Pular para o conteúdo
Publicidade

Milagres

Por Bíblia Online

Os milagres manifestam o poder soberano de Deus. Desde a criação até os sinais de Jesus e dos apóstolos, Deus intervém sobrenaturalmente na história para revelar sua glória e amor.

O Deus dos milagres

Para Deus nada é impossível. Ele abriu o mar, fez cair fogo do céu e ressuscitou mortos. Seu poder não tem limites.

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."

Sapagkat walang imposible sa Diyos."

"Ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng tao. Mayroon bang bagay na hindi ko magagawa?

Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kanyang kamay sa dagat, at nahati ang dagat sa pamamagitan ng malakas na hangin na ipinadala ng Panginoon mula sa silangan. Buong gabing umihip ang hangin hanggang ang gitna ng dagat ay naging tuyong lupa. At tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa, na ang tubig ay parang pader sa magkabilang gilid.

Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa.

Gugunitain ko ang mga himalang

ginawa nʼyo noon.

Iisipin ko at pagbubulay-bulayan

ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.

Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala.

Ipinapakita nʼyo sa mga tao

ang inyong kapangyarihan.

Milagres pela fé

Se tiverdes fé como um grão de mostarda, movereis montanhas. A fé é a chave que acessa o poder miraculoso de Deus.

Sumagot si Hesus, "Dahil mahina ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo na kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka roon!at lilipat nga ito. Walang bagay na hindi ninyo magagawa. [

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka sa dagat!at lilipat nga ito.

Sinagot siya ni Hesus, "Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay posible sa taong may pananampalataya sa Diyos!"

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos."

Sumagot si Hesus, "Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos."

Kaya hindi gumawa si Hesus ng maraming himala roon dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.

Sinais e prodígios

Os apóstolos realizaram sinais e maravilhas em nome de Jesus. Os dons do Espírito incluem a operação de milagres e a fé sobrenatural.

"Mga kababayan kong Israelita, makinig kayo sa akin! Pinatotohanan ng Diyos sa inyo na si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo niya nang gumawa siya ng mga himala, kababalaghan, at tanda sa pamamagitan ni Hesus – alam na alam nʼyo ito dahil naganap ang lahat ng ito sa kalagitnaan ninyo.

Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.

Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo. Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga maysakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamáng espiritu.

Pinatunayan ko sa inyong akoʼy tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala, kababalaghan, at iba pang mga kamangha-manghang gawain.

At naglagay ang Diyos sa iglesya ng ibaʼt ibang mga bahagi: una, mga apostol; pangalawa, mga propeta; pangatlo, mga guro. Naglagay din siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling sa mga maysakit, mga tumutulong sa iba, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan.

Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang magsalita nang may karunungan, at sa isa naman ay ang kakayahang magpaliwanag nang may kaalaman. Ang ibaʼy pinagkalooban ng dakilang pananampalataya sa Diyos, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling ng mga maysakit. Galing sa iisang Espiritu ang lahat ng ito. Ang ibaʼy pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, at ang iba namaʼy binigyan ng kakayahang magpropesiya. Mayroon namang pinagkalooban ng kakayahang makilala kung alin ang galing sa Espiritu. Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at sa iba naman ay ang kakayahang maipaliwanag ang sinasabi sa mga wikang iyon.

Ngunit sinabi ni Hesus, "Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang agad na makakapagsalita ng masama laban sa akin. Ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.

Milagres de cura e provisão

A oração da fé salvará o enfermo. Deus provê, cura e intervém quando clamamos a Ele com fé genuína.

Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.

Ang propetang Elias ay tao ring tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan ng tatloʼt kalahating taon. At nang manalangin siya upang umulan, bumuhos ang ulan, at namunga ang mga pananim.

Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.

Pinagaling ni Hesus ang Babaeng Baluktot ang Katawan

Isang Araw ng Pamamahinga, habang nagtuturo si Hesus sa isa sa mga sinagoga, may isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman dahil sa ginawa sa kanya ng masamang espiritu. Baluktot ang katawan niya at hindi siya makatayo nang tuwid. Nang makita siya ni Hesus, tinawag siya at sinabi, "Babae, malaya ka na sa sakit mo." Pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Diyos.

