Pular para o conteúdo
Publicidade

A Palavra de Deus

Por Bíblia Online

A Palavra de Deus é viva, eficaz e eterna. Desde 'No princípio era o Verbo' até 'O céu e a terra passarão, mas as minhas palavras não hão de passar', ela é a revelação suprema do Criador.

No princípio era o Verbo

A Palavra é Deus encarnado. No princípio era o Verbo, o Verbo estava com Deus, e o Verbo era Deus. Todas as coisas foram feitas por Ele.

Naging Tao ang Salita

Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.

Naging Tao ang Salita

Nang pasimula, naroon na ang Salita. Ang Salita ay kasama ng Diyos at ang Salita ay Diyos.

Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.

Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.

Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag!" At nagkaroon nga ng liwanag.

Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.

Dahil sa pananampalataya, alam natin na ang sanlibutan ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita. Kaya ang mga bagay na nakikita natin ay galing sa mga hindi nakikita.

Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon,

ang langit ay nalikha;

sa kanyang hininga nagmula ang araw,

buwan at mga bituin.

A Palavra é viva e eficaz

A Palavra de Deus é mais cortante que espada de dois gumes. Ela julga pensamentos e intenções do coração, transforma e liberta.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

"Hindi baʼt makapangyarihan ang aking mga salita?" sabi ng Panginoon. "Itoʼy katulad ng apoy na nakakasunog o ng martilyong nakakadurog ng bato.

Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.

Toda Escritura é inspirada

Toda a Escritura é inspirada por Deus e útil para ensino, correção e instrução na justiça. Ela é perfeita e imutável.

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay,

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.

Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.

Luz para o caminho

A Palavra é lâmpada para os pés e luz para nosso caminho. Ela ilumina, orienta e protege o que nela medita dia e noite.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Ang pagpapahayag ng inyong mga salita

ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao

at karunungan sa mga kulang

sa kaalaman.

Panginoon, ang salita nʼyo

ay mananatili magpakailanman;

hindi ito magbabago tulad ng kalangitan.

Paano mapapanatili ng isang kabataan

na dalisay ang kanyang buhay?

Sa pamamagitan ng pamumuhay niya

ayon sa inyong salita.

Ang salita ninyo ay iningatan ko

sa aking puso

upang hindi ako magkasala sa inyo.

Totoo ang lahat ng inyong salita,

at ang inyong mga utos

ay makatuwiran magpakailanman.

ש Sin at Shin

Obedecer a Palavra

Seja praticante da Palavra e não apenas ouvinte. Jesus disse que quem ouve e pratica é como o homem sábio que edificou sobre a rocha.

Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili.

Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili.

Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili. Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin. At pagkatapos makita ang sarili ay umaalis ito at agad kinakalimutan ang kanyang hitsura.

Kaya talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Diyos na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.

Ang Matalino at ang Hangal na Nagtayo ng Bahay

"Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.

Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos."

Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos."

Ngunit sumagot si Hesus, "Higit na mapalad ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos."

Ngunit sinagot siya ni Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ "

Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, "Pambihira ang mga salita niya – may kapangyarihan at kakayahang magpalayas ng masasamáng espiritu, at sumusunod sila!"

A Palavra que permanece

Céus e terra passarão, mas as palavras de Jesus jamais passarão. A Palavra do Senhor permanece para sempre — eterna e infalível.

Ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita koʼy mananatili magpakailanman.

Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.

Ang damo ay nalalanta

at ang bulaklak nito ay nalalaglag,

ngunit ang salita ng ating Diyos

ay mananatili magpakailanman."

Ang salita ng Panginoon ay matuwid,

at maaasahan ang kanyang mga gawa.

Ang salita ng Panginoon ay matuwid,

at maaasahan ang kanyang mga gawa.

Ang bawat salita ng Diyos

ay tunay na mapagkakatiwalaan.

Siya ay tulad ng panangga

sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.

Sapagkat ang Panginoon

ang nagbibigay ng karunungan,

kaalaman, at ng pang-unawa.

Sapagkat ang Panginoon

ang nagbibigay ng karunungan,

kaalaman, at ng pang-unawa.

O poder da Palavra

A Palavra transforma, sara e liberta. Quem permanece na Palavra de Jesus conhece a verdade, e a verdade o liberta.

Ang Katotohanang Nagpapalaya sa Tao

Sinabi ni Hesus sa mga Hudyong sumampalataya sa kanya, "Kung patuloy kayong susunod sa aral ko, totoo ngang mga alagad ko kayo.

Ang Katotohanang Nagpapalaya sa Tao

Sinabi ni Hesus sa mga Hudyong sumampalataya sa kanya, "Kung patuloy kayong susunod sa aral ko, totoo ngang mga alagad ko kayo. Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo."

