Pular para o conteúdo
Publicidade

Não desista!

Por Bíblia Online

'Não desista!' é o grito do céu para a terra. Deus nos encoraja a perseverar na fé, na oração e na esperança, porque a vitória pertence aos que não se rendem.

Força na fraqueza

Os que esperam no Senhor renovam as forças. Deus não se cansa nem se fatiga — Ele dá poder aos fracos e vigor aos cansados.

Hindi nʼyo ba alam?

Hindi nʼyo ba narinig?

Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos

na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.

Hindi siya napapagod o nanghihina

at walang nakakaarok

ng kanyang pang-unawa.

Pinalalakas niya ang mga napapagod

at ang mga nanghihina.

Kahit ang mga kabataan ay napapagod,

nanlulupaypay at nabubuwal,

ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay muling magkakaroon ng lakas.

Lilipad silang gaya ng isang agila.

Tumakbo man sila ay hindi mapapagod.

Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kayong mga taga-Zion, na mga mamamayan ng Jerusalem, hindi na kayo muling iiyak! Kaaawaan kayo ng Panginoon kung hihingi kayo ng tulong sa kanya. Kapag narinig niya ang inyong panalangin, sasagutin niya kayo.

Ang Nag-iisang Tagapagligtas ng Israel

Ngunit ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong

lumikha sa iyo, O Israel:

"Huwag kang matakot dahil ililigtas kita.

Tinawag kita sa iyong pangalan,

at ikaw ay akin.

Kapag dumaan ka sa tubig,

akoʼy kasama mo.

Kapag tatawid ka sa mga ilog,

hindi ka malulunod.

Kapag dumaan ka sa apoy,

hindi ka masusunog;

at sa ningas nitoʼy hindi ka magliliyab.

Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos,

ang Banal na Diyos ng Israel,

na iyong Tagapagligtas.

Ibibigay ko ang Ehipto bilang pantubos sa iyo,

ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo.

Marunong akong mamuhay sa hirap o sa ginhawa. Natutunan ko na ang lahat ng ito, kaya maging anuman ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kontento pa rin ako. Kaya kong harapin ang kahit anong sitwasyon sa pamamagitan ni Kristo na nagpapatatag sa akin.

Kaya iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na dahan-dahang nanghihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman. Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Perseverança na fé

Não perca a confiança, pois ela tem grande recompensa. O justo viverá pela fé, e quem perseverar até o fim será salvo.

Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, sapagkat ang Diyos na nangako sa atin ay tapat. At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Kung walang pananampalataya, walang sinuman ang makapagbibigay-lugod sa Diyos, sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Diyos at binibigyan niya ng gantimpala ang mga taong humahanap sa kanya.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahoʼy matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.

"Nalalapit na ang aking pagdating kaya magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti upang hindi kayo maagawan ng gantimpala.

Itoʼy panawagan na maging matiisin ang mga hinirang ng Diyos, silang sumusunod sa kanyang mga utos at nananatiling tapat kay Hesus.

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.

Deus é refúgio

O Senhor é nosso refúgio e fortaleza. Ele ouve nossas orações, nos consola nas tribulações e transforma choro em dança.

Ang Diyos ang ating kanlungan

at kalakasan.

Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo

sa oras ng kagipitan.

Ibigay mo sa Panginoon

ang iyong mga alalahanin

at ikaw ay kanyang kakalingain.

Hindi niya pababayaan

ang mga matuwid, magpakailanman.

Panginoon, kayo ang kanlungan

ng mga inaapi,

at kublihan sa panahon ng kahirapan.

Sa inyo nagtitiwala

ang nakakakilala sa inyo,

dahil hindi nʼyo itinatakwil

ang mga lumalapit sa inyo.

Silang nagtatanim na lumuluha

ay mag-aaning tuwang-tuwa.

Ang umalis na lumuluha,

na may dalang binhi na itatanim

ay babalik na masaya,

na may dala-dalang mga ani.

Magpakatatag kayo

at lakasan ninyo ang inyong loob,

kayong mga umaasa sa Panginoon.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat

na tumatawag sa inyo.

Ibinibigay ninyo ang nais

ng mga taong may takot sa inyo;

pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daing

at inililigtas nʼyo sila.

Vitória em Cristo

Jesus venceu o mundo e nos dá vitória. Para Deus nada é impossível, e Ele faz infinitamente mais do que pedimos ou pensamos.

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."

Mula noon, marami sa mga alagad niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya.

Kaya tinanong ni Hesus ang labindalawa, "Kayo, gusto rin ba ninyong umalis?"

Sumagot si Simon Pedro, "Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Sumasampalataya kami sa inyo at alam naming kayo ang Banal na sugo ng Diyos."

"Hindi ko kayo iiwan nang walang kasama; babalik ako sa inyo.

Humingi, Humanap, Kumatok

"Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko."

Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, "Imposible ito sa tao; ngunit sa Diyos, ang lahat ay posible."

Sapagkat walang imposible sa Diyos."

Esperança e transformação

O Senhor completa a boa obra que começou em nós. Ele faz novas todas as coisas e dá esperança para o futuro.

Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa

Pagkatapos nito, nakita ko "ang bagong langit at ang bagong lupa." Naglaho na ang dating langit at ang dating lupa at wala na ring dagat. At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

Ang Panginoon ay mabuti;

matibay siyang kanlungan

sa oras ng kagipitan,

at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,sabi ng Panginoon, mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan."

Permanecendo firme

Persevere na oração, firme-se na Palavra e fortaleça-se na graça de Cristo. A fé vem pelo ouvir, e o ouvir pela Palavra de Deus.

Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, "Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa."

Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.

Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Kristo Hesus. Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.

Nawaʼy aliwin at palakasin kayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo at ng Diyos na ating Amang nagmahal at nagbigay sa atin ng walang katapusang kaaliwan at kalakasan, kalakip ang matibay na pag-asa dahil sa biyaya niya. At nawaʼy bigyan din kayo ng lakas ng loob na magpahayag at magsagawa ng lahat ng mabuti.

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.

Ito ang kapanatagan natin sa paglapit natin sa Diyos: Pakikinggan niya tayo sa anumang hilingin natin ayon sa kanyang kalooban. At kung alam nating pinakikinggan tayo ng Diyos, nakakatiyak tayong matatanggap natin ang anumang hilingin natin.

laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Seja o primeiro