Ngunit nagalit ang namumuno sa sinagoga dahil nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga, kayaʼt sinabi niya sa mga tao, "May anim na araw kayo para magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga."

Sinagot siya ng Panginoon, "Mga pakitang-tao! Hindi baʼt kinakalagan ninyo ang inyong mga baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Kung sa mga hayop nga ay naaawa kayo, bakit hindi sa babaeng ito na mula rin sa lahi ni Abraham? Labingwalong taon na siyang ginapos ni Satanas, kaya nararapat lang na palayain siya kahit na Araw ng Pamamahinga."

Napahiya ang lahat ng kumakalaban kay Hesus sa sinabi niyang ito. Natuwa naman ang mga tao sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Hesus, sinabi nila, "Siguradong ito na nga ang propetang hinihintay nating darating dito sa mundo!"

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."

Ang Layunin ng Aklat na Ito

Marami pang himalang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad niya ang hindi naisulat sa aklat na ito. Ngunit ang nasa aklat na itoʼy isinulat upang sumampalataya kayo na si Hesus nga ang Mesias, ang Anak ng Diyos. At kung sasampalataya kayo sa kanya, magkakaroon kayo ng buhay.

Pumasok na rin ang alagad na naunang nakarating, at nakita rin niya ang mga ito. Kahit na hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa sinasabi ng Kasulatan na si Hesus ay muling mabubuhay, naniwala siya.

Discernimento nos sinais

A Bíblia alerta contra falsos milagres e sinais enganosos. Devemos provar os espíritos e não seguir sinais que desviam de Deus.

Pagsamba sa mga Diyos-diyosan

Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, "Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga diyos na hindi pa natin nakikilala." Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng Panginoon na inyong Diyos kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa. Ang Panginoon na inyong Diyos lang ang dapat ninyong sundin at igalang. Tuparin ninyo ang kanyang mga utos at sundin nʼyo siya; paglingkuran siya at manatili kayo sa kanya.

At may nakita akong tatlong masasamang espiritu na parang mga palakang lumabas mula sa bibig ng dragon, mula sa bibig ng halimaw, at mula sa bibig ng bulaang propeta. Iyon ang mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pumunta sila sa mga hari sa buong mundo upang tipunin sila para sa pakikipaglaban sa Diyos pagdating ng dakilang araw na itinakda ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang Tanda ni Jonas

May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, "Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos."

Sumagot si Hesus, "Tanging ang henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos ang nanghihingi ng isang tanda. Ngunit walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.

Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi

Pagkatapos, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang nakasaksi ng maraming himala na kanyang ginawa, dahil hindi sila nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Sinabi niya, "Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi. Kaya sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. At kayo namang mga taga-Capernaum, akala ba ninyoʼy itataas kayo sa langit upang parangalan? Hindi! Ibababa kayo sa mundo ng mga patay para itapon. Sapagkat kung sa Sodoma nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, nananatili pa sana ang lugar na iyon hanggang ngayon. Kaya sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma."

A criação como milagre

O próprio corpo humano é milagre de Deus. Toda a criação testifica do poder e da sabedoria do Criador.

Kilala ninyo ako, dahil kayo

ang lumalang sa akin.

Kayo ang humubog sa akin

sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo

sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.

Alam na alam kong ang inyong mga gawa

ay tunay na kahanga-hanga.

Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan.

Ilalahad ko ang lahat

ng inyong ginawang kahanga-hanga.

Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.

Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: "Magdadalantao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin siyang Immanuel" (na ang ibig sabihin ay "Kasama natin ang Diyos").

ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila.

Ngunit nagsalita agad si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob."

Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli."

Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at nagpuri nang malakas sa Diyos dahil sa mga himalang nasaksihan nila. Sinabi nila,

"Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!"

"Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan."

Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.

Natumba ako at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?

Ang Salot ng mga Balang

Sinabi ng Panginoon kay Moises, "Puntahan mo ang Faraon dahil pinatigas ko ang puso niya at ng mga opisyal niya, upang patuloy kong maipakita sa kanila ang aking mga himala. At maikuwento ninyo sa mga anak at apo ninyo kung paano ko pinarusahan ang mga Ehipsiyo at kung paano ako gumawa ng mga himala sa kanila. Sa ganitong paraan, malalaman nilang ako ang Panginoon."

Seja o primeiro