Louvor e adoração
O louvor e a adoração são o propósito supremo da vida cristã. A Bíblia está repleta de exortações a louvar o Senhor — com cânticos, instrumentos, danças e com todo o nosso ser.
Louvai ao Senhor!
Todo ser que respira louve ao Senhor! O louvor é o sacrifício agradável que oferecemos continuamente a Deus.
Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!
Purihin ang Panginoon!
Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.
Purihin siya sa langit,
ang kanyang matibay na tirahan.
Purihin siya dahil
sa kanyang mga dakilang mga gawa.
Purihin siya dahil sa kanyang
kapangyarihang walang kapantay.
Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!
Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!
Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin
at sumayaw.
Purihin siya sa tugtog
ng mga instrumentong
may kuwerdas at mga plauta.
Purihin siya sa matutunog
na mga pompyang.
Purihin siya sa mga taginting nito.
Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!
Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin
at sumayaw.
Purihin siya sa tugtog
ng mga instrumentong
may kuwerdas at mga plauta.
Magpuri sila sa kanya
sa pamamagitan ng pagsasayaw;
at tumugtog sila ng tamburin
at alpa sa pagpupuri sa kanya.
Purihin ang Panginoon!
Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon.
Purihin nʼyo siya sa pagtitipon
ng kanyang tapat na mga mamamayan.
Magpuri sila sa kanya
sa pamamagitan ng pagsasayaw;
at tumugtog sila ng tamburin
at alpa sa pagpupuri sa kanya.
Dahil ang Panginoon ay nalulugod
sa kanyang mga mamamayan;
pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba
sa pamamagitan ng pagbibigay
sa kanila ng tagumpay.
Magalak ang mga tapat sa Diyos
dahil sa kanilang tagumpay;
umawit sila sa tuwa
kahit sa kanilang mga higaan.
Purihin ang Panginoon!
Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong mga nasa langit.
Purihin ninyo siya,
kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya
sa langit.
Purihin ninyo siya, araw, buwan
at nagniningning na mga bituin.
Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit
at tubig sa kalawakan.
Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon!
Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.
Inilagay niya sila sa kanilang kinalalagyan,
at mananatili roon magpakailanman,
ayon sa kanyang utos sa kanila.
Purihin ang Panginoon,
kayong nasa mundo,
malalaking hayop sa karagatan,
at lahat ng nasa kailaliman ng dagat,
mga kidlat at ulan na yelo, niyebe, mga ulap,
at malalakas na hangin na sumusunod
sa kanyang utos,
mga bundok, mga burol,
mga punongkahoy na namumunga o hindi,
lahat ng mga hayop, maamo o mailap,
mga hayop na gumagapang at lumilipad.
Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong mga hari, mga pinuno,
mga tagapamahala,
at lahat ng tao sa mundo,
mga kabataan, matatanda at mga bata.
Lahat ay magpuri sa Panginoon,
dahil siyaʼy dakila sa lahat,
at ang kanyang kapangyarihan
ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.
Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.
Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.
Louvor como estilo de vida
Bendirei ao Senhor em todo tempo; o seu louvor estará sempre nos meus lábios. O louvor não depende de circunstâncias.
Pupurihin ko ang Panginoon
sa lahat ng oras.
Ang aking bibig ay hindi titigil
sa pagpupuri sa kanya.
Pupurihin ko ang Panginoon
sa lahat ng oras.
Ang aking bibig ay hindi titigil
sa pagpupuri sa kanya.
Pupurihin ko ang Panginoon
sa lahat ng oras.
Ang aking bibig ay hindi titigil
sa pagpupuri sa kanya.
Ipagmamalaki ko ang gawa ng Panginoon;
maririnig ito ng mga api
at silaʼy magagalak.
Halikayo! Ipahayag natin
ang kadakilaan ng Panginoon,
at itaas natin ang kanyang pangalan.
Ngunit ako, O Diyos ay palaging aasa
at lalo pang magpupuri sa inyo.
Kayo ay aking kasama,
mula nang akoʼy isilang;
sa sinapupunan ng aking ina,
akoʼy inyong iningatan.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
magpakailanman.
Maghapon ko kayong pinapupurihan
dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.
Maghapon ko kayong pinapupurihan
dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.
Dahil akoʼy iniligtas nʼyo,
sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog
at umaawit ng papuri sa inyo.
Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,
ang pangalan ng Panginoon
ay dapat papurihan.
at magpasalamat kayo sa lahat ng pagkakataon, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus.
Adoração em espírito e verdade
Os verdadeiros adoradores adorarão ao Pai em espírito e em verdade. Deus busca os que o adoram com coração sincero.
Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya.
Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."
