Publicidade

A mulher virtuosa

Por Bíblia Online

A mulher virtuosa de Provérbios 31 é um retrato de excelência. Seu valor excede o de rubis — ela é sábia, trabalhadora, generosa e teme ao Senhor acima de tudo.

Uma joia rara

Mulher virtuosa, quem a achará? Seu valor excede o de rubis. Ela é o coração da família e a força do lar.

Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

Lubos ang tiwala sa kanya

ng kanyang asawa,

at wala na itong mahihiling pa sa kanya.

Kabutihan at hindi kasamaan

ang ginagawa niya

sa kanyang asawa habang siya

ay nabubuhay.

Masigasig siyang humahabi

ng mga telang lino at lana.

Tulad siya ng barko

ng mga mangangalakal;

nagdadala siya ng mga pagkain

kahit galing pa siya sa malayong lugar.

Maaga siyang gumigising

upang ipaghanda ng pagkain

ang kanyang pamilya,

at para sabihan ang mga babaeng katulong

ng mga dapat nilang gawin.

Marunong siyang pumili ng lupa

na kanyang bibilhin.

At mula sa kanyang sariling ipon,

pinapataniman niya ito ng ubas.

Malakas, masipag

at mabilis siyang gumawa.

Magaling siyang magnegosyo,

at matiyagang nagtatrabaho

hanggang gabi.

Sa kanyang kamay

ay hawak niya ang sinulid,

at nakakapit sa panghabi

ang kanyang mga daliri.

Matulungin siya sa mahihirap

at mga nangangailangan.

Ang mabuting maybahay

ay kasiyahan at karangalan

ng kanyang asawa,

ngunit parang kanser sa buto

ang nakakahiyang asawa.

Kaya huwag kang mag-alala, anak. Gagawin ko ang lahat ng hinihiling mo, dahil alam ng lahat ng kababayan ko na mabuti kang babae.

Caráter acima da aparência

Enganosa é a graça e vã é a formosura, mas a mulher que teme ao Senhor será louvada. A verdadeira beleza é interior.

Ang pagiging kaakit-akit

ay makapandaraya,

at ang kagandahan

ay kumukupas.

Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon

ay dapat purihin.

Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. Sa halip, ang dapat makita sa kanila ay mabubuting gawa, sapagkat ito ang nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.

Ang matalinong babaeʼy

pinapatatag ang kanyang sambahayan,

ngunit ang hangal na babaeʼy

sinisira ang sarili niyang tahanan.

Bahay at kayamanan sa magulang

ay namamana,

ngunit ang Panginoon lang

ang nagbibigay ng maalam na asawa.

Gayundin naman, ang mga nakatatandang babae ay turuan mong mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Huwag silang maging mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak, at sa halip ay ituro nila sa iba ang mabuti. Sa gayon, matuturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak, maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing-bahay, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Diyos na ating itinuturo.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-