Pular para o conteúdo
Publicidade

Irmãos

Por Bíblia Online

A comunhão entre irmãos é marca da igreja verdadeira. A Bíblia nos chama a amar uns aos outros como Cristo nos amou — com perdão, encorajamento e cuidado mútuo.

Amor fraternal

Um novo mandamento vos dou: que vos ameis uns aos outros. Nisto conhecerão que sois meus discípulos — pelo amor entre vós.

"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat na mga alagad ko kayo."

Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.

Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita?

Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.

Pananampalataya sa Anak ng Diyos

Ang sinumang sumasampalataya na si Hesus ang Kristo ay anak ng Diyos, at ang sinumang umiibig sa Ama ay umiibig din sa kanyang mga anak.

At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso,

Comunhão e edificação

Não abandoneis a congregação. Encorajem-se mutuamente, cantem juntos e instruam-se na Palavra de Cristo.

Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.

Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Kung paanong pinatatalas

ng bakal ang kapwa-bakal,

ang tao namaʼy matututo

sa kanyang kapwa-tao.

Ang kaibigan ay nagmamahal

sa lahat ng panahon,

at nagkakaroon tayo ng kapatid

para sa kagipitan ay tumulong.

May mga kaibigang nagdudulot

ng kapahamakan

ngunit may kaibigan mas malapít pa

kaysa sa kapatid.

Huwag mong talikuran

ang iyong kaibigan

o ang kaibigan ng iyong pamilya.

Kapag may sakunang nangyari,

huwag kang pupunta

sa bahay ng iyong kapatid;

mas nakakatulong pa

ang malapit na kapitbahay

kaysa kapatid na nasa malayo.

Perdão e reconciliação

Se o teu irmão pecar contra ti, vai e repreende-o a sós. O perdão e a reconciliação preservam a unidade do corpo de Cristo.

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

"Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan. Subalit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pa upang ang lahat ng mapag-usapan ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi.

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

"Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan. Subalit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pa upang ang lahat ng mapag-usapan ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, ipaalam ito sa iglesya, at kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang isang taong hindi kumikilala sa Diyos o isang tiwaling maniningil ng buwis.

"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.

"Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako."

"Ganyan din ang gagawin ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo buong pusong magpapatawad sa inyong kapwa."

"At sasagot ang Hari, Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.

Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid."

Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siyaʼy nagkasala upang wala kayong pananagutan.

Payo Patungkol sa mga Balo, Matatanda at mga Alipin

Huwag mong pagsasabihan nang marahas ang matatandang lalaki, sa halip kausapin mo sila na parang iyong ama. Ituring mo ang mga kabataang lalaki na parang mga kapatid, at ang matatandang babae na parang iyong ina. Pakitunguhan mo nang may malinis na puso ang mga nakababatang babae na parang kapatid mo na rin.

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Seja o primeiro