Halikayo, magsiawit tayo
nang may kagalakan!
Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon
na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.
Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,
at masaya nating isigaw ang mga awit
ng papuri sa kanya.
Dahil ang Panginoon
ay dakilang Diyos.
Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.
Hawak niya ang kailaliman ng lupa
maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.
Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain
na kanyang ginawa.
Halikayo, lumuhod tayo at sumamba
sa Panginoon na lumikha sa atin.
Kayong mga tao sa buong mundo,
sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon!
Sambahin ninyo nang may kagalakan ang Panginoon.
Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
Sambahin ninyo nang may kagalakan ang Panginoon.
Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
Pumasok kayo sa kanyang Templo
nang may pagpapasalamat at pagpupuri.
Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.
Kayong mga tao sa buong mundo,
umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!
Awitan ninyo ang Panginoon
at purihin ang kanyang pangalan.
Ipahayag ninyo sa bawat araw
ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan
sa mga bansa
ang kanyang kapangyarihan
at mga kahanga-hangang gawa.
Dahil dakila ang Panginoon,
at karapat-dapat papurihan.
Dapat siyang katakutan nang higit pa
kaysa anumang mga diyos.
Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa
ay pawang diyos-diyosan lamang.
Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.
Nasa kanya ang kapangyarihan
at karangalan;
at nasa Templo niya ang kalakasan
at kagandahan.
Purihin ninyo ang Panginoon,
kayong lahat ng tao sa mundo.
Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring
nararapat sa kanya.
Magdala kayo ng mga handog
at pumunta sa Templo.
Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.
Matakot kayo sa kanya,
kayong lahat ng nasa sanlibutan.
A grandeza de Deus
Grande é o Senhor e mui digno de louvor! Sua grandeza é insondável. Os céus declaram sua glória e toda a criação o adora.
Panginoon, kayoʼy makapangyarihan
at karapat-dapat na purihin.
Ang inyong kadakilaan
ay hindi kayang unawain.
Ngunit banal ka,
at nakaluklok ka
sa iyong trono,
at pinupuri ng mga Israelita.
Ikukuwento ko sa mga kababayan ko
ang lahat ng tungkol sa inyo.
At sa gitna ng kanilang pagtitipon,
kayo ay aking papupurihan.
Kayong may takot sa Panginoon,
purihin ninyo siya!
Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,
parangalan ninyo siya
at matakot kayo sa kanya!
Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap.
Hindi niya sila tinatalikuran,
sa halip ay pinakikinggan pa niya
ang kanilang mga pagtawag.
Purihin ang Panginoon!
Napakabuting umawit
ng pagpupuri sa ating Diyos.
Napakabuti at nararapat lang
na siya ay purihin.
Purihin ninyo ang Panginoon,
dahil siya ay mabuti.
Umawit kayo ng mga papuri sa kanya,
dahil ito ay kaaya-aya.
Ang Panginoon ay naghahari!
Kaya magalak ang mundo,
pati na ang mga isla.
Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon.
Pasalamatan siya at purihin
ang kanyang pangalan!
"Ako ang Panginoon!
Iyan ang aking pangalan!
Hindi ko ibibigay kaninuman
o ibahagi sa mga diyos-diyosan
ang aking karangalan
at mga papuri na para sa akin.
Cânticos e instrumentos
Cantai ao Senhor um cântico novo! Louvai com salmos, hinos e cânticos espirituais, fazendo melodia no coração ao Senhor.
Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.
Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.
Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Kayong mga matuwid,
sumigaw kayo sa galak,
dahil sa ginawa ng Panginoon!
Kayong namumuhay ng tama,
nararapat ninyo siyang purihin!
Pasalamatan ninyo ang Panginoon
sa pamamagitan ng mga alpa
at mga instrumentong may mga kuwerdas.
Awitan ninyo siya ng bagong awit.
Tugtugan ninyo siya nang buong husay,
at sumigaw kayo sa tuwa.
Buong lakas na nagdiwang si David at lahat ng mga Israelita sa presensya ng Diyos. Umawit sila at tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin, pompyang at trumpeta.
Awitan nʼyo siya ng mga papuri;
ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
Tinuruan niya ako ng bagong awit,
ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos.
Marami ang makakasaksi
at matatakot sa Panginoon,
at silaʼy magtitiwala sa kanya.
Kataas-taasang Diyos na Panginoon namin,
napakasarap magpasalamat
at umawit ng papuri sa inyo.
Panginoon, aawit ako ng tungkol
sa inyong pag-ibig at katarungan.
Aawit ako ng mga papuri
sa inyo.
Panginoon, aawit ako ng tungkol
sa inyong pag-ibig at katarungan.
Aawit ako ng mga papuri
sa inyo.
