Maria
Maria, mãe de Jesus, é honrada nas Escrituras como a mulher escolhida por Deus para trazer ao mundo o Salvador. Sua fé, humildade e obediência são exemplo para todos os cristãos.
A escolhida de Deus
O anjo Gabriel anunciou a Maria que ela seria mãe do Filho do Altíssimo. Ela respondeu com fé: 'Faça-se em mim segundo a tua palavra.'
Ipinahayag ang Kapanganakan ni Hesus
Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea. Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David. Sinabi ni Gabriel, "Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon."
Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus. Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan."
Ang Kapanganakan ni Hesus, ang Mesias
Ganito nangyari ang kapanganakan ni Hesus, ang Mesias: Si Maria na kanyang ina ay ipinagkasundong ikasal kay Jose. Ngunit bago pa sila ikasal, nalaman ni Maria na siyaʼy nagdadalantao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
O Magnificat
Maria cantou: 'Minha alma engrandece ao Senhor!' Seu cântico exalta a misericórdia, o poder e a fidelidade de Deus.
Ang Awit ni Maria
At sinabi ni Maria,
"Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu
sa Diyos na aking Tagapagligtas!
Sapagkat inalala niya ako
na kanyang abang lingkod.
Mula ngayon ay ituturing akong mapalad
ng lahat ng henerasyon,
dahil sa dakilang mga bagay
na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos.
Banal ang kanyang pangalan!
Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya
sa bawat henerasyon.
Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa
sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Itinaboy niya ang mga taong
mataas ang tingin sa sarili.
Ibinagsak niya ang mga hari
mula sa kanilang mga trono,
at iniangat niya ang mga aba.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman.
Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod.
Sapagkat hindi niya kinalimutan ang pangako niya
sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi,
na kaaawaan niya sila magpakailanman."
Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak. At habang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ito ng lampin, at inihiga sa sabsaban, dahil wala nang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.
Ngunit si Maria, isinapuso niya ang lahat ng ito at pinagbulay-bulayan.
Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, "Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya. Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao."
Nang matagpuan siya roon ng kanyang mga magulang, nagtaka sila. Tinanong siya ng kanyang ina, "Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo!"
Sumagot si Hesus, "Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay narito ako sa bahay ng aking Ama?" Subalit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
Umuwi si Hesus sa Nazaret kasama ng kanyang mga magulang, at patuloy siyang naging masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay isinapuso ng kanyang ina.
Mãe fiel até o fim
Maria acompanhou Jesus desde o nascimento até a cruz. Ela estava entre os discípulos no Pentecostes, fiel em oração.
Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, "Ubos na ang alak."
Sumagot si Hesus, "Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko."
Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."
Nakatayo malapit sa krus ni Hesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, "Ituring po ninyo siyang anak." At sinabi naman niya sa alagad niya, "Ituring mo siyang ina." Mula noon, tumira na ang ina ni Hesus sa tahanan ng alagad na ito.
Ang Ina at mga Kapatid ni Hesus
Dumating naman ang ina at mga kapatid ni Hesus. Habang nakatayo sila sa labas, ipinatawag nila siya. Maraming tao ang nakaupo sa palibot niya noon, at may nagsabi sa kanya, "Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ipinapatawag kayo."
Sumagot si Hesus, "Sino ang aking ina at mga kapatid?"
Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya at sinabi, "Ang mga ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid."
Hindi baʼt anak siya ng karpintero? Hindi baʼt si Maria ang kanyang ina at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? Hindi baʼt ang lahat ng kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin? Saan niya nakuha ang ganyang kakayahan?"
Palagi silang nagtitipon para manalangin, kasama ang ilang mga babae, pati si Maria na ina ni Hesus, at ang mga lalaking kapatid ni Hesus.
Este artigo te tocou? Faça uma oração!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.