Pular para o conteúdo
Publicidade

Morte

Por Bíblia Online

A morte é a realidade que todos enfrentam, mas para o cristão ela não é o fim. A Bíblia ensina que Cristo venceu a morte e nos dá a esperança da ressurreição e da vida eterna.

Cristo venceu a morte

Onde está, ó morte, o teu aguilhão? Cristo destruiu o poder da morte e nos deu a vitória pela ressurreição.

"Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?

Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?"

May kamandag lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil sa Kautusan. Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

At ang huling kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.

Dahil sa isang tao, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao, nagkaroon ng muling pagkabuhay.

Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin.

Totoo ang kasabihang:

"Kung namatay tayong kasama niya,

mabubuhay din tayong kasama niya.

Mapalad at banal ang mga kabilang sa unang pagkabuhay ng mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang ikalawang kamatayan. Magiging mga pari sila ng Diyos at ni Kristo, at maghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

A esperança da vida eterna

Jesus disse: 'Eu sou a ressurreição e a vida.' Quem crê nele não está morto, mas apenas adormecido — e um dia despertará para a glória.

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?"

Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay,

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ang mga Mananampalatayang Pumanaw na

Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang mangyayari sa mga namatay na, nang sa gayoʼy hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik.

Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.

Não temas a morte

Não temas os que matam o corpo. Para o cristão, viver é Cristo e morrer é lucro. O vale da sombra da morte não assusta quem caminha com o Pastor.

Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.

Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito.

Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Kristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin.

Nahahati ang isip ko sa dalawa: Ang mabuhay o ang mamatay. Gusto ko na sanang pumanaw para makapiling na si Kristo, dahil ito ang mas mabuti. Ngunit kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo.

Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo. Sa pagdating niya, babaguhin niya ang mahihina at namamatay nating katawang lupa at gagawing tulad ng maluwalhati niyang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang sumasakop sa lahat ng bagay.

Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

Dumaan man ako sa madilim

na libis ng kamatayan,

hindi ako matatakot

dahil kayoʼy aking kasama.

Ang inyong pamalo at tungkod

ang sa akiʼy umaaliw.

Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

A eternidade nos aguarda

Deus enxugará toda lágrima. A morte será o último inimigo destruído. Para os salvos, a morte é a porta de entrada na presença eterna de Deus.

Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos.

Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Bihira ang taong mag-aalay ng kanyang buhay para sa isang taong matuwid, bagamaʼt maaaring mayroong maglakas-loob na ibigay ang kanyang buhay para sa isang mabuting tao. Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin.

Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

A morte na perspectiva bíblica

Há tempo de nascer e tempo de morrer. A morte é realidade humana, mas Deus é Senhor tanto dos vivos quanto dos mortos.

Karunungan

Ang malinis na pangalan

ay mas mabuti

kaysa sa mamahaling pabango;

at ang araw ng kamatayan

ay mas mabuti

kaysa sa araw ng kapanganakan.

Sapagkat kapag namatay

ang taong matuwid,

magkakaroon na siya

ng kapayapaan at kapahingahan.

Ang mga taong nabubuhay sa kadiliman

ay nakakita

ng matinding kaliwanagan.

Kahit silaʼy nababalot

ng matinding kadiliman,

sila ay maliliwanagan.

maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka."

Sinong tao ang hindi mamamatay?

Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?

Paano ba ako makakaiwas

sa inyong Espiritu?

Saan ba ako makakapunta na wala kayo?

Kung pupunta ako sa langit

ay naroon kayo;

kung pupunta ako sa lugar

ng mga patay,

naroon din kayo.

Iukit mo ang pangalan ko

sa puso mo

upang patunayan na ako

lamang ang mahal mo.

At ako lamang ang yayakapin

ng mga bisig mo.

Makapangyarihan ang pag-ibig

gaya ng kamatayan;

maging ang pagnanasa

ay hindi mapipigilan.

Ang pag-ibig ay parang lumiliyab

at lumalagablab na apoy.

"Malapit na akong mamatay. Nalalaman nʼyo sa buong puso ninyoʼt kaluluwa na tinupad ng Panginoon na inyong Diyos ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala, kahit isa na hindi niya tinupad.

Hindi ako natutuwa kapag may namamatay. Kaya magsisi na kayo para kayoʼy mabuhay, sabi ng Makapangyarihang Panginoon."

Sumigaw nang malakas si Hesus, "Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!" At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.

at dinala ito sa mundo ng mga patay.. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham. Kaya tumawag siya, Amang Abraham, maawa po kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazaro na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap na ako rito sa apoy.

At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

Seja o primeiro