Louvor nas lutas
Paulo e Silas louvaram na prisão e houve terremoto. O louvor é arma espiritual que transforma circunstâncias e derrota o inimigo.
Nang maghahatinggabi na, nananalangin at umaawit ng mga papuri sa Diyos sina Pablo at Silas. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo.
Nang maghahatinggabi na, nananalangin at umaawit ng mga papuri sa Diyos sina Pablo at Silas. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit upang mauna sa kanila at umawit sa Panginoon upang papurihan siya sa kanyang banal na presensya. Ito ang kanilang inaawit:
"Pasalamatan ang Panginoon
dahil ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan."
At nang nagsimula silang umawit ng mga papuri, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Moabita, Amonita at mga taga-Bundok ng Seir.
Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa upang sumamba sa Panginoon. Sinabi niya,
"Ipinanganak akong walang dala
at mamamatay din akong
walang dala.
Ang Panginoon ang nagbigay
ng lahat ng mayroon ako
at ang Panginoon din
ang kumuha ng mga ito.
Purihin ang pangalan ng Panginoon!"
Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
kayong mga tapat sa kanya.
Papurihan ninyo ang kanyang
banal na pangalan.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,
ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.
Maaaring sa gabi ay may pagluha,
pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo
ng sayaw ng kagalakan.
Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa,
at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan,
upang hindi ako tumahimik,
sa halip ay umawit ng papuri sa inyo.
Panginoon kong Diyos,
kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.
Bakit nga ba ako nalulungkot
at nababagabag?
Dapat magtiwala ako sa inyo.
Pupurihin ko kayong muli,
aking Diyos at Tagapagligtas!
Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."
Gratidão e louvor
Em tudo dai graças. O louvor nasce da gratidão por quem Deus é e pelo que Ele faz. Cada bênção é motivo de adoração.
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
Pupurihin ko ang Panginoon,
at hindi kalilimutan
ang kanyang kabutihan.
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin
ang kanyang kabanalan.
Pupurihin ko ang Panginoon,
at hindi kalilimutan
ang kanyang kabutihan.
Pinatatawad niya
ang lahat kong kasalanan,
at pinagagaling
ang lahat kong karamdaman.
Inililigtas niya ako
sa kapahamakan,
at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.
Pupurihin ko ang Panginoon,
at hindi kalilimutan
ang kanyang kabutihan.
Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon
dahil sa pag-ibig niya
at kahanga-hanga niyang gawa sa mga tao.
Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw,
at pinakakain ang mga nagugutom.
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.
Sambahin nʼyo siya!
Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:
"Purihin ninyo ang Panginoon!
Sambahin ninyo siya!
Sabihin ninyo sa mga bansa
ang kanyang mga ginawa.
Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.
Panginoon, kayo ang aking Diyos!
Pupurihin kita at pararangalan
ang iyong pangalan,
sapagkat wagas ang iyong katapatan,
ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga,
mga gawang binalak mo
noong unang panahon.
O Diyos ng aking mga ninuno,
pinupuri ko kayo at pinapasalamatan.
Kayo ang nagbigay sa akin
ng karunungan at kakayahan.
At ibinigay nʼyo sa amin
ang aming kahilingan sa inyo
na ipahayag sa amin
ang panaginip ng hari."
A majestade do Rei
Ao nome de Jesus todo joelho se dobrará. A adoração culminará na eternidade, onde os redimidos louvarão ao Cordeiro para sempre.
Umaawit silang may malakas na tinig:
"Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan,
kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan!"
At narinig ko ang bawat nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat na umaawit:
"Ibigay sa nakaupo sa trono
at sa Kordero ang kapurihan, kaluwalhatian, karangalan
at kapangyarihan, magpakailanman!"
Ito ang isinisigaw niya, "Matakot kayo sa Diyos, at purihin ninyo siya, dahil dumating na ang oras ng paghatol niya ang lahat. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat at mga bukal."
Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono,
"Purihin ninyo ang ating Diyos,
kayong lahat na naglilingkod sa kanya
nang may takot, dakila man o hindi."
Pagkatapos, may narinig akong nagsalita mula sa trono,
"Purihin ninyo ang ating Diyos,
kayong lahat na naglilingkod sa kanya
nang may takot, dakila man o hindi."
Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
"Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa,
darating ang araw na ang lahat ng tao
ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos."
Bukod diyan, mga kapatid, palagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.
Vida de louvor
O louvor transforma, fortalece a fé e nos conecta com o céu. Quem louva a Deus em toda circunstância experimenta sua presença real.
Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,
at magalak kayo sa kanya.
Pinasasalamatan ko kayo Panginoon,
sapagkat matuwid kayo.
