Publicidade

Misericórdia

Por Bíblia Online

A misericórdia de Deus é eterna e inesgotável. Ele se compadece dos que sofrem, perdoa os arrependidos e derrama graça sobre os que não merecem. Grande é a sua fidelidade.

A misericórdia de Deus

Quem é Deus como tu, que perdoa a iniquidade? Ele se deleita em ter misericórdia e não retém a ira para sempre.

Walang ibang Diyos na katulad ninyo!

Pinapatawad ninyo angkasamaan

at kinakalimutan angkasalanan

ng nalalabing lahi ng inyong mamamayan.

Hindi kayo nananatiling galit

magpakailanman

dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami.

O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan

sang-ayon sa inyong tapat

na pagmamahal;

Ang mgapagsuway koʼy

inyo pong pawiin

sang-ayon sa inyong

pagmamalasakit sa akin.

Hugasan nʼyo po ako

sa aking kasamaan,

at linisin nang lubos

sa aking kasalanan.

Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan,

na inyong ipinakita mula pa noong una.

Alalahanin ninyo ako Panginoon,

ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,

huwag ang mgakasalanan at pagsuway ko

mula pa noong aking pagkabata.

Panginoon, sa labis kong paghihirap

akoʼy tumatawag sa inyo.

Dinggin po ninyo ako, Panginoon.

Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.

Panginoon, huwag nʼyong pigilin

ang awa nʼyo sa akin.

Ang inyong pag-ibig at katapatan

ang laging mag-iingat sa akin.

Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo

ay mapapasaakin

habang akoʼy nabubuhay.

At akoʼy maninirahan

sa inyong tahanan,

aking Panginoon, magpakailanman.

Kung paanong ang ama ay nahahabag

sa kanyang mga anak;

ganoon din angpagkahabag ng Panginoon

sa mga may takot sa kanya.

Graça e perdão

Onde o pecado abundou, superabundou a graça. Deus convida todos ao arrependimento e promete perdão total aos que confessam.

Ngunit magkaiba angidinulot ng kasalanan ni Adan sa kaloob ng Diyos. Sapagkat dahil sakasalanan ng isang tao, marami ang namatay. Ngunit nakahihigit pa rin angkagandahang-loob ng Diyos at ang kaloob niya samaraming tao sapamamagitan din ng isang tao na walang iba kundi si Hesu-Kristo.

Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa biyaya na ng Diyos, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Siyempre hindi!

Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mgakasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Sapat ang biyaya ko para sa ʼyo sapagkat angkapangyarihan koʼy nakikita sa ʼyong kahinaan." Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mgakahinaan, nang sa ganoon ay palagi kong maranasan angkapangyarihan ni Kristo.

Hindi ka uunlad

kung hindi mo ipapahayag

ang iyong mgakasalanan,

ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,

kahahabagan ka ng Diyos.

Talikuran na ng mga taong masama

angmasasama nilang ugali

at baguhin na angmasasama nilang pag-iisip.

Magbalik-loob na sila

sa Panginoon na ating Diyos,

dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Ngunit naghihintay ang Panginoon

na kayoʼy lumapit sa kanya

para kaawaan niya kayo.

Nakahanda siyang ipadama sa inyo

ang kanyang pagmamalasakit.

Sapagkat ang Panginoon

ay Diyos na makatarungan,

at mapalad angnagtitiwala

sa kanya.

Misericórdia e compaixão

Misericórdia quero e não sacrifício. Deus nos chama a ser misericordiosos como Ele é, perdoando e acolhendo o próximo.

Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano angkahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mgamakasalanan."

Lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, "Panginoon, hanggang ilang beses ko po ba patatawarin ang isang kapatid na nagkakasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?"

Sumagot si Hesus, "Hindi lang pitong beses kundi pitumpuʼt pitong beses.

Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.

Ngunit dahil sa laki ng inyong habag, hindi nʼyo sila pinabayaan o lubos na ipinahamak, dahil mahabagin at maalalahanin kayo, O Diyos.

Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,

at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

Panginoon naming Diyos,

pagpalain nʼyo sana kami

at pagtagumpayin ang aming mga gawain.

Acessar a misericórdia

Cheguemos com confiança ao trono da graça. Ali encontramos misericórdia e graça para socorro no tempo oportuno.

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos upang matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang samaraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

"Ganito kamahal ng Diyos angsanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang angsinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sapagkat hindi lang angpribilehiyong sumampalataya kay Kristo angibinigay sa inyo, kundi pati na rin angdumanas ng hirap alang-alang sa kanya.

Ipinagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel

Nagpadala si Ezequias ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manases. Inimbita niya sila na pumunta sa Templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagpasya ang hari at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem. Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Ngunit sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.

Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:

"Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, upang bumalik din siya sa inyo. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Diyos, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa Templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Diyos, upang mawala ang matindi niyang galit sa inyo. Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya."

Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manases hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. Ngunit may ibang galing sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda upang magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.

Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Inalis nila ang mga altar para sa mga diyos-diyosan sa Jerusalem, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.

Nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita ay napahiya kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.

Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon. Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, "O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo." Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.

Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.

Pinuri ni Ezequias ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog pangkapayapaan, at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. Nagbigay si Haring Ezequias sa mga tao ng isang libong toro, pitong libong tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng isang libong toro at sampung libong tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili.

Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Diyos sa langit, sa kanyang banal na tahanan.

