Julgamento
O julgamento pertence a Deus. A Bíblia adverte contra o juízo precipitado entre irmãos e revela que Cristo é o juiz justo que julgará vivos e mortos com perfeita equidade.
Não julgueis
Jesus disse: não julgueis para que não sejais julgados. Com o juízo com que julgais, sereis julgados.
"Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan.
"Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan. Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
"Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan. Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
"Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mo masasabi sa iba, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may troso sa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.
"Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata?
"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.
"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.
"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo. Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."
Julgar com justiça
Quando precisar avaliar, julgue segundo a justa aparência. Não julgue pela carne, mas pelo Espírito e pela verdade.
Huwag kayong humusga nang paimbabaw, isakatuparan ninyo ang kautusan nang tama."
Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao, ngunit ako ay hindi humahatol kaninuman. Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.
Sapagkat isinugo ng Diyos ang kanyang Anak dito sa sanlibutan upang iligtas ito, hindi upang hatulan.
"Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
"Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, dahil hindi siya sumasampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. Ito ang batayan ng hatol: Dumating ang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa kadiliman kaysa sa liwanag, sapagkat masama ang mga ginagawa nila.
Nang panahong iyon, iniutos ko sa inyong mga hukom, "Mamagitan kayo sa mga alitang idinudulog sa inyo ng mga tao, at humatol nang makatarungan, hindi lang sa mga Israelita kundi pati na rin sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Wala dapat kayong papanigan sa inyong paghatol; parehas ninyong pakinggan ang mga mahihirap at mayayaman. Huwag kayong matatakot kahit kanino, dahil galing sa Diyos ang mga desisyong ginagawa ninyo. Kung mahirap para sa inyo ang kaso, dalhin ninyo ito sa akin at ako na ang bahala sa paghatol nito."
Huwag kayong magbibintang sa iba nang walang katotohanan. Huwag ninyong papatayin ang mga inosenteng tao, dahil parurusahan ko ang sinumang gagawa nito.
O tribunal de Cristo
Todos compareceremos diante do tribunal de Cristo para prestar contas. Cada um dará conta de si mesmo a Deus.
Sapagkat haharap tayong lahat kay Kristo upang hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
Kaya huwag ninyong huhusgahan o hahamakin ang inyong kapatid kay Kristo. Dahil tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
"Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa,
darating ang araw na ang lahat ng tao
ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos."
Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.
Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid.
Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid.
Kaya, sino ka para husgahan ang utusan ng iba? Ang amo lang niya ang makapagsasabi kung tama o hindi ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.
Hindi dapat hamakin ng taong kumakain ng kahit ano ang taong gulay lamang ang kinakain. Gayundin naman ang taong gulay lamang ang kinakain, hindi nito dapat husgahan ang taong kumakain ng kahit ano, sapagkat pareho silang tinatanggap ng Diyos.
Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Ngunit maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon.
Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Ngunit maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon. Alam nating makatarungan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng kasamaan. Ngunit sino ka para humatol sa iba kung ikaw mismo ay gumagawa rin ng mga iyon? Akala mo baʼy makakaligtas ka sa hatol ng Diyos
Ang mga Hentil, dahil wala sa kanila ang Kautusan ay hahatulan na hindi ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala. Ang mga Hudyo naman, dahil nasa kanila ang Kautusan ay hahatulan ayon sa Kautusan kapag silaʼy nagkasala.
At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.
Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Kristo Hesus. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nagbibigay-buhay.
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Deus é o juiz
O Senhor julgará o mundo com justiça. O juízo de Deus é verdadeiro e justo — Ele conhece todos os segredos do coração humano.
Ngunit kayo, Panginoon
ay maghahari magpakailanman.
At handa na ang inyong trono
para sa paghatol.
Ngunit kayo, Panginoon
ay maghahari magpakailanman.
At handa na ang inyong trono
para sa paghatol.
Matuwid ninyong pinamumunuan
ang sangkatauhan,
silaʼy inyong hinahatulan
nang walang pagkiling kaninuman.
Sapagkat hahatulan tayo ng Diyos
ayon sa lahat ng ating ginagawa,
mabuti man o masama,
hayag man o lihim.
