Orgulho
O orgulho é um dos pecados mais condenados na Bíblia. Deus resiste aos soberbos, mas dá graça aos humildes. A humildade é o caminho da honra verdadeira.
Deus resiste ao soberbo
A soberba precede a ruína e o orgulho antecede a queda. Deus abomina o coração altivo e promete humilhar quem se exalta.
Ang kayabangan ay humahantong
sa kapahamakan,
at ang nagmamataas
ay ibabagsak.
Kinasusuklaman ng Panginoon
ang mayayabang
at tiyak na silaʼy parurusahan.
Maaaring iniisip mo
na ikaw ay nasa tamang daan,
ngunit ang dulo pala nito
ay kamatayan.
Ang may takot sa Panginoon
ay lumalayo sa kasamaan.
Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan,
pagsisinungaling at masamang pag-uugali.
Ang taong mayabang
ay madaling mapahiya,
ngunit may karunungan
ang taong mapagpakumbaba.
Ang taong mayabang
ay madaling mapahiya,
ngunit may karunungan
ang taong mapagpakumbaba.
Ang kayabangan ng tao
ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan,
ngunit ang pagpapakumbaba
ang magbibigay sa kanya ng karangalan.
Ang kayabangan ng tao
ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan,
ngunit ang pagpapakumbaba
ang magbibigay sa kanya ng karangalan.
Ang pagmamataas ng tao
ang magpapahamak sa kanya,
ngunit ang pagpapakumbaba
ang magpaparangal sa kanya.
Ang pagmamataas ng tao
ang magpapahamak sa kanya,
ngunit ang pagpapakumbaba
ang magpaparangal sa kanya.
Wawasakin ng Panginoon
ang bahay ng hambog,
ngunit iingatan niya
ang lupain ng biyuda.
Humildade como caminho
Humilhai-vos diante do Senhor e Ele vos exaltará. A grandeza no Reino vem pelo serviço humilde, não pela autopromoção.
Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan:
"Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba."
Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Dapat ikagalak ng mga kapatid nating mahihirap ang pagpaparangal ng Diyos sa kanila. Dapat ding ikagalak ng mga mayayaman na kapatid kay Kristo ang pagpaparangal sa kanila ng Diyos, dahil lilipas silang katulad ng mga bulaklak sa parang.
At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:
"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."
Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Sapagkat ang nagpapakataas ng kanyang sarili ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."
Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.
Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:
Os perigos do orgulho
O orgulho cega, gera contendas e afasta de Deus. A Escritura adverte contra a soberba da vida e a vã glória mundana.
Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.
Kung inaakala ninyong matatag ang inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan!
At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos.
Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, "Kung mayroong nais magmalaki, ang Panginoon na lang ang ipagmalaki niya." Sapagkat hindi ang taong pumupuri sa kanyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi ang taong pinupuri ng Panginoon.
Sinabi pa ni Hesus, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya."
Ang kayabangan ay humahantong
sa kaguluhan at pagtatalo,
ngunit ang nakikinig sa payo
ay nagpapahiwatig ng karunungan.
Ang paggalang sa Panginoon
at pagpapakumbaba
ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,
kayamanan at karangalan.
Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.
O olhar de Deus
O Senhor não olha como o homem. Ele vê o coração e se agrada dos quebrantados de espírito e dos que tremem diante da sua Palavra.
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, "Huwag mong tingnan ang tangkad o ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso."
"Walang sinumang makapagyayabang
dahil alam ng Panginoong Diyos
ang lahat ng bagay,
at hinahatulan niya
ang mga gawa ng tao.
Hindi baʼt ako ang gumawa
ng lahat ng bagay na ito,
kaya silaʼy nalikha?"
wika ng Panginoon.
"Binibigyang pansin ko
ang mga taong mapagpakumbaba,
nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.
Kaya ngayon, akong si Nebucadnezar ay pinupuri at pinararangalan ang Hari ng langit, dahil matuwid at tama ang lahat niyang ginagawa at ibinabagsak niya ang mga mapagmataas."
Sumagot ang hari ng Israel, "Sabihan nʼyo siya na ang sundalong naghahanda pa lang sa pakikipaglaban ay hindi dapat magmayabang tulad ng sundalong tapos nang makipaglaban."
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.