"Kung ang isang babae ay hiniwalayan

ng kanyang asawa

at ang babaeng ito ay mag-asawang muli,

hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa,

dahil magpaparumi ito nang lubos

sa inyong lupain.

Kayong mga taga-Israel

ay namumuhay na tulad

ng isang babaeng bayaran.

Marami kayong minamahal na mga diyos-diyosan.

Sa kabila ng lahat ng ito,

tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin."

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

"Tingnan ninyo ang matataas na lugar

kung saan kayo sumasamba

sa inyong mga diyos-diyosan.

May mga lugar pa ba roon

na hindi ninyo dinungisan?

Pinarumi ninyo ang lupain

dahil sa kasamaan ninyo.

Para kayong babaeng bayaran na nakaupo

sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki.

Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao

na naghihintay ng kanyang mabibiktima sa ilang.

Iyan ang dahilan kung bakit

hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan.

Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulo

gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.

At ngayon sinasabi ninyo sa akin,

‘Ama ko, kayo po ay kasama ko

mula noong bata pa ako.

Palagi na lang ba kayong galit sa akin?

Hanggang kailan pa po ba kayo

magagalit sa akin?’

Ito ang sinasabi ninyo,

ngunit inyo namang ginagawa

ang lahat ng masamang

magagawa ninyo."

Ginaya ng Juda ang Israel

Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, "Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya. Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda. Ibinigay ko sa Israel ang katibayan ng diborsyo at pinalayas ko siya dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang pinakamasama pa, hindi taos-pusong bumalik sa akin ang taksil na Juda. Pakunwari lang ang pagbabalik-loob niya sa akin," sabi ng Panginoon.

Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, "Kahit hindi tapat sa akin ang Israel mas mabuti pa rin siya kaysa sa taksil na Juda. Lumakad ka ngayon at sabihin mo ito sa Israel,

‘Ang Panginoon ay nagsasabi:

Israel na taksil, manumbalik ka,

sapagkat akoʼy mahabagin.

Hindi na ako magagalit sa iyo kailanman.

Aminin mo lang ang iyong kasalanan

na naghimagsik ka sa akin,

ang Panginoon na iyong Diyos,

at sumunod ka sa ibang mga diyos

sa pamamagitan ng pagsamba sa kanila

sa ilalim ng malalagong punongkahoy.

Aminin mong hindi ka sumunod sa akin.

Ako, ang Panginoon,

ang nagsasabi nito.’ "

Sinabi pa ng Panginoon, "Magbalik na kayo, kayong mga suwail na mga anak, dahil akin kayo. Kukunin ko ang isa o dalawa sa inyo mula sa bawat bayan o angkan at dadalhin sa Zion. Pagkatapos, bibigyan ko kayo ng pinuno na gusto kong mamumuno sa inyo na may kaalaman at pang-unawa. Ako, ang Panginoon ay nagsasabi na pagdating ng araw na marami na kayo sa lupaing iyon, hindi na ninyo hahanap-hanapin ang Kahon ng Kasunduan, ni iisipin o aalalahanin ito. At hindi na rin ninyo kailangang gumawa pa ng panibago nito. Sa panahong iyon, tatawagin nʼyo ang Jerusalem na ‘Trono ng Panginoon.’ At ang lahat ng bansa ay magtitipon sa Jerusalem upang parangalan ang pangalan ng Panginoon. Hindi na nila susundin ang nais ng matitigas at masasama nilang puso. Sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel ay magkasamang babalik mula sa pagkabihag sa hilaga pauwi sa lupaing ibinigay ko sa mga magulang nila bilang mana.

"Ako mismo ang nagsasabi,

‘Natutuwa ako na ituring kayong mga anak ko

at bigyan ng magandang lupain

na pinakamagandang pamana

sa buong mundo.’

At akala koʼy tatawagin ninyo akong ‘Ama’

at hindi na kayo hihiwalay sa akin.

Ngunit kayong mga mamamayan ng Israel

ay nagtaksil sa akin,

tulad ng babaeng nagtaksil

sa kanyang asawa."

Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

"May naririnig na mga ingay sa itaas ng bundok.

Nag-iiyakan at nagmamakaawa

ang mga mamamayan ng Israel

dahil naging masama ang kanilang pamumuhay

at kinalimutan nila ako,

ang Panginoon na kanilang Diyos.

"Kayong mga naliligaw kong anak,

manumbalik kayo sa akin

at itutuwid ko ang inyong kataksilan.

"Opo, kami po ay lalapit sa inyo

sapagkat kayo ang Panginoon

naming Diyos.

Talagang mali po ang pagsamba namin

sa mga diyos-diyosan sa mga bundok.

Sa inyo lamang ang kaligtasan ng Israel,

Panginoon naming Diyos.

Mula pa sa aming kabataan, nakinabang ang mga nakakahiyang diyos-diyosan

sa mga pinaghirapan ng aming mga ninuno

ang kanilang mga kawan at bakahan,

at ang kanilang mga anak

na lalaki at babae.

Dapat nga po kaming magtago

dahil sa kamiʼy nahihiya.

Sapagkat kami at ang aming mga ninuno,

sa inyo ay nagkasala, Panginoon naming Diyos.

Mula sa aming pagkabata hanggang ngayon,

hindi po kami sumunod sa inyo."

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-19_11-20-24-