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumusunod sa mga aral ko ay hindi mamamatay kailanman."

"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumusunod sa aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan sapagkat inilipat na nga siya sa buhay mula sa kamatayan.

Sumagot si Hesus, "Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya.

Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo.

Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.

Kaya nang nabuhay siyang muli, naalala ng mga alagad niya ang sinabi niyang ito, at naniwala sila sa pahayag ng Kasulatan at sa mga sinabi niya.

Dahil sa pangangaral niya, marami pa sa kanila ang sumampalataya.

Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso ng sinumang sumasampalataya sa akin."

Meditar na Palavra

A meditação na Palavra traz prosperidade e bom sucesso. Ela é fonte de sabedoria, consolo e orientação para toda a vida.

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi upang malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, magiging maunlad ang lahat ng iyong gagawin at magtatagumpay ka.

Noong nagsalita kayo sa akin,

pinakinggan ko po kayo.

Ang mga salita po ninyo ay kagalakan ko;

at akoʼy sa inyo,

O Panginoong Diyos ng mga Hukbo.

na kung ipapahayag mo na si Hesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat itinuturing ng Diyos na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niyang siyaʼy sumasampalataya, maliligtas siya.

O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako.

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo.

Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Ang pamamaraan nʼyo,

O Diyos ay walang kamalian.

Ang inyong mga salita ay maaasahan.

Kayoʼy katulad ng isang kalasag

sa mga kumakanlong sa inyo.

Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.

Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan

ng inyong kapangyarihan,

at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

Pinaluwang nʼyo ang aking daraanan,

kaya hindi ako natitisod.

Kung nais ninyo ng masaya

at mahabang buhay,

iwasan ninyo ang masamang pananalita

at pagsisinungaling.

Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.

Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espirituwal, upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan

Ang Pagpapakumbaba ni Kristo

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:

Bagamaʼt siya ay Diyos,

hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos

bilang isang bagay na dapat panghawakan.

Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.

Naging tao siyang tulad natin.

At sa pagiging tao niya,

nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan,

maging sa kamatayan sa krus.

Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,

upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri

ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,

sa ikapupuri ng Diyos Ama.

Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag

Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.

Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.

Si Timoteo at si Epafroditus

Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko diyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, sa halip na ang mga bagay ukol kay Hesu-Kristo. Ngunit alam ninyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin sa inyo ang kapatid nating si Epafrodito na pinapunta ninyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at kapwa kawal ng Diyos. Sapagkat, sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Diyos sa kanya at maging sa akin, upang hindi madagdagan ang aking kalungkutan. Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita na ninyo ulit siya, at hindi na rin ako mag-aalala. Kaya tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya, dahil nalagay sa panganib ang kanyang buhay para sa gawain ni Kristo. Itinaya niya ang kanyang buhay upang matulungan ako bilang kinatawan ninyo.

Palavras de vida

As palavras de Deus são espírito e vida. Quem fala deve falar como oráculos de Deus, com verdade, sabedoria e edificação.

Ang pabigla-biglang salita

ay nakakasugat ng damdamin,

ngunit ang magandang salita

ay nagpapagaling.

Ang kabalisahan sa puso ng isang tao

ay nakapagpapalungkot,

ngunit kaaaliwan nito

ang mabuting salita.

Ang salita ng taong matuwid

ay makakatulong sa buhay ng iba,

ngunit ang mga salita ng taong masama

ay makapipinsala.

Ang malumanay na sagot

ay nakakapawi ng poot,

ngunit lalong nakakapagpagalit

ang pabalang na sagot.

Sa bunga ng bibig ng tao,

mabubusog ang kanyang tiyan.

At sa kahihinatnan ng salitang

kanyang binibitawan,

siya ay nasisiyahan.

Ang salita ng tao

ay makapagliligtas ng buhay

o kaya ay nakamamatay.

Kaya mag-ingat sa pagsasalita

sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.

Ngunit ang mga salitang lumalabas sa bibig ng isang tao ay nagmumula sa puso, at ang mga ito ang nagpaparumi sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng seksuwal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi."

Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig.

Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.

Binubusalan natin ang mga kabayo sa bibig para sumunod saan man natin gustong papuntahin. Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin. Ganoon din naman ang dila natin; kahit itoʼy maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin ninyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog dahil sa maliit na apoy. Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impiyerno, at sumisira sa buong buhay natin.

Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao. Ngunit walang taong nakakapagpaamo sa dila niya. Itoʼy walang kapaguran sa kasamaan at nagtataglay ng nakakamatay na lason.

Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya. Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan:

"Narinig sa lahat ng dako

ang kanilang tinig;

At nakarating sa buong mundo

ang sinabi nila."

Seja o primeiro