O juízo final
O juízo final é a conclusão da história humana. Todos os seres humanos comparecerão diante do trono de Deus para o julgamento eterno — os salvos para a vida, os ímpios para a condenação.
O grande trono branco
Vi um grande trono branco e os mortos diante de Deus. Os livros foram abertos e cada um foi julgado segundo as suas obras.
Ang Hatol sa mga Patay
Pagkatapos, nakita ko ang malaki at puting trono at ang nakaupo roon. Ang langit at ang lupa ay biglang naglaho at hindi na nakita. At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon. Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa mundo ng mga patay at hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila. At ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat na talaan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan ay itinapon sa lawang apoy. Pagkatapos, itinapon din doon ang kamatayan at ang mundo ng mga patay. Ang parusang ito sa lawang apoy ay ang ikalawang kamatayan.
Pangwakas na Paanyaya at Babala
Sinabi ng Panginoong Hesus, "Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya.
Pangwakas na Paanyaya at Babala
Sinabi ng Panginoong Hesus, "Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya. Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan.
"Pagkatapos ay nakita ko,
may mga tronong inilagay,
at umupo sa kanyang trono
ang Diyos na Buháy Magpakailanman.
Nakakasilaw ang kanyang damit
at buhok dahil sa kaputian.
Nagliliyab ang kanyang tronong
may mga gulong.
"Pagkatapos ay nakita ko,
may mga tronong inilagay,
at umupo sa kanyang trono
ang Diyos na Buháy Magpakailanman.
Nakakasilaw ang kanyang damit
at buhok dahil sa kaputian.
Nagliliyab ang kanyang tronong
may mga gulong.
At mula sa kanya ay umaagos ang apoy.
Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya;
mas marami pa sa sampung libo
ang nakatayo sa kanyang harapan.
Handa na siyang humatol,
kaya binuksan ang mga aklat.
Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman.
Preparação para o juízo
Deus estabeleceu um dia para julgar o mundo com justiça. Arrependei-vos, porque o juízo se aproxima e cada palavra será pesada.
Sapagkat itinakda na ng Diyos ang araw kung kailan niya ipapataw ang kanyang makatarungang hatol sa lahat ng tao dito sa mundo sa pamamagitan ng taong pinili niya. Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon."
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi."
Ang mga Tupa at mga Kambing
"Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono. Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.
Ang mga Tupa at mga Kambing
"Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono. Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.
"Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo. Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo ako. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo ako, at nang nasa kulungan ako ay dinalaw ninyo ako.’
"Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan? Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’
"At sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.’
"Pagkatapos, sasabihin naman ng Hari sa kanyang kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Diyos! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon na mga anghel. Sapagkat nang nagutom ako ay hindi nʼyo ako pinakain, at nang nauhaw ako ay hindi nʼyo ako pinainom. Nang naging dayuhan ako ay hindi nʼyo ako pinatuloy sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay hindi nʼyo ako binihisan. Nang may sakit ako at nasa kulungan ay hindi nʼyo ako inalagaan.’
"At sasagot naman sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, walang maisuot, may sakit o nasa kulungan at hindi namin kayo tinulungan?’
"At sasagot din ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang hindi ninyo tinulungan ang pinakahamak kong mga kapatid, ako ang hindi ninyo tinulungan.’
"Itataboy ko ang mga taong ito sa walang hanggang kaparusahan, ngunit bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan."
Sapagkat hahatulan tayo ng Diyos
ayon sa lahat ng ating ginagawa,
mabuti man o masama,
hayag man o lihim.
Sinabi ko sa sarili ko,
"Hahatulan ng Diyos ang matutuwid
at masasamang tao,
dahil may itinakda siyang oras
sa lahat ng bagay."
"Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan upang hindi kayo mapahamak. Mga mamamayan ng Israel, bakit gusto ninyong mamatay? Tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan at baguhin na ang inyong pamumuhay. Hindi ako natutuwa kapag may namamatay. Kaya magsisi na kayo para kayoʼy mabuhay, sabi ng Makapangyarihang Panginoon."
Segurança em Cristo
Quem crê no Filho tem a vida eterna e não entra em juízo. O amor de Deus é nosso refúgio diante do juízo vindouro.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.
"Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila.
Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo. Pagdating niya, ipapakita niya sa sanlibutan na makasalanan sila at ako namaʼy matuwid. At ipapakita rin niya na hahatulan sila ng Diyos. Ipapakita niya sa mga tao na makasalanan sila dahil hindi sila sumampalataya sa akin. Ipapakita niya na ako ay matuwid dahil pupunta ako sa Ama at hindi nʼyo na makikita. Ipapakita rin niya sa kanila na hahatulan sila ng Diyos dahil hinatulan na ang naghahari sa mundong ito.
Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila. Sa ganito nagiging ganap ang pag-ibig sa atin: May kapanatagan tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom dahil namumuhay tayong tulad ni Kristo sa mundong ito. Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.
Sapagkat haharap tayong lahat kay Kristo upang hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.
Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos. Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.
Sapagkat sinasabi ng Kasulatan:
"Sandaling panahon na lang
at darating na siya;
hindi siya magtatagal."
At,
"Ngunit ang taong matuwid ay mabubuhay
dahil sa kanyang pananampalataya.
Ngunit kung tumalikod siya sa akin,
hindi ko na siya kalulugdan."
Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Diyos at napapahamak, kundi sa mga sumasampalataya at naliligtas.
Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili. Ngunit dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin nating panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at helmet ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Diyos. Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa kaparusahan, kundi upang magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
sa presensya ng Panginoon.
Dahil tiyak na darating siya upang hatulan
ang mga tao sa mundo
batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.
Este artigo te tocou? Faça uma oração!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.