Pular para o conteúdo
Publicidade

Pais

Por Bíblia Online

Deus é nosso Pai celestial — amoroso, provedor, disciplinador e fiel. As Escrituras também honram os pais terrenos e os chamam a criar os filhos na instrução do Senhor.

O Pai celestial

Deus é Pai de misericórdias. Ele nos adotou como filhos, nos ama incondicionalmente e cuida de cada detalhe da nossa vida.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.

At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos. Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.

Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo.

Kung paanong ang ama ay nahahabag

sa kanyang mga anak;

ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon

sa mga may takot sa kanya.

Kung paanong ang ama ay nahahabag

sa kanyang mga anak;

ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon

sa mga may takot sa kanya.

Sapagkat alam niya ang ating kahinaan,

alam niyang tayoʼy mula

sa alabok lamang.

Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan

ang siyang nangangalaga sa mga ulila

at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Ngunit, Panginoon,

kayo pa rin ang aming Ama.

Ang katulad ninyoʼy magpapalayok,

at kami naman ay parang putik.

Kayo ang lumikha sa aming lahat.

Sapagkat kayo ang aming Ama,

kahit na hindi kami kilalanin ni Abraham

at ni Jacob na kanilang lahi.

Totoo, Panginoon, kayo ang aming Ama,

ang aming Tagapagligtas mula pa noon.

Ipapanganak ang isang batang lalaki

na maghahari sa amin.

Tatawagin siyang,

"Kahanga-hangang Tagapayo,

Diyos na Makapangyarihan,

Walang Hanggang Ama,

at Prinsipe ng Kapayapaan."

Ipapanganak ang isang batang lalaki

na maghahari sa amin.

Tatawagin siyang,

"Kahanga-hangang Tagapayo,

Diyos na Makapangyarihan,

Walang Hanggang Ama,

at Prinsipe ng Kapayapaan."

O cuidado paterno de Deus

O Pai celestial sabe do que precisamos antes de pedirmos. Ele dá boas dádivas aos filhos que pedem e cuida até dos passarinhos.

Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila?

Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.

Sa halip, kapag mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kuwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.

Sa halip, kung mag-aayuno kayo, mag-ayos kayo ng sarili at maghilamos, upang hindi malaman ng iba na nag-aayuno kayo, maliban sa inyong Amang hindi nakikita. At ang inyong Amang nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang siyang gagantimpala sa inyo.

"Kayong mga magulang, kung ang anak nʼyo ay humihingi ng isda, ahas ba ang ibibigay ninyo? At kung humihingi siya ng itlog, alakdan ba ang ibibigay ninyo? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya."

Kayamanan sa Langit

"Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.

Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay.

Conhecer o Pai

Jesus é o caminho para o Pai. Ninguém conhece o Pai senão o Filho e aquele a quem o Filho quiser revelar.

Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.

At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.

"Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya."

Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.

Walang sinumang nakakita sa Diyos; ngunit ang kanyang kaisa-isang Anak, na Diyos mismo at pinakamalapít sa Ama ang nagpakilala sa kanya.

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila mula sa aking kamay, sapagkat walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ako at ang Ama ay iisa."

"Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, upang makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.

"Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

Kaya dapat maging ganap kayo, tulad ng inyong Amang nasa langit."

"Ngunit huwag kayong magpatawag na Rabbidahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro. At huwag ninyong tawaging Amaang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit.

Hindi mo ba alam na puwede akong humingi ng tulong sa aking Ama, at kaagad niya akong padadalhan ng labindalawang batalyon ng mga anghel?

Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.

Purihin natin ang ating Diyos at Ama magpakailanman. Amen.

Disciplina e amor paterno

O Pai disciplina os filhos que ama. A correção divina produz fruto de justiça e paz para aqueles que foram exercitados por ela.

Tiisin nʼyo ang lahat ng paghihirap bilang pagdidisiplina ng Diyos sa inyo dahil itinuturing niya kayong mga anak. Sino bang anak ang hindi dinidisiplina ng ama? Kung hindi kayo dinidisiplina ng Diyos gaya ng pagdidisiplina niya sa lahat ng anak niya, hindi kayo mga tunay na anak kundi mga anak sa labas. Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, upang maging mabuti ang pamumuhay natin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Diyos ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya.

Anak, huwag mong mamasamain

kapag itinutuwid ka ng Panginoon.

Huwag mong kasuklaman

ang kanyang pagsaway.

Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang ugali ng kanyang mga minamahal,

katulad ng ginagawa ng isang ama

sa kanyang anak na kinalulugdan.

Anak, huwag mong mamasamain

kapag itinutuwid ka ng Panginoon.

Huwag mong kasuklaman

ang kanyang pagsaway.

Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang ugali ng kanyang mga minamahal,

katulad ng ginagawa ng isang ama

sa kanyang anak na kinalulugdan.

Pais terrenos

A Bíblia honra os pais que criam os filhos nos caminhos de Deus. Honrar pai e mãe é mandamento com promessa de vida longa.

Aral sa mga Magulang at mga Anak

Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. "Igalang mo ang iyong amaʼt ina." Ito ang unang utos na may kasamang pangako, "upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal."

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.

Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao

Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid

sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,

dahil itoʼy makapagbibigay

sa iyo ng karangalan

katulad ng koronang gawa sa bulaklak

at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.

Matutuwa ang iyong mga magulang

kung matuwid ka at matalino.

Hindi pinapansin ng taong hangal

ang pagtutuwid ng kanyang ama,

ngunit ang taong marunong,

sumusunod sa mga paalala sa kanya.

Karangalan ng mga loloʼt lola

ang kanilang mga apo,

gayon din naman, karangalan ng mga anak

ang kanilang mga magulang.

Mamamatay ang sinumang sumumpa

sa kanyang magulang,

para siyang ilaw na namatay

sa gitna ng kadiliman.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat kalugod-lugod ito sa Panginoon.

Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak nʼyo upang hindi sila panghinaan ng loob.

Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Ang mga buháy lamang

ang makakapuri sa inyo

katulad ng ginagawa ko ngayon.

Ang bawat henerasyon

ay magpapahayag

sa susunod na henerasyon

tungkol sa inyong katapatan.

Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; papatayin lamang ang tao dahil sa sarili niyang kasalanan.

Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya.

Sumusulat ako sa inyo, mga ama,

sapagkat kilala nʼyo siya

na naroon na mula sa pasimula.

Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,

sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Sumusulat ako sa inyo, mga anak,

sapagkat kilala nʼyo na ang Ama.

Sumusulat ako sa inyo, mga ama,

sapagkat kilala nʼyo siya

na naroon na mula sa pasimula.

Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,

sapagkat matatag ang inyong pananampalataya.

Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos,

at napagtagumpayan ninyo si Satanas.

Huwag Ibigin ang Mundo

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Seja o primeiro