"Pagkatapos ay nakita ko,
may mga tronong inilagay,
at umupo sa kanyang trono
ang Diyos na Buháy Magpakailanman.
Nakakasilaw ang kanyang damit
at buhok dahil sa kaputian.
Nagliliyab ang kanyang tronong
may mga gulong.
At mula sa kanya ay umaagos ang apoy.
Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya;
mas marami pa sa sampung libo
ang nakatayo sa kanyang harapan.
Handa na siyang humatol,
kaya binuksan ang mga aklat.
At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon.
At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon. Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa mundo ng mga patay at hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila.
Discernimento e graça
Temos um advogado junto ao Pai — Jesus Cristo. Não há condenação para os que estão em Cristo. Prove os espíritos.
Mga minamahal kong anak, isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may nakikiusap sa Ama para sa atin – si Hesu-Kristo, na siyang matuwid.
Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.
Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga pinakatagong lihim at mga pagnanasa ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Diyos.
Kapag may reklamo ang isa sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, nararapat bang magpahatol siya sa hukom na hindi sumasampalataya sa Diyos sa halip na sa kapwa niya mananampalataya? Dapat dalhin niya ito sa mga kapwa niyang sumasampalataya sa Diyos., na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." Hindi ba ninyo alam na tayong mga hinirang ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung tayo ang hahatol sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan? Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito. Kaya kung mayroon kayong mga alitan, bakit dinadala niya ito sa hukom na hindi mananampalataya sa Diyos? Mahiya naman kayo! Wala na ba talagang marurunong sa inyo na may kakayahang umayos ng inyong alitan?
Hindi ba ninyo alam na tayong mga hinirang ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung tayo ang hahatol sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan? Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? At tiyak na mas kaya ninyong lutasin ang karaniwang alitan sa buhay na ito.
Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.
Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. At ngayon, may inilaan ang Diyos sa akin na korona ng katuwiran. Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.
Kaya makikita natin na alam ng Panginoon kung paano iligtas sa mga pagsubok ang mga matuwid, at kung paano parusahan ang masasamâ. Parurusahan niya silang lahat, lalo na ang mga sumusunod sa masasamang pagnanasa ng kanilang laman at ayaw magpasakop sa kanya, hanggang sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom.
Ang binabanggit kong mga huwad na guro ay mayayabang at mapangahas. Hindi sila natatakot hamakin ang mga makalangit na nilalang.
Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom. Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Siya lamang ang may kakayahang magligtas at magparusa. Kaya sino ka upang husgahan ang kapwa mo?
Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, "Saksi ko ang langit" o "Saksi ko ang lupa" o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na "Oo" kung oo, at "Hindi" kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.
Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumalabag ng isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. Sapagkat ang Diyos na nag-utos, "Huwag kang mangangalunya," ay nagsabi ring, "Huwag kang papatay." Hindi ka nga nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan.
Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa ninyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo.
Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga.
Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. Anino lamang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Kristo ang katuparan nito.
At muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng taong mabuti at ng taong masama, at ang pagkakaiba ng naglilingkod sa Diyos at ng hindi."
Walang anumang sandatang nagawa
ang magtatagumpay laban sa iyo,
at masasagot mo
ang anumang ibibintang laban sa iyo.
Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod.
Bibigyan ko sila ng tagumpay,"
sabi ng Panginoon.
Buong puso kitang hinahanap-hanap
sa tuwing gabi at pati sa umaga.
Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,
matututo silang mamuhay nang matuwid.
Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad.
Inaakala ng tao na tama
ang lahat ng kanyang ginagawa,
ngunit sinisiyasat ng Panginoon
kung ano ang nasa puso.
Ang paggawa ng matuwid at makatarungan
ay kalugod-lugod sa Panginoon
kaysa sa paghahandog.
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya.
Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan.
Kayong mga kabataan, magsaya kayo
habang kayoʼy bata pa.
Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,
pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos
ayon sa inyong mga ginawa.
Kung paanong ang Ama ang siyang pinagmumulan ng buhay, ganoon din ang Anak. Sapagkat ibinigay sa kanya ng Ama ang ganoong kapangyarihan. Ibinigay rin niya sa Anak ang kapangyarihang humatol dahil siya ang Anak ng Tao.
"Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.