Publicidade

Nova aliança

Por Bíblia Online

A Nova Aliança é o pacto de graça que Deus estabeleceu através de Jesus Cristo. Diferente da antiga, ela é escrita no coração, mediada pelo sangue de Cristo e acessível a todos.

A profecia da Nova Aliança

Jeremias profetizou uma aliança nova em que Deus escreveria sua lei no coração do povo. Essa promessa se cumpriu em Cristo.

Sinabi pa ng Panginoon, "Darating ang panahon

na gagawa ako ng bagong kasunduan

sa mga taga-Israel

at taga-Juda.

At hindi ito katulad ng unang kasunduan

na ginawa ko sa kanilang mga ninuno

noong pinatnubayan ko sila

sa paglabas sa Ehipto.

Kahit na akoʼy parang asawa nila,

hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,"

sabi ng Panginoon.

"Ito ang bagong kasunduan

na gagawin ko sa mga mamamayan

ng Israel pagdating

ng araw na iyon,"

sabi ng Panginoon.

"Itatanim ko sa kanilang isipan

ang aking kautusan,

at isusulat ko ito sa mga puso nila.

Hindi na nila kailangan pang turuan

ang mga kababayan o kapatid nila

na kilalanin ang Panginoon.

Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan

at kakalimutan ko na

ang kanilang mga kasalanan,"

sabi ng Panginoon.

Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Hesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Diyos.

Kung walang kakulangan ang unang kasunduan, hindi na sana kailangang palitan pa ng ikalawa.

Nang sabihin ng Diyos na may bago nang kasunduan, malinaw na pinawalang-bisa na niya ang nauna, at ang anumang wala nang bisa at luma na ay mawawala na lamang.

Kaya si Hesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan.

Selada com sangue

Jesus instituiu a Nova Aliança na Última Ceia: 'Este cálice é a nova aliança no meu sangue.' Seu sacrifício é definitivo e perfeito.

Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, "Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.

Kumuha siya ng kopang may alak, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, "Uminom kayong lahat nito, dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.

Kung nakakalinis ang mga ito, higit na nakakalinis ang dugo ni Kristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay ni Kristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Diyos. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan upang matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buháy.

Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.

Maihahalintulad ito sa isang huling testamento na kailangang mapatunayan na namatay na ang gumawa nito, dahil wala itong bisa habang nabubuhay pa siya. Nagkakabisa lang ang isang testamento kapag namatay na ang gumawa nito.

Kaya maging ang unang kasunduan ay kinailangang pagtibayin sa pamamagitan ng dugo. Pagkatapos maipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat utos na sinasabi ng Kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng hisopo. Pagkatapos, winisikan niya ang Aklat ng Kautusan at ang mga tao. At sinabi niya: "Ito ang dugong nagpapatibay sa kasunduang ibinigay at ipinatutupad sa inyo ng Diyos."

Ang Minsanang Paghahandog ni Kristo

Ang Kautusan ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating. Kailanman ay hindi ito nakakapagpabanal sa mga taong lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay nila taón-taón. Dahil kung totoong nalinis na sila nang minsan sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila inuusig ng kanilang budhi, at hindi na nila kinailangang maghandog pa. Ngunit ang paghahandog na ginagawa nila taón-taón ay siya pang nagpapaalala sa mga kasalanan nila, dahil hindi makapag-aalis ng kasalanan ang dugo ng mga toro at kambing na inihahandog nila.

Reconciliação e vida nova

Pela Nova Aliança somos reconciliados com Deus, trazidos para perto pelo sangue de Cristo e feitos embaixadores da reconciliação.

Ang sinumang nakay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. Ang lahat ng itoʼy gawa ng Diyos na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Kristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. Pinapanumbalik ng Diyos ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Kristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaang magpahayag ng mensaheng ito. Kaya nga, mga sugo kami ni Kristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Diyos sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya. Kailanmaʼy hindi nagkasala si Kristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan upang sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Diyos.

Panatag naming nasasabi ang mga ito dahil sa aming pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Diyos. Siya ang nagbigay sa amin ng kakayahang maipahayag ang kanyang bagong tipan. At ang bagong tipan na ito ay hindi ayon sa nakasulat na kautusan kundi ayon sa Espiritu. Sapagkat ang Kautusan ay nagdudulot ng kamatayan, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay-buhay.

Alalahanin ninyo ang inyong kalagayan noon bilang mga Hentil. Ipinanganak kayong Hentil at sinasabi ng mga Hudyo na wala kayong kaugnayan sa Diyos dahil sa hindi kayo katulad nila na mga tuli, pero ang pagkakatuling ito ay sa laman lang. Alalahanin rin ninyo na noon ay hindi nʼyo pa kilala si Kristo; hindi kayo kabilang sa mga mamamayan ng Israel at hindi sakop ng mga kasunduan ng Diyos na batay sa mga pangako niya. Namumuhay kayo sa mundong ito nang walang pag-asa at walang Diyos. Ngunit kayo ngayon ay nakay Kristo Hesus na. Malayo kayo noon sa Diyos, pero ngayon ay malapit na sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Kristo.

Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-