Aawitan ko kayo ng mga papuri,
Kataas-taasang Panginoon.
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan.
Ilalahad ko ang lahat
ng inyong ginawang kahanga-hanga.
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan.
Ilalahad ko ang lahat
ng inyong ginawang kahanga-hanga.
Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos
akoʼy magsasaya.
Magagalak ako at aawit
ng mga papuri para sa inyo.
Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
Purihin ang Panginoon,
dahil pinakinggan nʼya ang aking pagsusumamo.
Kayo ang nagpapalakas
at nag-iingat sa akin.
Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.
Tinutulungan nʼyo ako,
kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat
ay pinaparangalan ako
at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali
ay ililigtas ko."
O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.
Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
O Diyos, kayo ang aking kalakasan.
Aawit ako ng mga papuri sa inyo,
dahil kayo ang aking kanlungan
at Diyos na sa akin ay nagmamahal.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
Pasasalamatan ko kayo
habang akoʼy nabubuhay.
Itataas ko ang aking mga kamay
sa paglapit sa inyo.
O Diyos, marapat ka naming purihin sa Zion!
Ang mga ipinangako namin sa inyo
ay aming tutuparin.
Sa inyo lalapit ang lahat ng tao,
dahil dinidinig nʼyo ang mga panalangin.
Napakarami ng aming kasalanan,
ngunit pinapatawad nʼyo pa rin ang mga ito.
Humingi ako sa kanya
ng tulong habang nagpupuri.
Purihin ang Diyos,
na hindi tumanggi sa aking panalangin,
at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.
Ngunit ang matutuwid ay sisigaw sa galak sa kanyang harapan.
Awitan ninyo ang Diyos,
awitan ninyo siya ng mga papuri.
Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.
Ang kanyang pangalan ay Panginoon.
Magalak kayo sa kanyang harapan!
Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan
ang siyang nangangalaga sa mga ulila
at tagapagtanggol ng mga biyuda.
Awitan ninyo ang Diyos,
awitan ninyo siya ng mga papuri.
Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.
Ang kanyang pangalan ay Panginoon.
Magalak kayo sa kanyang harapan!
Purihin ang Panginoon,
ang Diyos na ating Tagapagligtas na tumutulong
sa ating mga suliranin sa bawat araw.
Panginoon, mapalad ang mga taong
nakaranas na sumigaw sa kagalakan
dahil sa inyo.
Namumuhay sila sa liwanag
na nagmumula sa inyo.
Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan,
kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.
Purihin nʼyo at parangalan ang Panginoon,
kayong lahat ng mamamayan
ng mga bansa!
Dahil napakadakila ng pag-ibig sa atin
ng Panginoon,
at ang kanyang katapatan
ay walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon!
Akoʼy magpupuri sa inyo
nang may malinis na puso,
habang pinag-aaralan ko
ang inyong matuwid na mga utos.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan.
Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.
Purihin ang Panginoon!
Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.
Aawitan ko ang aking Diyos
ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango.
noong una paʼy itinalaga na niya tayo na maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban, nang sa gayoʼy purihin natin ang Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.
Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu
Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.
Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan. Noon kayoʼy hindi bayan ng Diyos; ngunit ngayon, kayoʼy hinirang upang maging bayan niya. Hindi kayo nakatanggap ng habag noon, subalit ngayoʼy tumanggap kayo ng habag mula sa kanya.
"Karapat-dapat kayong purihin Panginoon,
dahil kapag tumatawag ako sa inyo,
inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
Kaya pararangalan ko kayo
sa mga bansa, O Panginoon.
Aawitan ko kayo ng mga papuri.
Purihin ninyo siya, dahil siya ang Diyos ninyo na gumawa ng dakila at kamangha-manghang bagay na nakita ninyo.
"Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel! Sa araw na itoʼy makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot.
Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan.
At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro. At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Kristo Hesus.
Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.
Ipaglaban mong mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil tinawag ka ng Diyos para sa buhay na ito nang ipahayag mo ang pananampalataya mo sa harap ng maraming saksi.
Sumusulat ako sa inyo, mga anak,
sapagkat kilala nʼyo na ang Ama.
Sumusulat ako sa inyo, mga ama,
sapagkat kilala nʼyo siya
na naroon na mula sa pasimula.
Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,
sapagkat matatag ang inyong pananampalataya.
Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos,
at napagtagumpayan ninyo si Satanas.
Mga minamahal, nais ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, ngunit naisip kong mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang panindigan ang pananampalatayang ipinagkatiwala nang minsanan sa mga hinirang ng Diyos.
Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban. Palagi silang nagpupuri sa Diyos at ang mga taoʼy nalulugod sa kanila. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.