan.

Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan,

tulad ng iyong bukid na taniman

bago ka magtatag ng sariling tahanan.

Ang taong yumaman sa masamang paraan

ay nagdudulot ng kaguluhan

sa kanyang sambahayan.

Mabubuhay naman nang matagal

ang taong hindi nasusuhulan.

Ang mga hangal na nagdadala

ng gulo sa sariling tahanan

ay walang mamanahin sa huli.

Magiging alipin lang sila

ng mga taong may karunungan.

Casamento e família

O homem deixará pai e mãe e se unirá à sua mulher. A família começa no casamento — aliança sagrada diante de Deus.

Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."

Magpakasaya ka kasama ang minamahal mong asawa, sa buhay mong walang kabuluhan na ibinigay ng Diyos dito sa mundo. Sapagkat para sa iyo naman iyan, para sa pagpapagal mo rito sa mundo.

Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae. Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya."

"Makakalimutan ba ng isang ina

ang sanggol na kanyang pinasuso?

Hindi ba niya pagmamalasakitan

ang anak na galing sa kanyang sinapupunan?

Bagamaʼt makakalimutan niya,

hindi kita makakalimutan!

Tingnan ninyo!

Iniukit ko ang pangalan mo

sa aking mga palad.

Palagi kong iniisip

ang iyong mga nasirang pader.

Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.

Seja o primeiro