Mudança de vida
A mudança de vida é possível em Cristo. Não importa o passado, qual foi o erro ou quão fundo a queda — Deus renova, restaura e transforma completamente aquele que se volta para Ele.
Nova vida em Cristo
Se alguém está em Cristo, nova criação é. Deus nos dá coração novo, mente renovada e esperança para o futuro.
Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
Panumbalikin sa akin
ang kagalakang
bunga ng inyong pagliligtas sa akin.
Bigyan nawa ako
ng espiritung masunurin.
Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Passos para a transformação
A mudança começa com confissão, fé e decisão. Deus é fiel para perdoar e completar a boa obra que começou em nós.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Coragem para mudar
Não temas, porque Deus está contigo. Ele nos fortalece para sermos sal da terra e nos dá palavras que edificam e transformam.
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Diyos ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man."
"Kayo ang asin ng mundo. Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Wala na itong pakinabang kaya itatapon na lang at tatapak-tapakan ng mga tao.
Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.
Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman. Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.