Meditação
A meditação na Palavra de Deus é prática espiritual essencial. Diferente da meditação oriental, a meditação bíblica é reflexão profunda sobre as Escrituras — ruminar a Palavra dia e noite.
Meditar na Palavra dia e noite
Bem-aventurado o homem que medita na lei do Senhor de dia e de noite. Ele é como árvore plantada junto a ribeiros de águas.
Pinagpala ang taong hindi namumuhay
ayon sa payo ng masasama
o sumusunod sa maling halimbawa
ng mga makasalanan,
at hindi nakikisama
sa mga taong mapangutya.
Sa halip ay nagagalak siyang sumunod
sa mga aral mula sa Panginoon,
at kanyang pinagbubulay-bulayan
ang mga ito araw-gabi.
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.
Labis kong iniibig ang inyong kautusan.
Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.
Ang inyong mga utos ay nasa puso ko,
kaya akoʼy mas marunong
kaysa sa mga kaaway ko.
Mas marami ang aking naunawaan
kaysa sa aking mga guro,
sapagkat lagi kong pinagbubulay-bulayan
ang inyong mga katuruan.
Higit pa ang aking pang-unawa
kaysa sa matatanda,
sapagkat sumusunod ako sa mga tuntunin ninyo.
Ang inyong mga tuntunin
ay aking pinagbubulay-bulayan
at iniisip kong mabuti
ang inyong pamamaraan.
Magagalak ako sa inyong mga tuntunin,
at ang inyong mga salitaʼy
hindi ko lilimutin.
ג Gimel
Nagagalak akong sundin
ang inyong mga utos
dahil mahal ko ang mga ito.
Iginagalang ko ang inyong mga utos
na aking minamahal,
at pinagbubulay-bulayan ko
ang inyong mga tuntunin.
ז Zayin
Gising na ako bago pa sumikat ang araw
at humihingi ng tulong sa inyo,
dahil nagtitiwala ako
sa inyong pangako.
Akoʼy nagpuyat nang buong magdamag,
upang pagbulay-bulayan
ang inyong mga pangako.
Frutos da meditação
A meditação produz entendimento, alegria e adoração. Quem medita na Palavra encontra direção, paz e renovação espiritual.
Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon
ang aking iniisip at sinasabi.
Kayo,
ang aking batong kanlungan
at tagapagligtas!
dahil magsasalita ako na puno ng karunungan,
at puno rin ng pang-unawa
ang aking kaisipan.
Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa.
Gugunitain ko ang mga himalang
ginawa nʼyo noon.
Iisipin ko at pagbubulay-bulayan
ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.
Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una;
pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.
Sa loob ng inyong Templo, O Diyos,
iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.
Aawit ako sa Panginoon
habang akoʼy nabubuhay.
Aawit ako ng papuri sa aking Diyos
habang akoʼy may hininga.
Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.
Akoʼy magagalak sa Panginoon.