Publicidade

Honestidade

Por Bíblia Online

A honestidade é virtude cristã fundamental. Deus é Deus de verdade e nos chama a viver com integridade, transparência e retidão em todos os nossos relacionamentos e negócios.

Integridade diante de Deus

O Senhor abomina a balança falsa, mas o peso justo é seu prazer. A integridade dos justos os guia pelos caminhos retos.

Kinasusuklaman ng Panginoon

ang nandaraya sa timbangan,

ngunit ang nagtitimbang ng tama

ay kanyang kinalulugdan.

Ang pamumuhay nang may katapatan

ang gagabay sa taong matuwid,

ngunit ang taong mandaraya

ay mapapahamak

dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

Ang pamumuhay nang may katapatan

ang gagabay sa taong matuwid,

ngunit ang taong mandaraya

ay mapapahamak

dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

Sa gayoʼy mauunawaan mo

kung ano ang tama at mali,

kung alin ang makatarungan,

at masusunod mo ang daang mabuti

para sa iyo.

Ang paggawa ng matuwid at makatarungan

ay kalugod-lugod sa Panginoon

kaysa sa paghahandog.

Ituon mo ang iyong paningin

sa mga bagay na mabuti.

Tinalikuran namin ang mga kahiya-hiya at patagong gawain. Hindi kami nanlilinlang, at hindi rin namin binabaluktot ang salita ng Diyos. Pawang katotohanan ang ipinangangaral namin. Alam ito ng Diyos, at malinis ang aming konsensiya sa harap ng tao.

Sapagkat sinisikap naming gawin ang tama, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi maging sa paningin ng tao.

Praticar a honestidade

Falai a verdade, pagai o que deveis, não negueis ao próximo o bem. A honestidade prática é testemunho do evangelho.

Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, sapagkat hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain,

Kaya ibigay ninyo ang nararapat sa kanila: Kung buwis at iba pang bayarin, bayaran ninyo; kung paggalang, igalang ninyo ang nararapat igalang, at kung parangal, parangalan ninyo ang dapat parangalan.

Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Diyos at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Sa halip, gawin ninyo kung ano ang mabuti sa paningin ng lahat.

Huwag mong pagkaitan ng tulong

ang mga nangangailangan nito

kung may kakayanan

kang tumulong sa kanila.

Mas mabuti pa ang kaunting halaga

na kinita sa matuwid na paraan,

kaysa sa malaking halaga na kinita

nang hindi makatarungan.

Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan

ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan,

ngunit ang matuwid na pamumuhay

ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.

Confissão e transparência

Confessai as vossas ofensas uns aos outros. Quem confessa e deixa o pecado encontra misericórdia e restauração.

Hindi ka uunlad

kung hindi mo ipapahayag

ang iyong mga kasalanan,

ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,

kahahabagan ka ng Diyos.

Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, "Saksi ko ang langit" o "Saksi ko ang lupa" o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na "Oo" kung oo, at "Hindi" kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.

Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan.

Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.

Coração puro

Bem-aventurados os puros de coração, porque verão a Deus. A honestidade começa no interior e se manifesta nas ações.

Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban

sapagkat makikita nila ang Diyos.

Pumanatag ka sa piling ng Panginoon,

at matiyagang maghintay sa gagawin niya.

Huwag mong kaiinggitan ang masasama

na gumiginhawa,

kahit pa magtagumpay

ang masasamang plano nila.

Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,

at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw

"Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.

Ang kasamaang sinasabi ng taong masama

ay nagdudulot sa kanya ng gulo,

ngunit ang taong matuwid

ay umiiwas sa gulo.

Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan,

ngunit ang hindi tapat na saksi

ay nagsasabi ng kasinungalingan.

Ang taong nanlilibak ng kapwa

ay nagsisimula ng away,

at ang matalik na magkaibigan

ay kanyang pinaghihiwalay.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-28_14-13-17-